"Hinalikan mo si Jungkook?" Napalingon ako sa nagsalita. Laking gulat ko ng makita ko si Stacey.
"Tama ba ako?" Dagdag pa niya.
"Stacey.. A-anong ginagawa mo d-dito?" Tanong ko.
"Tss. Magmaang maangan ka pa eh narinig ko na?" Nag-iwas ako ng tingin.
"H-hindi m-mali yung narinig mo" umirap siya. Kinakabahan ako.
"Oh? Eh ano naman sayo kung magkiss sila?" Singit ni Kat pinigilan ko siya.
"Ano sakin? Are you stupid? Hindi pa nga sila tapos may kiss na?" Napatungo na lang lang ako.
"Oh? Eh pakealam mo ba? Bakit? Dun na rin naman ang punta nila" pilit kong pinapatigil si Kat sa pagsasalita.
"Dun ang punta? Ha! Ang sabihin mo masyado ka lang talagang malandi!" Nagpintig ang tainga ko sa sinabi niya.
"Teka lang ha? Sino ka ba? Para pagsalitaan ako ng ganyan?"
Pinipilit kong kumalma dahil kung hindi baka kung ano pa magawa ko sa babaeng hipon na ito.
"Look girls? Pinapakita niya na satin ang tunay na kulay niya" pinagsiklob ko ang mga kamay ko.
"Alam mo? hangga't maaari pinipilit kong intindihin yang ginagawa mo. Dahil alam kong may gusto ka kay Kookie. Am I right?" Saad ko kita ko sa mga mata niya ang inis at galit.
"Wala kang alam kaya manahimik ka" may diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Kung wala akong alam paniguradong wala ka ring alam" saad ko pa.
"Ha! Niligawan ka lang ni Kookie kala mo kung sino ka na!" Ramdam ko ang galit niya. Siya ang nagsimula nito.
"Hindi ko ipinagmamalaki na nililigawan ako ni Kookie ikaw ang mismong nagsabi" walang emosyon kong saad.
"Tigilan niyo na. Reign tara na malalate na tayo" saad ni Katrina. Nagsimula kaming maglakad ng pigilan ako ni Stacey at mahigpit na hinawakan ako sa braso.
"Remember this day Reign. Dahil pinapangako ko sayo hindi kayo magkakatuluyan ni Kookie. He's mine and mine alone" atsaka marahas na binitiwan ang braso ko.
"Don't mind her. She's crazy" saad pa ni Kat.
Nakarating kami sa room at kamalas malasan nandoon na si Prof. Im napayuko kami ng tinitigan niya kami.
"Why are you late?" Tanong niya.
"Mianhae Prof. Im" saad ko habang nakayuko.
(Translation: mianhae- sorry)
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Fine. If you late again in my class. I will give you a punishment. Arreasseo?" Tumango kaming dalawa agad kaming pumunta sa upuan namin.
Discuss
Discuss
Discuss
Lunch
"Tara?" Yaya sakin ni Kat umiling ako.
"Anong drama na naman ba yan?" Halatang naiinis na siya sakin bumuntong hininga na lang ako.
"Iniiwasan ko nga si Kookie diba? Tapos papapuntahin mo ko sa canteen?"
"So anong plano mo? Patayin yang sarili mo sa gutom? Aba! Hindi ako papayag" nagulat ako ng hilahin niya ako palabas ng classroom.
"Anong kakainin mo?" Tanong niya. "Kahit ano na lang" mahina kong saad napakunot ang noo niya at iiling iling na pumunta sa cashier.
"Kyaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!! Namjoonnnnnn!!!"
BINABASA MO ANG
My Bias Is My Boyfriend
FanfictionI'm a fan who dream of someday my bias became my boyfriend halos lahat ng fan naman diba? They dream what I've dream too, what's wrong with that, hindi masamang mangarap its free! It's up to you on how you achieve that dream, If you desperate well I...