Ch#43: Ex boyfriend

204 7 0
                                    

Scarlett's POV
Ito na ang araw ng pag-alis ko. Napakabigat ng pakiramdam ko ngayon parang ayoko pang umalis sa kama ko.

"Anak, magready ka na baka mahuli ka sa flight mo" nakita ko si mama na nakadungaw sa may pinto ng kwarto ko. I just nod to her. Pag sara niya sa pinto tumayo ako dumeretso sa CR. Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na rin ako.

"Are you okay?" May pag-aalala sa boses ni Kuya.

"Yeah" saad ko. Ginusto ko naman 'to eh bakit ba ako nalulungkot. First of all it's my choice na umuwi ng pilipinas para makapag-isip isip at makapag unwind.

Pagkatapos naming kumain chineck ko yung phone ko, aaminin ko may part sakin na umaasa na baka may isang text man lang si Kookie. I sigh. Bakit nga ba ako aasa? Ako ang nagpalayo sa kaniya at isa pa para sa kaniya naman 'tong gagawin ko.

From: Joo Hyuk
Sorry hindi na kita mahahatid sa airport ha? Ingat ka na lang sa pilipinas dadalawin kita dun. Okay? I love you Scarlett. :*

Pagkatapos ko siya replayan pinatay ko yung phone ko at sumakay na sa kotse ni kuya.

"Are you ready?" Bungad ni Kuya pagkasakay ko sa kotse niya. I just nod.

Tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa airport. Bumaba ako ng kotse ganun din si Kuya. Pumunta siya sa likod at kinuha yung mga gamit ko.

"Mag-iingat ka dun ah" saad ni Kuya ng mababa niya na yung mga maleta ko.

"Kuya, hindi na ako bata 'no" he pat my head.

"Sus ipagkakatiwala lang sayo ni mama yung café nagyayabang ka na" hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya.

"Ganun talaga Kuya. Basta ikaw na bahala kay mama ah wag mong bibigyan ng sakit ng ulo yun" nawala yung ngiti na kaninang nasa mga labi ni Kuya.

"Para namang huling pagkikita na natin 'to, hoy reign babalik ka pa dito 'no"

"Oo naman 'no nagpapaalala lang ako" niyakap ako ni kuya at ganun din ako. Nagpaalam na ako sa kaniya ng marinig kong tinatawag na yung mga passenger papuntang pilipinas.

Pagkabigay ko ng passport, nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago ako tuluyang sumakay sa eroplano.

4hours....

"Hay! Philippines!" Saad ko haban dinadama ko ang simoy ng hangin ng pilipinas.

"Besssssyyy!!!!!" Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Kyla. Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Oh my! Namimiss kitaaaa! Waaaahh!! Grabe grabe!" Natawa ako dahil umiiyak na siya nung naghiwalay kami ng yakap.

"Nado bogo shipda.." natigilan ako ng makita ko ang isang pigura na nasa likod niya. Isang taong hindi ko inaasahan na nandito ngayon sa harap ko.

"Lucas..." Saad ko. Sinagot niya ako ng isang ngiti at nagulat ako sa sunod niyang ginawa niyakap niya ako ng napakahigpit. Imbes na itulak hinayaan ko na lang siya. Past is past na rin naman.

"Reign sorry, i'm really sorry" hindi ko alam pero parang tagos sa puso ko ang mga simpleng salitang yun. Yun lang naman yung hinihintay ko mula sa kaniya noon pa man. Ang humingi siya ng tawad sakin.

"Sshh.. kalimutan na natin yun okay? Pinapatawad na kita Lucas" saad ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin.

"Ibig bang sabihin..." Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Umiling ako. "Pinapatawad na kita oo pero hindi na natin pwedeng ibalik yung dati. Let's move on. Siguro sa ngayon pagkakaibigan na lang ang maooffer ko sayo" nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot. Talent ko na ba talaga manakit ng tao? Lagi na lang ako may nasasaktan.

Tumango siya at ngumiti pero alam kong pilit lang yun. "Okay. Naiintindihan ko. So friends" nilahad niya ang kamay niya inabot ko iyon at nakipagshake hands.

"So? Tara na? May pa welcome party pa tayo sa bahay mo bessy!" Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Kyla. Hindi pa ako nakakapagsalita ng hilahin niya na ako.

"Hoy! Lucas! Bilisan mo na diyan" natawa na lang si Lucas sa kaniya. Lalong tumindig ang pangngatawan ni lucas ngayon. Halata mong nagmatured na siya. And i'm happy for him.

Nakarating kami sa may parking lot na pinagparadahan ni Lucas ng kotse niya. Agad na sumakay si Kyla sa loob. Habang ako ay tinulungan ko si Lucas sa pag-aayos ng mga gamit ko sa likod ng sasakyan niya.

"Lalo kang gumanda ah" natigilan ako sa biglaan niyang pagsasalita. Ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin at alam kong sinusubukan lang niyan alisin yon.

Ngumiti ako bago magsalita.

"Bolero ka pa rin, wala naman akong pinagbago" natatawa kong saad.

"Hanggang ngayon down to earth ka pa rin?" Saad niya.

"Siraulo" natatawa kong saad. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat. Umikot siya papuntang driver seat at nagsimula ng magmaneho.

"Hello? Parating na kami okay na ba lahat dyan?" Napatingin ako sa rear mirror at nakita kong may kausap si Kat sa cellphone niya.

"O sige sige. Andyan na kami after 30 minutes" huking rinig ko pa.

After 30 minutes nakarating na kami sa bahay namin. Andaming nakapilang mga sasakyan.

Bumaba ako at naramdaman ko na lang ang paglalagay ng takip sa mga mata ko.

"Go walk straight aalalayan kita" nanindig ang balahibo ko ng marinig ko ang boses ni lucas sa tainga ko. At dahil wala akon magawa naglakad na lang ako habang inaalalayan niya.

Maya maya pa ay tinangga na niya ang piring na nasa mata ko.

"WELCOME BACK REIGN!" napapikit ako ng marinig ko ang sabay sabay na sigaw ng mga tao. Inikot ang paningin ko halos maluha ako ng makita ko ang mga kaibigan at classmates ko noon.

Isa isa silang lumapit sakin at niyakap ako. Naging emotional ako ngayon dahil din siguro sa matagal naming hindi pagkikita kita.

"Reign! May tampo ako sayo ng very very light dahil umalis ka ng walang paalam pero dahil andito ka na. Pinapatawad na kita. I miss you! Reigny!" Saad ni Joyce ng makalapit siya sakin at niyakap ako. Isa siya sa mga closest friend ko.

"I miss you too joycey!" saad ko. Marami pang dumating na mga bisita. Karamihan mga dati kong kaklase at kaibigan. Marami kaming napagkuwentuhan at iba pa.

"Are you staying here for good?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Lucas sa tabi ko sa may veranda.

"Maybe. Di ko pa alam pinapatingin lang naman sakin ni mama yung café"  nakita kong tumango tango siya.

"How's korea?" Saad niya. Alam kong pinipilit lang niya pagaanin ang atmosphere sa paligid dahil sa awkwardness na bumabalot samin.

"Nice. Marami akong na-experience at marami akong naging mga kaibigan"  siguro nga kapag nakausap mo yung Ex mo ng ganito super awkward sa feeling.

"M-may naging boyfriend ka?" Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero sa tanong niyang yun unang taong pumasok sa isip ko si Jungkook. Bigla na lang parang kumirot yung puso ko, ganito na ba talaga yung epekto niya sakin?

"A-ahm.." hindi ko alam yung isasagot ko syet.

"Bessy! Shot na!" Napatingin ako may Kyla. I think save by Kyla ako ngayon. Tinanguan ko na lang si Lucas bago tuluyang pumunta sa kinaroroonan ni Kyla.

"Here! Since pa welcomr party 'to sayo bottoms up dapat" natatawa niyang saad. Naghiyawan ang mga tao. Napailing na lang akong inabot yung baso ng champeign at tinungga ito.

Rinig ko ang sigawan ng mga tao. Napatawa na lang ako. Siguro ienjoyin ko na lang ang pag-stay ko dito sa pilipinas.



______________________________
A/N: Sorry po sa super late update. Juskooooo. Thank you po sa comments at votes niyo. Hart hart.

My Bias Is My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon