Andito nanaman ako sa courtyard. Pero hindi para umiyak kundi para mag-aral. Bukod kasi sa tahimik at mahangin, may mga cottages din dito para sa mga estudyanteng nagpapaka-nerd tulad ko.
Sa totoo lang, hindi ko naman talaga gustong mag-stay. Kung bakit ba kasi sa dinami dami ng pwede kong tulugan na subjects, yung Mathematics of Investment pa ang napili ko. Ayan tuloy at naghahabol ako ngayon. May quiz pa man din kami dito bukas.
Naramdaman kong may umupo sa harapan ko. Nung una, hindi ko yun pinansin pero maya-maya lang hindi ko na din natiis.
*Dug Dug* *Dug Dug*
Nananaginip ba ako?
“Hello.”
Ipinikit ko yung mga mata ko. Baka naman nananaginip lang talaga ko. Tama. Nananaginip lang ako. Mamaya pagkadilat ko wala na siya dito sa harapan ko.
Pero nung binuksan ko ulit yung mga mata ko,
Hindi ako nananaginip. Nasa harapan ko siya at kinakausap niya ako ngayon.
Natulala na naman ako sa kanya. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko. Alam ko hindi siya kagwapuhan para titigan ko ng ganito pero meron talagang kakaiba sa mga mata niya.
“Ahm, nakakaistorbo ba ako sa’yo?”
Tinuro niya yung mga libro ko na nakakalat sa may table.
“N-nako. Sorry kung makalat. May quiz kasi kami bukas sa MOI. Eh hindi pa ako masyadong nag-aaral.”
“Ayos lang.”
Ngumiti nanaman siya. Pakiramdam ko tuloy ngayon, gusto ko nalang matunaw sa harapan niya.
Tumungo na siya para basahin yung libro na dala niya. Babalik na din sana ako sa pag-aaral nang biglang may pumasok sa isip ko.
Pagkakataon ko na ‘to. Hindi ko na ‘to dapat palampasin pa.
Tumingin ulit ako sa kaniya. Nagbabasa parin siya pero mukhang naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sa akin at ngumiti.
“May gusto ka bang sabihin?”
Umiling ako kahit na alam kong meron talaga. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Alam ko sa sarili ko na minsan lang pwedeng mangyari to. Pero baka kasi makaistorbo lang ako sa pag-aaral niya.
Pero kung hindi ko naman sasabihin sa kanya ngayon, baka hindi ko na talaga masabi sa kanya. February na ngayon at ilang linggo nalang bakasyon na. Baka hindi na ulit kami magkita.
It’s now or never, Aianna.
Huminga muna ako ng malalim. Nag-iisip pa ako ng magandang paraan ng pagsasabi ng ‘Thank you’ nang bigla naman siyang tumayo at umalis.
Umalis nanaman siya.
Nasayang nanaman ang pagkakataon ko.
Nakakainis lang. Sinayang ko nanaman yung pagkakataon na makausap siya. Bakit ba kasi bigla nalang umuurong ang dila ko kapag kaharap ko na siya.
At dahil nga wala naman na akong magagawa, ibinalik ko nalang yung atensiyon ko sa pag-aaral.
“1,075,815”
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang biglang may nagsalita sa bandang likuran ko. Buti nalang at nasalo niya ako kaagad tapos umupo na sa tabi ko.
*Dug Dug* *Dug Dug*
“Sorry. Nagulat ba kita?”
Umiling ako. Kung ibang tao siguro yun, malamang sa malamang hinabol ko na yun at pinaulanan ng sapok. Pero iba siya. Dahil imbis na magalit ako, napatitig nalang ako sa mga mata niya. Ngayon ko lang matititigan ng ganito kalapit yung mukha niya.
“Oo nga pala… 1,075,815”
“Eh?”
“Yung sagot. 1,075,815”
Tinuro niya yung libro na kanina ko pa pinaglalamayan.
“Ah. Oo. Alam ko. P-pero hindi ko alam kung paano nakuha yun.”
Totoo naman yung sinabi ko. Meron naman kasing answer key sa likod ng libro. Yun nga lang hindi ko naman nakopya yung solution.
“Ah. Ganito lang yan.”
Pinakita niya sa akin ang isang manual calculator na hindi naman niya dala kanina. Tapos may kung anu-anong pinindot siya tapos boom. Lumabas ang 1,075,815 na sagot.
Nanlaki yung mata ko. Paanong nagawa ng isang manual calculator ang isang syntax na hindi kaya ng scientific calculator ko?
“Ganito kasi yan.”
Inulit niya yung ginawa niya kanina pero mas mabagal na para makita ko. Nung naintindihan ko na kung paano, nag-try naman kami ng ibang problem.
“Wow. Ganun pala yun!”
Hindi tulad ng kanina, madali kong nakuha yung sagot. Mukhang effective yung itinuro niya sa akin.
“Sige. Hanap pa tayo ng isa pang problem.”
Habang naghahanap siya sa libro ko, naglakas loob na akong gawin yung kanina ko pang pinipigilan na gawin.
“K-Kian.”
Napatigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin.
“Uh yeah?”
So tama nga ako. Siya nga si Kian.
Wala nang atrasan ‘to.
“S-salamat.”
Medyo kumunot yung noo niya pero ngumiti din naman siya kaagad.
“Wala yun. It’s my pleasure--”
“Yung notebook. S-sayo yun galing diba? Nakasabay kita sa bus. Binigay mo sa akin ‘to.”
Inilabas ko yung notebook na binigay niya sa akin noon. Mukha na nga siguro akong t*nga sa harapan niya pero wala akong pakialam.
“Ah oo. Nagamit mo ba?”
Tumango naman ako. Hindi ko alam kung bakit halos abot langit ang saya ko ngayon. Angsarap lang talaga sa pakiramdam na sa kanya mismo nanggaling na siya ang nagbigay ng notebook na ‘to sa akin.
“Pati nga pala sa pagpapahiram mo nung panyo. S-salamat.”
Imbis na sumagot, nginitian niya lang ako. Natutunaw nanaman ako.
“Kian. Kian Perez.”
Naglahad siya ng kamay.Oo nga pala. Hindi niya pa alam ang pangalan ko.
“Aianna. Aianna Alonzo.”
Nag-shake hands kami dun na para bang first time namin nagkakilala kahit hindi naman talaga.
Itinuloy nalang namin yung pag-aaral. Nag-eenjoy pa kami nang bigla namang may sumingit na isa pang pamilyar na mukha.
“Insan! Paswimming ka naman sa--”
Biglang napatingin yung lalaki sa akin. Ngumiti siya ng nakakaloko bago pa siya magsalita.
“Ooops sorry. Nakakaistorbo pala ko sa inyo insan.”
Tiningnan siya ng masama ni Kian kaya natawa nalang ako.
Napansin ko naman na medyo dumidilim na kaya naisipan ko na din na magpaalam.
“Ahm ayos lang. Sige Kian. Este Kuya Kian. Mauna na ako. Gagabihin na kasi ako. Salamat nga pala ah.”
Kinuha ko na yung gamit ko at tuluyan nang umalis ng courtyard.
Siguro nga hindi ganoon katagal ang naging pag-uusap namin. Pero masaya pa rin ako at nakapagpasalamat na din ako sa kanya.
Sana lang, hindi na ito ang huli.
BINABASA MO ANG
Risks and Returns
Teen FictionLove is all about taking the risks and not minding its returns. Would Aianna be brave enough to take the risks and tell him how much she loves him? Or would she insist on keeping her feelings to herself and have a relationship with someone else?