Ch#31: Article

210 6 2
                                    

SCARLETT'S POV

"I love you too my Kookie my one and only Kookie" napangiti ako sa sinabi ko. Ang sarap sa pakiramdam na nasabi ko na ang mga salitang yun.

"Anak ng—" napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko si Kuya.

><

"K-kuya" tangi kong nasabi. Ang sama ng tingin niya samin. Nakakahiya!

"Bro. Hehe. Paalis na rin ako" bumaling sakin si Kookie. "Scarlett una na ako kita na lang tayo bukas sa school" wala sa sariling napatango ako.

Akmang aalis na ako ng magsalita ulit si Kuya.

"Walang aalis. Maupo ka diyan" napapikit ako sa tinuran ni Kuya. Umupo si Kookie ganun din ako. Sumunod si Kuya at umupo sa harap namin.

"Kayo na ba?" Seryosong tanong niya. Minsan lang siyang ganiyan kaya natatakot ako. ><

"Hindi pa" nakahinga ako ng maluwag ng si Kookie na ang sumagot.

Napabuntong hininga si Kuya.

"Reign alam mo naman ang consequences na kakaharapin mo kapag naging kayo diba?" Napatingin ako sa kaniya makikita mo talaga sa mata niya ang pagseseryoso at walang halong biro.

"Y-yes Kuya" napatungo ako.

"Jungkook nadala na kami dun sa huling nangyari kay Reign ng dahil sa fans mo"

"Alam ko. At hindi ko na hahayaang maulit pa yun. Hindi na" ramdam ko sa bawat salita ni Kookie ang sinseridad niya.

"Dapat lang. Dahil oras na maulit yun pasensyahan tayo ako mismo ang maglalayo kay Reign sayo" napaangat ako ng ulo.

"K-kuya..." Tumingin sakin si Kuya.

"Reign. Kapatid kita at kahit hindi ko pinaparamdam sinusuportahan kita sa lahat ng gusto mo pero kung ang kapalit nun ay ang ikapapahamak mo. Ilalayo kita sa kaniya" nakaramdam ako ng takot. Matinding takot dahil alam kong may isang salita siya. Ayokong malayo kay Kookie hindi ko kakayanin.

"Bro. Hindi ko na hahayaan pang umabot sa ganiyan"

"Siguraduhin mo lang Jungkook" yun lang at umalis na kuya sinundan ko na lang siya ng tingin. Bakas pa rin sakin ang pagkagulat. Naramdaman ko ang paghawak ni Kookie sa kamay ko.

"Wag kang mag-alala okay? Hindi ka niya malalayo sakin" ngumiti ako. Nakaramdam ako ng kahit papaanong kaginhawaan. Hindi niya hahayaan na magkahiwalan kami.

"Sige na umakyat ka na taas, matulog ka na. Uuwi na rin ako" tumango ako. Tumayo kami at hinatid ko siya sa labas.

"Good night, Scarlett" saad niya.

"Good night din. Ingat sa pagmamaneho" tumango siya. Sumakay siya sa kotse niya at pinaandar yun. Hinatid na lang siya ng mga tingin ko nang hindi ko na makita ang kotse niya pumasok na ako sa loob. Nahagip ng mata ko yung ice cream. Napangiti ako ng wala sa oras. Kinuha ko yun at nilagay muna sa ref. Bukas ko na lang kakainin.

Umakyat ako sa taas at dumeretso sa kwarto. Sumalampak ako sa kama ko. Napapaisip ako sa sinabi ni Kuya. Naiisip ko pa lang nailalayo niya ako kay Kookie hindi ko na kaya. Hays. Kaya niya ba talagang gawin yun?!

Napagpagulong gulong ako sa kama. Hanggang sa magflash sa isip ko yung KISS namin ni Kookie.

Taeeeeeeee!!!!!!!!!!!

"Arayyy!!" Sakit ng likod kooooo!! Potek na yan!! Nasobrahan ako sa pag-gulong nalaglag ako sa kama. Aish! Ang sakit ng puwit ko! Kainis!

*Brizzk Brizzk*

My Bias Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon