"Pambihirang buhay!"
Napalinga-linga ako para hanapin ang kahit anong makakapagsabing nasa tamang lugar na ako. Wala namang resort na signage o kahit ano dito!
Wala rin masyadong kabahayan dito dahil mukhang nasa liblib na ako na bahagi ng siyudad. Is this even a city without a commercial establishment? Baka town? Ah whatever! Hindi ako interesado sa history o Political Science o baka Araling Panlipunan?
"Saan ba kasi ang bahay ng mga del Fierro?" I glanced at my phone and let out an exasperated sigh. Magdadapit hapon na at mukhang aabutin ako ng gabi sa kakahanap ng sadya.
Bakit ba kasi ito ang napiling pang-sagip grado ni Mr Araulo! Isang case study ba naman ang ipagawa sa akin sa pamilyang del Fierro at ang kanilang negosyo!
Damn!
Nakailang mura ako sa isip ko at nag drive pa ng dahan-dahan. Meters away I saw a man pulling a carabao near the high way.
Picking my phone from the dashboard, I stopped my car and went out to ask the man.
"Manong!"
Lumingon ito at napakunot-noo.
"Ahm. Alam niyo ho ba saan ang bahay ng mga del Fierro?"deretso kong tanong para matapos agad.
Nadagdagan ang kunot-noo nito at iisipin ko na sana na hindi siya nakakaintindi ng Tagalog kung hindi siya agad nagtaas ng kamay at may itinuro.
Napasunod ako sa kanyang turo at nakita ang isang makipot na daan sa gitna ng mga kakahuyan at damuhan.
"Diyan po? Sigurado ho kayo?" paninigurado ko. "del Fierro po?"
Tumango lang ito at tumitig.
"S-sige salamat po," sabi ko sabay lakad ng dahan-dahan at pasulyap-sulyap sa kanya. Ilang metro lang ang layo nito sa pinagparkingan ko.
Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa kalangitan. I stared at the narrow pathway at bumaling sa papalayong lalaki, hila pa rin ang kanyang kalabaw.
Hindi naman siguro ako pinagloloko ng lalaking iyon. Ibinalik ko ang tingin sa daan at nakikita kong kakahuyan ang madadaanan ko.
Sana malapit lang mula dito ang bahay kasi kung hindi, sigurado akong aabutin ako ng dilim sa gubat na 'yan!
I bravely walk towards the pathway matapos masigurong nalock ang kotse. Well, mukhang wala naman sigurong magkaka-interes ng kotse dito kaya okay lang. At isa pa, insured 'yan.
Psssh. Now, I can think of the company's benefit to me, huh.
I walked briskly nang mapansing medyo malayo pa ang nakikita kong liwanag mula sa papalubog na araw. I wonder if may baboy-ramo o kaya ahas dito. Mukha namang madalas na nadadaanan.
"Shit!" I hissed when I heard a sound coming from the back of the bushes nearby. Binilisan ko pa ang lakad ko at ino-on ang flashlight ng cellphone. Dahil sa mga naglalakihang puno ay madilim na ang daanan at konting-konti na lang ang liwanag. The land is uneven at maraming malalaking ugat sa area na 'to. I struggle to walk on my favorite shoes.
I gasped when I saw twinkling light. Is that a gas lamp? I heard voices coming my way. Madilim na at sayang naman kung aatras pa ako.
Nang maaninag ko na ang mga taong papalapit ay nakahinga ako ng maluwag. Ngunit napangiwi rin ako ng makarinig ng sipol.
All men. Smiling and staring at me as they approaches. They are talking but I cannot understand a thing. Lima sila na mga nakadark na damit at pantalon.
When one of them lick his lips while gazing me from head to foot ay napaatras na ako. Gumilid sila. Tatlo sa kanan, isa sa kaliwa at nanatili ang isa sa aking harapan. Napalibutan na nila ako habang nag-uusap.
BINABASA MO ANG
Rocking a Doctor's Heart
General FictionCarefree but never-cared for. Jade Olivia Fonseca lives a life of whims and freedom. Not until she reaches the almost legal age. A girl, who lives the moment, struggles to face her own growing. A girl who thinks she's a woman free to do anything ye...