Hello kay leziah_09 Enjoy Reading! This chapiee is for yah! Thank you sa vote!
Happy 58 Readers! And Counting!
---
Maaga akong nagising ngayon,nauna pa nga ako sa alarm ko na dapat ay 7:00 pero nagising ako ng 6:30 maaga pa ng 30 minutes hindi naman ako excited!
Nagstretch muna ako ng katawan ko bago ako mag-ayos.
Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto ko at pumunta ng bathroom.
"No! Not today! No! No! Not today!" Kanta ko habang shinashampoo yung buhok ko.
Pagkatapos kong maligo ay nilabas ko lahat ng dress ko sa drawer ko.
Nahihirapan ako mamili ng pwedeng isuot. Ano bang pwede?
Kinuha ko ang isang blue dress na hanggang tuhod at turtle neck pumunta akong salamin at tinapit ko sakin yung damit.
Masyado namang formal. Nilapag ko ulit yun sa kama.
*Tok tok tok* napatingin ako sa pinto. Binuksan ko iyon at nakita ko si Mama.
"Ma? Bakit po?"
"Ang aga mo ata nagising?,gigisingin pa lang sana kita para magbreakfast na." Ngumiti ako at binuksan yung pinto ko para makapasok siya.
"Oh? Bakit yung mga damit mo nasa kama mo?"
"May lakad po kasi kami ni Kookie hindi ko po alam kung anong isusuot." Saad ko.
"Naku! Ang bunso ko dalaga na talaga." Ngumiti ako.
"O siya, ito na ang isuot mo mas bagay yan sayo." Kinuha niya sa higaan yung off shoulder ko na dress na bulaklakin at may belt sa gitna.
Kinuha ko sa kanya yun. "Thank you ma!" Sabay yakap ko sa kanya. Natawa na lang siya sa ginawa ko.
"Sige na mag-ayos ka na at sumunod ka sa baba" nagnod ako sa kanya.
Paglabas ni mama nagbihis na ako ng dress. Nagsuot lang din ako ng flatshoes at blinower ko yung buhok ko tsaka ko binun. Hinayaan ko yung mga baby hairs ko na malaglag.
Naglagay lang ako ng powder at lip tint. Sinuot ko yung shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto. Saktong paglabas ko ay siyang paglabas din ni kuya sa kwarto niya.
"Woi! Ano yan? San punta mo?" Tanong niya.
"Oh? E bakit ikaw? San punta mo?" Tumingin siya sa suot niya at tumingin ulit sakin.
"Bagay ba?" Tanong niya.
Nagkibit balikat lang ako at bumaba na.
Naabutan ko si mama na naghahanda ng agahan namin.
"Morning ma!" Bati ng kuya ko na nakasunod sakin.
"Oh? Mukang maiiwan ako mag-isa dito ngayon ah. May lakad kayong dalawa." Nagkatinginan kami ni kuya. Hindi pa kasi bumabalik sila Lola pero ang alam ko babalik sila bukas na.
"Ma, pwede ko naman po iurong na lang yung lakad namin ni Kookie." Tumingin sakin si mama at ngumiti.
"I'm okay here,Reign. Enjoy your date okay?"
*Peep peep*
"Andyan na ata si Kookie anak,"
"Pero ma? Okay ka lang ba talaga dito?"
BINABASA MO ANG
My Bias Is My Boyfriend
FanficI'm a fan who dream of someday my bias became my boyfriend halos lahat ng fan naman diba? They dream what I've dream too, what's wrong with that, hindi masamang mangarap its free! It's up to you on how you achieve that dream, If you desperate well I...