Scarlett's POV
Maaga akong nagising ngayon. Tiningnan ko yung phone ko wala man lang text sj Kookie. Huminga ako ng malalim. Tumayo ako at dumeretso ng bathroom. After 30 minutes lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko sila mama na kumakain.
"Good morning apo!" Nginitian ko si Lola.
"Morning, La" umupo ako sa tapat na upuan ni Kuya. As usual hindi pa din niya ako pinapansin.
"Reign. Charles. May problema ba kayong dalawa?" Napaangat ako ng tingin ng magsalita si mama. Nagkatinginan kami ni Kuya.
"Ah wala po ma, okay naman po kami ni Kuya. Diba?" Ayoko na mag-alala si mama.
"Hm. Yeah. We're okay don't worry ma" buti sinakyan ni Kuya yung palusot ko. Kainis kasi ang lakas ng trip nito. Bigla na lang hindi mamamansin lakas ng topak.
Pagkatapos kumain nagpaalam na rin ako na papasok na. As usual magba-bus na naman ako. Naglalakad na ako papuntang bus station ng may huminto sa gilid kong isang pulang kotse. Binaba niya yung tinted na salamin nanglaki ang mata ko ng makitang si Joo Hyuk yun.
"Wanna ride?" Binuksan ko yung pjnto ng kotse niya at sumakay.
"Hindi ka ata nagbus ngayon?" Nakakapanibago lang kasi nakakotse siya.
"Hmm. Nakakatamad eh" natatawa niyang saad.
"Scarlett. If it's okay to ask ano yung article about you?" Ito na nga bang sinasabi ko. Alam kong nabasa niya yun at itatanong niya yun sakin.
"It seems you don't want to talk about it right?" Tumango ako at napabuntong hininga.
"I'm sorry" saad niya.
"It's okay" nginitian ako siya ng tipid. Minutes ago nakarating na kami sa school. Nang maipark niya na ng maayos yung kotse niya bumaba na ako ganun din siya.
Sabay kaming naglakad papasok ng campus. Nagulat ako ng makita namin sila Kookie. Nakatingin siya sakin nagkatinginan kami ni Joo Hyuk.
"Bakit kayo magkasama?" Tanong niya deretsong nakatingin sa mga mata ko at tila ba sinasalubong ang mga tingin ko.
"Bro sinabay ko lang si Scarlett. Mag-isa siya alangan naman pabayaan ko siya diba?" Tumingin si Kookie kay Joo Hyuk.
"I'm not talking to you" napapikit ako. He's damn serious. Ng dumilat ako ay nakatingin na ulit sakin si Kookie.
"Kookie like what he said. Sinabay niya lang ako" nag-iwas siya ng tingin.
"Okay. From now on ako na ang maghahatid sundo sayo like what I did before" nagulat ako sa tinuran niya.
"Kookie may rehearsals ka" ayoko namang ako pa ang maging dahilan para hindi siya makapag-practice.
"I can manage." So i think i hae no choice.
"And you? Don't you dare push my button. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo" sabi niya kay Joo Hyuk.
"Ako pa? Eh kung sana hinahatid mo siya diba? Jungkook akala ko ba manliligaw ka niya? Ha! Manliligaw ka pero hindi man lang siya maihatid o masundo?" Nakita kong nagkuyom ang mga kamao ni Kookie.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kamao niya.
"Please?" Mukang naintindihan niya yung sinabi ko unti unting bumukas ang mga kamao niya at hinawakan ang kamay ko.
"Hmm. Mauuna na siguro ako. See you around Scarlett" nagwink pa siya bago siya tuluyang umalis. Bakit ba ang lakas ng trip niya.
"Dre' malalate na tayo" saad ni Jimin. Pansin ko lang kanina pa sila tahimik. Masiyado silang seryoso lahat. Nahawa na ba sila kay Yoongi?
BINABASA MO ANG
My Bias Is My Boyfriend
FanfictionI'm a fan who dream of someday my bias became my boyfriend halos lahat ng fan naman diba? They dream what I've dream too, what's wrong with that, hindi masamang mangarap its free! It's up to you on how you achieve that dream, If you desperate well I...