"Hoy Reign!" Napatalon ako sa gulat ng sumigaw si Kuya. Nakauwi na kami kaninang umaga lang dahil di naman daw masyadong malala yung mga pasa.
At ngayon andito kami sa may bakuran, kung bakit? Wala lang ewan ko para tumambay siguro.
"Kuya naman bat ka nangggugulat!" Singhal ko.
"Panong di manggugulat e para kang tanga diyan na nakatulala, nakangiti sabay nakahawak diyan sa labi mo" nag-iwas ako ng tingin. Kingina kasi di pa rin ako makamove on sa nangyari sa rooftop bat kasi ganon! Jusko!
"Sandali nga. May nangyari ba sa rooftop kahapon ha?" Nanlaki ang mata ko sa tinanong ni Kuya.
"H-ha? W-wala ah! Pinagsasabi mo? Akyat na nga ako sa kwarto ko! Bye!" Tumayo ako at kinuha ang pocket book ko tsaka ako pumasok sa bahay. Umakyat ako sa kwarto ko at sumalampak sa higaan.
Pano kita haharapin ngayon Jungkook ha?! Kinginaaaaaaa?!!
Nagpagulong gulong ako sa higaan ko. Nakakainis. Nakakainiiiiiiisssss.
*Bzzzzt bzzzzzt bzzzzt*
*Kyla calling*
I swiped the answer call.
"Gagaaaaaaa!!!!!" Napapikit ako ng sumigaw sya sa kabilang linya.
"Ano ba bat ka sumisigaw?" Saad ko.
"Panong di sisigaw ha? Unang una di ka nagpaalam na bumalik ka na pa lang Korea! Pangalawa! Bat di mo sinabi sakin yung nangyari sa Kuya mo at pangatlo! Bakit di mo sinabi sakin na okay na kayo ni Mr. Jeon Jungkook ha?! Bestfriend mo ba talaga ako ha?!" Grabe tong babaeng to.
"Kyla masyado akong maraming iniisip nitong mga nakaraang araw kaya di ako nakapagsabi at tungkol naman sa pag-alis ko dyan e biglaan lang naman kasi tumawag si Mama" pagpapaliwanag ko.
"Hays. Okay fine. So what's up between you and Mr. Jeon huh?" I bite my lower lip.
"Ahm. We're okay? Alam niya na yung about sa pangbablack mail sakin nung manager nila and ayaw niyang sabihin kung sino nagsabi sa kaniya" saad ko.
"I'm sorry Reign. But atleast nagkaroon ng magandang resulta yung ginawa ko hindi na rin masama?"
"What?! Ikaw yung nagsabi sa kaniya?" At ngayon parang nakikita ko na siyang tumatango sa kabilang linya.
"Reign it's for your own good naman" i sigh.
"Abnormal ka talaga kahit kailan ka." Tanging saad ko.
_____
Kinabukasan maaga akong gumising nag-ayos ng sarili, naligo at nagbihis. Nagpowder ako at nagliptint.
Cause today is back to school! Natapos na yung pagfafile ko excuse letter at kailangan ko ng bumalik para makahabol sa mga lessons.
"Ma good morning!" Bati ko pagkababa, humalik ako sa pisngi niya at umupo sa upuan katabi ni Kuya.
"Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita?" Biglang tanong ni Kuya alam kong nagaalala na din siya dahil sa mga nangyari sakin noon.
"Yes Kuya dito ka na lang at magpahinga di pa masyadong magaling yung mga sugat mo" sagot ko tsaka humigop ng Gatas.
Pagkatapos ko kumain ay nagayos ako ng konti at nagpaalam na. Paglabas ko ng bahay ay huminga ako ng malalim.
Magiging okay din lahat. Kumbinsi ko sa sarili ko.
"Well, expect the unexpected nga naman" paglingon ko nakita ko si Lianne.
Si Lianne na hindi deserve ang pagiging presidente ng Army Fans dito sa Korea.
BINABASA MO ANG
My Bias Is My Boyfriend
FanficI'm a fan who dream of someday my bias became my boyfriend halos lahat ng fan naman diba? They dream what I've dream too, what's wrong with that, hindi masamang mangarap its free! It's up to you on how you achieve that dream, If you desperate well I...