Ch#36: Career o ako?

188 7 1
                                    

Pagkatapos ng nangyari kahapon hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Mas lalong dumami ang bashers ko. Maski sa bahay may nagpadala pa ng package na patay na daga.

"Anak ayos ka na ba?" Bungad sakin ni mama pagbaba ko ng hagdan. Wala pa siyang alam sa mga nangyayari sakin, sinabi ko lang na masama ang pakiramdam ko kagabi.

"Opo ma, si kuya?" Wala kasi siya sa upuan niya. Masiyado pa namang maaga para pumasok siya.

"May aasikasuhin daw siya" saad niya.

"Oh apo. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni lola. Tumango lang ako at ngumiti.

Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako na aalis. Paglabas ko ng bahay yung mga taong nakakasalubong ko pinagbubulungan ako, siyempre naiilang ako. Ayoko naman ng atensyon eh.

Imbes na magbus ako ng nagtaxi na lang ako pero sa kamalas malasan pati driver ng taxi na nasakyan ko kilala ako.

Pagdating ko sa school as usual sumalubong na ang bulong bulungan.

"Reign!" Laking pasasalamat ko ng makita ko si Kat na papalapit sakin.

"Kat..." Saad ko ng makalapit siya sakin.

"Sabay na tayo!" Hindi pa man din ako nakaka oo hinila niya na ako. Siguro nasesense din niya na ang sama na ng tingin sakin ng ibang studyante. Pumasok kamj sa room na ganun pa rin ang eksena.

Feeling ko tuloy torture na torture na ako sa mga utak nila >.<

Pagpasok pa lang ni Miss Sy sakin na agad yung tingin niya.

"Miss madrigal I have to tell you something later" wala akong nagawa kundi tumango na lang. Ano bang magagawa ko diba?

"Okay class tomorrow you'll be have your quiz 80 items" parang nanlumo naman kami sa narinig namin.

Sinenyasan ako ni miss na sumunod sa kaniya. Pagdating namin sa faculty pinaupl niya ako.

"So miss madrigal aware ka naman siguro sa mga issue na kumakalat about sayo?" Tumango lang ako.

"So I guess alam mo rin na may possibility na maapektuhan ang pag graduate mo pag nagkataon" tumango ulit ako.

"Pero ma'am hindi ko naman po alam kung bakit nila ginagawa sakin yung mga ganung bagay" she sigh.

"Hindi mo nga ba alam?" Napayuko na lang ako. Alam ko naman talaga. Ang ibig kong sabihin dun ay bakit kailangan pa nilang gawin yun. May mga sinabi pa sakin si Miss bago niya ako paalisin.

"Uy Reign okay ka lang?" Tanong ni Kat tumango lang ako. Kapag hindi ako nakagraduate panigurado madi disappoint si mama sakin. Ang laki pa naman ng expectation niya sakin.

Natapos ang tatlong subject na wala akong naintindindihan. Inaya ako ni Kat sa canteen pero umayaw ako, wala akong gana kumain ngayon. Dumeretso ako sa may field at naupo sa may damuhan.

*Beep beep*

Tiningnan ko yung caller ko. Unknown number. Sinwipe ko yung answer call.

"Hello? Is this Miss Madrigal?" Grabe napaka pormal naman nito.

"Speaking. Wae?"

[Translation: Wae- bakit]

"This secretary of Bang pd Nim. He set a meeting for you. I'll text you the address"

*Toot toot*

Napatingin ako sa cellphone ko. Manager nila? Gusto akong kausapin?! Wag mong sabihing alam na rin niya lahat ng ito?! I'm dead!

My Bias Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon