Kookie's POV
Hinintay kong makapasok si Scarlett sa loob ng bahay nila bago ako umalis. Napahigpit ang hawak ko sa manibela ng maalala ko yung nangyari kanina.
Flashback...
Naglalakad kami dito sa may gym ng marinig ko ang pinag-uusapan ng mga lalaki.
"Pre! Maganda yung Reign!"
"Oo nga hanep ang ganda niya pare!"
"Kung ako lang nilandi nun aba! Kinama ko na yun!" Sabay tawa ng mga kasama nila. Tang ina. Walang sino man ang pwedeng mangbastos kay Scarlett. Lumapit ako sa mga lalaki.
"Pare" tawag ko dun sa isa.
Pagharap niya sinuntok ko siya.
"Jungkook!" Tawag sakin ni Jimin hinawakan niya ako sa braso para pigilan ako.
"Ano bang problema mo ha?!" Sigaw sakin nung lalaki.
"Gago! Sino ka para magsalita ng ganun kay Scarlett!" Nanggagaliiti na ako sa galit gusto ko siya sapakin hanggang sa hindi na siya makilala!
"Ha! Kung makapagsalita ka. Baka nga naikama mo na yun eh!" Inaawat na rin siya ng mga kasama niya. Nakawala ako sa pagkakahawak nila Jimin saka ulit sinuntok yung lalaki. Sinuntok din niya ako pabalik. Pero mas nakarami ako ng suntok sa kaniya
"Shit! Jungkook tama na yan!" Sigaw ni Namjoon Hyung.
Inalalayan nila yung kasama nila tsaka sila umalis. Tang ina! Kanina pa ako nakakarinig ng mga masasamang salita tungkol kay Scarlett. Ano bang nagyayari?!
Nilabas ko yung cellphone ko at nagscrool ako sa page ng campus. Nagulat ako ng makita ko ang picture ni Scarlett. Binasa ko yung article at naramdaman ko ulit ang galit sa sistema ko. Sinong naglakas loob na gumawa nito!
Naglakad ako at dumeretso sa bangtan's room may sarili kaming kwarto dito sa campus wag na kayo magtaka kung bakit.
"Maknae ano bang nangyari?" Hindi ko sinagot si Jin. Nasuntok ko ang pader sa sobrang galit ko. Sinuntok ko ito ng paulit ulit. Iniisip ko ngayon si Scarlett siguradong nasasaktan na naman siya. Fuck!
Naglakad ako palabas ng room at dumeretso ng room ni Scarlett. Walang sabi sabi akong pumasok.
"Mr. Jeon what's the problem?" Hindi ko sinagot yung teacher sa unahan, nakita kong wala si Scarlett sa upuan niya ganun din si Kat. Napabuntong hininga ako at lumabas ng room nila.
Dinial ko ang number ni Scarlett hindi niya sinasagot ganun din si october. Bumalik ako sa bangtan's room. Kumuha ako ng gasa at pinaikot ito sa kamao ko.
"Jungkook. Nabasa na namin yung article" hindi ko kinibo si Jhope at hiniga ko ang sarili ko sa sofa. Nakakainis.
"V.. alamin mo kung sino gumawa ng article na yun. Dalhin mo siya sakin kapag nahanap mo" nakapikit kong saad.
"Sige dre"
*Brizzk Brizzk*
Tiningnan ko ang phone ko ng magvibrate ito.
From: Kat
Andito kami sa auditorium. Reign needs you.
Tumayo ako. "Mauna na kayo may dadaanan ako" hindi ko na hinintay ang sagot nila at nagtuloy papuntang auditorium. Pagpasok ko nakita ko si Kat.
"Nasa bench siya. Ikaw ng bahala sa kaniya kailangan ko ng umuwi eh late na kasi" tinanguan ko siya.
"Salamat Kat. Ingat" nginitian ko siya ng tipid. Nakita ko si Scarlett na nakahiga at mahimbing ang tulog. Halatang umiyak siya dahil sa pamamaga ng mata niya. Fuck!
Ayokong nasasaktan siya dahil doble dun ang nararamdaman ko. Tang ina.
End of flashback....
Binilisan ko ang pagdadrive. Dumeretso ako ng bangtan's house. Magpapark na ako ng makita ko ang kotse ng CEO ng Big hit. Napapikit ako ng mariin. Kinakabahan ako ng hindi ko alam kung bakit.
Bumaba ako pumasok sa loob. Naabutan ko sila na nakayuko. Napalingon sila sakin ganun din ang manager.
"Jeon jungkook! Anong kabaliwan ang ginawa mo?!"
"Di ko alam ang sinasabi niyo" tipid kong saad.
"Bullshit! Nakipagrelasyon ka sa isa sa mga fans mo?! Alam mong bawal yan!" Huminga ako ng malalim.
"Wag niyo siyang idadamay dito" mariing saad ko.
"Ngayon nagmamatigas ka na. Anong balak mo ha?! Sisisrain mo ba ang career mo ng dahil sa babaeng yun?!"
"Kung kinakailangan oo! Lahat gagawin ko para sa kaniya. Masaya ka na?!" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses. Nakakainis.
"Jungkook calm down" rinig kong sabi ni Jin Hyung. Pero hindi ko siya tinaponan ng maski tingin.
"Nawala lang ako ng ilang araw ginagawa mo ng gago ang sarili mo! I can't believe this!" Halatang nafu-frustrate na siya. Bakit kailangan magsabay sabay ng problema?!
"Hindi yun dahil sayo okay? Ginusto ko to! At isa pa mahal ko siya!" Sigaw ko pa.
"Mahal? Ha! Niloloko mo ba ako?! Makakain ba ang pagmamahal mo?! Mabubuhay ka ba diyan?!"
Napakuyom ako ng kamao ano mang oras handa ko na siyang suntukin kahit na manager pa namin siya. Isang salitang patungkol pa kay Scarlett tatamaan ka sakin."Enough!" Napatingin ako kay Namjoon. Tumingin din siya sakin.
"Jungkook go to your room. Hindi ito maaayos ng parehong mainit ang mga ulo niyo." Nagbuga ako ng hangin. Tsaka ko tinapunan ng tingin si manager bago ako nagtuloy sa kwarto. Now hindi ko na alam ang gagawin ko. Wag lang siyang gagawa ng kahit anong hakbang na makapaghihiwalay samin. Dahil kung hindi. Hindi ko alam ang pwede kong magawa sa kaniya.
"Namjoon. Ayusin mo yang miyembro mo. Malayo na ang narating niyo wag mong hayaan ng dahil lang sa kastupidahan ng maknae niyo sa isang iglap babagsak kayo"
Huling salita ni manager bago siya umalis. Napahiga na lang ako sa kama ko. Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon. Kailangan kong magpakatatag para kay Scarlett. Kailangan niya ako ngayon.
"Dre" bungad ni V sa may pinto. Lumapit siya sakin at umupo sa gilid ng higaan ko.
"Nahanap mo na ba kung sino yung gumawa ng article?" Tanong ko. Binigay niya sakin ang isang envelope.
"Nagpaimbestiga ako tungkol dun sa article. May nakapagsabi sakin na si Stacey daw ang nagsulat ng article na yun at ang impormasyon daw ay nanggaling kay Lianne" nangunot ang noo ko.
"Lianne? Yung president ng ARMY fansclub"
"Exactly" nabigla ako. Siya na naman ang may pakana hindi ko alam kung anong gusto niya.
Nung una siya ang nambugbog kay Scarlett pinalagpas ko yun dahil nagsorry naman siya. Pero ito?! Hindi ko ito mapapalagpas. Pati ba naman private life ng isang tao kaya niyang isiwalat makapanira lang.
"So ano ng plano?" Tanong niya.
"Kakausapin ko ulit siya. Kailangan niya ako bigyan ng magandang dahilan kung bakit niya ginawa ito" hindi maitago sa tono ko ang galit ko.
"Dre. Hinay hinay lang babae pa rin yun"
"Tss. Wala na akong pakialam dun"
—————————————
Follow, Vote, and Comment!
BINABASA MO ANG
My Bias Is My Boyfriend
FanfictionI'm a fan who dream of someday my bias became my boyfriend halos lahat ng fan naman diba? They dream what I've dream too, what's wrong with that, hindi masamang mangarap its free! It's up to you on how you achieve that dream, If you desperate well I...