Ch#23: Danger

218 8 1
                                    

"Kat bakit anong nangyari?"

Bigla akon nakonsensya sa tanong ko kasi napaiyak siya ng sobra. Napatingin ako sa mga kaklase namin wala pa namang masyadong nakakapansin ng pag-iyak niya.

"Kat? Labas muna tayo?" Di na siya umangal at tumayo inalalayan ko siya paglabas ng room.

Dinala ko siya sa likod ng school hindi na muna ako papasok sa unang subject, tinitigan ko si Kat na animo'y napakaraming bumabagabag sa isip niya.

"Kat? Are you okay?" Tumingin siya sakin kita sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman niya.

Unti unti siyang umiling, napabuntong hininga ako.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko.

"Si Namjoon... Si Namjoon m-may babae.." Pagkatapos niyang sabihin yun napaiyak ulit siya.

Habang ako ito natameme sa sinabi niya. Si Namjoon? May babae? Di ko yun ineexpect ayoko munang magconclude mas gusto ko yung papakinggan ko muna yung side ni Namjoon.

Wala na akong ibang sinabi pa pinapataha ko na lang siya sa pag-iyak niya.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko.

From: Myfuture💖
Where are you? Dumaan ako sa room niyo wala ka.

Nagtipa ako ng irereply.

Me:
May inayos lang babalik din ako.

Di ko muna sasabihin sa kaniya ang problema malay ko ba kung totoo yun diba?

Lumipas ang isang oras sa wakas tumahan at nahimasmasan na rin si Katrina.

"Ano Kat? Uwi ka muna?" Magang maga ang mga mata niya at namumula ang ilong niya halata mo na umiyak siya.

Inalalayan ko siya na maglakad palabas ng school.

Hays. Naaawa ako kay Kat hindi ko naman pwedeng sisihin agad si Namjoon hindi ko pa naman alam ang buong storya.

"Salamat, Reign" tinanguan ko siya.

"Pasensiya ka na hindi ka tuloy nakapasok sa first class"

"Okay lang yun ano ka ba? Parang hindi naman tayo magkaibigan"

Sumakay na siya sa kotse nila tinanaw ko iyon palayo hanggang sa hindi ko na makita. Bumalik ako sa loob ng school tiningnan ko an wrist watch ko may 10 minutes pa ako para sa next class.

Lakad takbo ang ginawa ko para makarating lang sa next class ko.

"Ouch!" Napaatras ako n kaunti sa pagkakabangga ko sa isang babae.

"My gosh! Who the hell—ohh ang peste pala sa buhay namin ni Jungkook" nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mukha ni Stacey na may bahid ng galit.

"Girls pinapakilala ko sa inyo ang makating si Reign!"

Napasiklob ko ang mga kamay ko sa sinabi niya.

"Really that girl? Tsk napakachip naman niyan" saad nung kasama niya.

"Wala na bang taste si Jungkook sa mga babae ngayon?" Saad pa ng isa.

Humalakhak si Stacey sa mga sinasabi ng mga kasama niya.

"See? Reign? Ayaw nila sayo pano pa kaya ang ibang Fans ni Jungkook. I'm sure pinapaulanan ka na ng pangbabash sa social media"

Gusto kong sumagot pero may parte sa isip ko na wag ng sumagot.

"Ano?! Sumagot ka!" napadaing ako ng bigla niya akong itulak at napaupo ako sa sahig.

My Bias Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon