Chapter Six A

81 7 5
                                    

Third year na ako ngayon. Wala naman masyadong nagbago sa buhay ko. Gumigising ako, kumakain at pumapasok sa school. Siguro yung pinakanagbago nalang sa akin ay yung pagiging mas masipag ko sa pag-aaral. Makakalimutin parin ako pero naging consistent Dean’s lister naman ako simula nung second year.

Marami na din akong mga naging kaibigan. Pero siyempre, hindi ko padin ipinagpapalit ang dalawa kong bestfriends na sina Faye at Frances. Eto nga’t magkasama kami ngayon. Hindi pa din kasi pumapasok yung isa naming prof kaya napag-isipan namin na bumili muna ng makakain.

Nag-eenjoy kaming kumakain ng pancit canton at siomai nang biglang nanlaki yung mata ni Frances habang nagbabasa ng texts sa cellphone niya.

“Oy dumating na daw yung prof natin sabi ni Sean.”

Hindi ko kilala kung sino yung Sean na tinutukoy ni Frances. Pero dahil sa sinabi nilang andun na daw sa room ang bago naming prof, nakisabay nalang din ako sa pagtakbo.

Hinihingal kaming dumating ng room. Ikaw ba naman ang takbuhin mula second hanggang fourth floor. Buti nalang at lumabas daw saglit yung prof namin kaya hindi kami namarkahan ng late.

Mapayapa na sana akong nag-aayos ng mga gamit sa desk ko kaya nga lang hindi ko talaga mapigilang mainis sa kaingayan ng mga classmates ko. Lalo na ang mga girls. Hindi naman madalas mangyari yun kaya napatanong ako kay Faye.

“Anung meron at ang-ingay ng mga kaklase natin?”

“Sorry Aianna pero hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang may kinalaman sa bago nating prof.”

Anu naman kayang meron sa prof namin? Panigurado naman na tulad ng iba pa naming prof, matanda na din yun at ubod ng sungit. Ganun naman palagi. Palibhasa four hundred years old na ang university namin kaya angtatanda na din ng mga nagtuturo.

Seryoso akong nagsusulat sa planner ko nang biglang dumating yung prof namin. Kaya mula sa mala-palengkeng classroom, naging parang simbahan na ito sa sobrang tahimik.

Itinuloy ko pa din yung pagsusulat ko kahit na alam kong nasa harapan na namin yung prof. Hindi pa naman siya nagsasalita kaya wala muna akong pakialam sa kanila.

“Nakakaasar naman. Sa dinami-dami ng pwedeng maging prof, siya pa ang napunta sa atin. Ang-malas lang talaga.”

Napatingin naman ako kay Frances. Mukhang inis na inis nga talaga siya dahil magkasalubong yung mga kilay niya. Pero bakit naman kaya?

“Masanay ka nalang Frances. Ganun talaga dito sa university natin. Masanay ka na sa matatanda at masusungit na prof.”

“Ha? Anung matanda? Masungit pwede pa. Pero matanda? Ayos ka lang Aianna? Tumingin ka kaya doon.”

Tinuro niya yung unahan kaya tumingin naman ako.

*Dug Dug* *Dug Dug*

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Papaanong nangyari yun? Nananaginip nanaman ba ako?

Kinurot ko yung sarili ko. Baka nga panaginip lang ang lahat ng ‘to. Naramdaman ko yung sakit kaya sigurado ako na hindi nga ako nananaginip.

Tama si Frances. Sa dinami-dami naman ng pwedeng maging prof…

“Siya?”

“Malamang. Siya lang naman ang nanjan sa unahan diba? Bakit kilala mo ba siya?”

Umiling ako. Kahit na alam ko naman sa sarili ko na oo. Hinding hindi ko makakalimutan ang taong yan.

Tinitigan ko siya tulad ng madalas kong gawin noon. Halos walang nagbago sa kanya. Siguro nga medyo nag-mature yung dating niya pero bukod dun, wala na.

“Hoy ikaw na.”

“H-ha?”

Siniko ako bigla ni Faye kaya nabalik ako sa reyalidad. Tumingin ako sa paligid ko. Lahat sila nakatingin na sa akin. 

“Anong ako na?”

“Yung RegForm mo po Miss Alonzo. Dalhin mo na doon sa unahan nang mapapirmahan mo na. Kanina ka pa kaya tinatawag.”

Dali-dali kong kinuha yung RegForm sa bag ko. At kahit na ayaw kong pumunta sa unahan, kailangan ko. Papalapit na ako nang papalapit. At hanggang ngayon, hindi padin ako makapaniwala sa nakikita ko. 

“Dug Dug* *Dug Dug*

Bakit ganoon? Tanggap ko naman kung magkakaroon kami ng masungit at matandang prof eh. Kaya ko naman sigurong tiisin yun. Sa katunayan, sanay na nga ako sa ganun. 

Masaya ako dahil matapos ang dalawang taon, nagkita ulit kami. Pero bakit naman kailangan na sa ganito pang sitwasyon? Ibang iba na yung ngayon. Makikita ko nga siya tatlong beses sa isang linggo pero hindi ko naman siya makakausap sa paraang gusto ko.

Andami dami namang ibang pwede dyan.

 Pero bakit siya pa?

“Sir Kian. Eto na po yung RegForm ko.”

Risks and ReturnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon