Chapter 17

704 18 0
                                    

"Sabi mo madali lang?" hingal na bulong ni Cher habang naglalakad kami papunta sa kung saan iniwan nina Dame ang mga kabayo nila.

Tulad noon ay tingin ko sa eskwelahan ang tungo namin. The trail was familiar at kung hindi lang ako kinakalabit ni Cher ay hindi ko pa mare-realize na medyo malayo nga ang aming nilakad mula sa village ng mga katutubo.

My mind is too occupied of a scene that gives a familiar feeling.

After taking a bath inside a small bathroom na may sementadong sahig sa likod lang ng kubo kagabi ay binigyan kami ng mainit na gatas ng isang katutubong babae. Base sa usok na nagmumula sa isang dirty kitchen roon ay malamang dito iyon nagpa-init ng tubig.

Who could have requested for milk?

Hindi ko alam kung alam nito ang nangyari at mukhang nag-aalala ang kanyang mukha nang bigyan ako ng isang tasa ng mainit na gatas.

Nakapagpalit na rin si Cher at nakaupo kami pareho sa harap ng isang kahoy na mesa roon sa loob ng kubo, malapit sa kahoy na lababo. Kaharap namin si Mug na lasing at inaantok pero pinipilit ang sarili na magising dahil sa panenermon.

"Why do you have to swim this late?" tanong niya pa sa napapaos na boses.

Kita ko ang pag-irap ni Cher dito. Sa di kalayuan ay may mahabang kawayang upuan sa gilid ng bintana at sa tapat ng kwartong papag ng kubo at naroon ang dalawang magkaibigan. I can feel their stares at us pero hindi ko na nilingon at tinuon ang pansin sa hawak na tasa. Somehow ay naibsan ang lamig na aking naramdaman mula sa paliligo sa banyo.

"At nakainom pa kayo pareho," dagdag pa ni Mug at nag-unat ng leeg.

I think alam na niya ang nangyari dahil pagkalabas namin ng banyo ni Cher kanina ay nag-uusap ang tatlong lalaki.

Mug sighed at pumirmi ang namumungay na mata sa akin. He shook his head at napahilot sa sentido nang ngumuso lang ako sa kanya.

"I really do hope that this is not something serious Rock. Sa reaksyon mo ngayon i-a-assume kong hindi ka na—"

"He haven't touched any private Mug, if that's what you mean," deretso kong putol sa kanya para matahimik na.

Mukhang nagising ang loko at mataman na akong tinitigan. He chuckled sarcastically. "Really? Were you tipsy a while ago? Baka naman..." he trailed off at nagtaas ng kilay.

"She might had been desperate to ask for her first kiss before Mug pero I'm sure ang lalaking iyon ang may motibo kanina," singit ni Cher bago humigop ng mainit na gatas. Mukhang nilalamig rin siya dahil sa pagkakatiklop ng mga balikat.

I groaned at her words at tingin ko nailipat ang init ng gatas papunta sa aking mukha. Mariin kong tiningnan ang kaibigan na nagtaas lang ng kilay sa akin. Nawala na rin yata ang kalasingan dahil sa nangyari kanina.

At the corner of my eyes, I saw a slight movement from the two men. Damn, Cher. Malamang narinig ng mga iyon ang kanyang sinabi. Sa kaba at hiya ay pinangalahatian ko ang aking gatas.

"I am not sure if I would have preferred Sergio to be all over you or me being alone babysitting the two of you in this tour," naiiling na sambit ni Mug na agad ikina-react ni Cher.

"Boto ka na ngayon kay Sergio at Rock, huh," natatawang sagot naman nI Cher.

Napahilot ako sa batok sa kanilang mga pinagsasabi. I finished my milk at tumayo na.

Agad na napatingala si Mug at Cher. Nang matanto ni Cher ang aking gagawin ay tumayo na rin siya habang inuubos ang gatas.

"Sige na. Matulog na kayo." Tumayo na rin si Mug habang naglakad ako papunta sa may sink roon at naghanap ng panghugas ng tasa.

Rocking a Doctor's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon