Ch#44: Memories

200 7 0
                                    

Napakunot ang noo ko dahil sa kirot ng ulo ko. Unti unti kong minulat ang mata ko at nagaadjust pa ang mata ko sa liwanag. Umupo ako sa kama ko at may nasanggi ako sa tabi ko. Si Kyla pala. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi pero wala talaga akong maalala.

Tumayo ako at dumeretso sa CR naghilamos at nagtoothbrush ako. Pagkatapos bumaba na ako ineexpect ko na makalat ang buong bahay dahil nga sa party kagabi pero mali ako parang walang nangyari sobrang linis at walang kahit anong marka na nangkaroon ng party kagabi.

Nang tuluyan na akong makababa nakaamoy ako ng pagkain. Nakita ko si Lucas na naghahain sa lamesa.

"Lucas?" Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Good morning. Kape ka muna para sa hang over" inabutan niya ako ng isang tasa ng kape.

"Di ka ba umuwi kagabi?" Tanong ko sa kaniya. Umiling siya.

"Nope. Nag-stay na ako dito dahil wala kayong kasamang dalawa ni Kyla pareho kayong lasing na lasing. By the way humiram ako ng damit sa kuya mo ha?" Napansin ko nga yung suot niya t-shirt ni kuya yun.

"Yeah. It's okay. Ano bang nangyari kagabi?" Nakita kong natigilan siya bigla tuloy akong kinabahan. Kinakabahan ako na baka kung ano yung nagawa ko kagabi at sigurado akong nakakahiya yun.

"Wala ka bang maalala?" Umiling ako. Kahit pilitin ko sumasakit lang yung ulo ko kakaisip.

"I see. Basta makulit lang naman kayo kagabi ni Kyla" saad niya habang sumisimsim ng kape.

"Yun lang?" Takang tanong ko.

"Yeah." Tipid niyang saad.

I just nodded when i realized something.

"Lucas? Ikaw ba naglinis ng bahay?" He nodded. Nagulat ako. Sigurado napakaraming kalat yung nilinis niya.

"Really? Di mo naman kailangan gawin yun pero salamat" ngumiti lang siya.

"G-good morning" napatingin ako kay Kyla na pababa ng hagdan halatang inaantok pa.

"Bessy. Umupo ka na dito" umupo si kyla sa tabi ko.

"Pengeng kape" laking gulat ko ng kunin niya yung kape ko.

"Hey akin yan eh" daing ko.

"So what? Argh. Sakit ng ulo ko. God!" Pustahan mas marami pa yang nainom sakin. 

"Kuhanan na lang ulit kita" presinta ni Lucas.

Nang makaalis si Lucas sa lamesa tinapunan ako ng nakakalokong ngiti ni Kyla.

"So comeback na ba?" Napailing na lang ako.

"Hindi na magkakaroon ng comeback kyla, i'm already fall in love with someone and you know that" tumango-tango siya.

"Yeah. Ang ingay mo nga kagabi e. Grabe pala hinanakit mo kay jungkook" natigilan ako sa sinasabi niya.

Shit. Ano na naman bang ginawa ko kagabi?

"W-what? Anong maingay ako?" Grabeng kabog ng dibdib ang nararamdaman ko ngayon.

"Duh Reign, your only drunk but i don't think you have a amnesia" napailing ako.

"Seriously Kyla wala akong maalala" napabuntong hininga siya.

"Okay fine" tumingin siya ng seryoso sakin at dahil don mas lalo akong kinabahan.

"Bakit di mo sabihin kay Jungkook ang totoong rason kung bakit ka lumayo?" Napaawang ang bibig ko. So nasabi ko kagabi ang rason ang kung bakit ako lumayo kay Kookie.

"Kyla you don't u-understand" sinenyasan niya ako na tumigil.

"No Reign. You don't understand. Alam mo kung sinabi mo kay Jungkook ang totoo. I'm pretty sure gagawa ng hakbang yun" napapikit ako. Yan, yan ang dahilan kung bakit ayokong sabihin sa kaniya. Ayokong gumawa na naman siya ng hakbang na ikapapahamak ng career niya.

"Kyla, pag pinagpatuloy namin ang namamagitan samin manganganib ang career niya at ayokong mangyari yon" napailing si Kyla.

"Reign parang di ka naman naging fan ng isang Jeon Jungkook. Asset na siya ng BigHit and i don't think na kakayanin nilang mawala ang isang Jungkook kung saan nagdadala ng maraming fans sa bawat concert" napaisip ako. Bakit di ko naisip ang isang yon.

"Reign don't make a decision that you may regret"

"Pero Kyla pano yung mga fans niya na ayaw sakin?"

"Not all fans hate you Reign. Just be positive."

"Here's the coffee" inabot sakin ni Lucas yung kape i murmured 'thank you' to him.

"So anong plano niyo?" Tanong samin ni Lucas pagkaupo niya.

"Ahm. Pupunta akong cafe mamaya. Ako muna magmamanage non habang nandito ako" sagot ko. Tumango-tango naman siya.

"Magpapaparlor ako later" saad naman ni Kyla.

"So lahat tayo may gagawin" natatawang sabi ni Lucas.

Pagtapos naming kumain nagpaalam na rin si Lucas at Kyla so here I go again. Mag-isa. Naligo ako at nagpalit ng pants at off shoulder. I put my lip balm and powder. Kinuha ko ang bag ko at umalis na.

Nagtaxi lang ako papuntang cafe since di pa naman ako marunong magdrive.

Pagdating ko sa cafe maraming customers. Mukang maganda naman yung takbo.

Pagpasok ko sa cafe sumalubong sakin si Cheska yung pinagkatiwalaan ni mommt habang wala kami.

"Ma'am Reign" salubong niya. Ngumiti ako sa kaniya.

"Ang sabi ni mommy may problema daw ang cafe?" Umiling siya.

"Nung nakaraan po humina yung benta natin as in po parang wala ng customers na pumapasok, pero po ginawan ko na ng paraan nagexperiment po ako ng new product para po may maentertain yung mga customers natin" bilib talaga ako kay Cheska maaasahan talaga siya at mapagkakatiwalaan.

"Ano yung new product na nagawa mo?" Tanong ko. Sumenyas siya ng 'wait' bumalik siya sa counter. Umupo ako sa upuan at pinagmasdan ang mga kumakain. Suddenly caught my attention isang mag-couple ba ang saya tignan.

Jungkook...

"Ma'am here po. Chocolate rainbow cake" nilapag niya ang platito ng cake. Itsura pa lang masarap na. Tinikman ko ang nilasap yung cake na yun.

"Great. Ang galing mo Cheska masarap siya." Napatawa siya. Ang cute niya sa totoo lang.

"Eh ma'am natyambahan lang po yan" hindi ako makapaniwala na makakagawa siya ng ganito kasarap na cake.

"Thank you for doing this, Cheska."

"Ma'am hindi ko naman po hahayaan na bumagsak na lang tong cafe sa totoo nga lang po kulang pa yan para sa mga tulong na ibinigay ninyo sa pamilya ko" napangiti ako. Masasabi ko talagang napakabait ni Mama ang dami niyang natutulungan ba mga tao kaya madami din ang tumutulong sa kaniya.

"Ma'am kukunin ko lang po yung sales na nabenta nung nakaraang mga buwan para po mapag-aralan niyo" tumango ako.

*bzzzt bzzzt*

A message pop on my phone.

'Scarlett see you soon.'

My Bias Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon