Chapter 28

486 14 0
                                    

After that long day, halos araw-araw na kaming nagkikita ni Dame. He told me he is staying somewhere near. At palilipasin ko pa ba ang ilang araw na hindi malaman kung saan eksakto?

Hindi matapos-tapos ang pag-irap ko sa kanya nang malaman na sa Wisconsin pa siya galing at tumutuloy lang sa isang maliit na hotel sa malapit tuwing nandito sa New York. Kakasabi niya lang din na baka lumipat siya ng Olympic Tower.

"What?" hindi na niya mapigilang magtanong. Pinigilan kong muli ang sariling irapan siya. Nasa kama ko siya naka-upo at ako naman ay nasa study table. Solo namin ang dorm dahil busy si Reva at Jeff sa mga requirements nila sa pag-aaral.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa kahit walang pumapasok ni isa sa aking utak. Hindi nag dalawang segundo ay nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-usod niya sa paanan ng aking kama para makalapit sa kinauupuan ko.

"Really?Lotte NY Palace?" sarkastiko ko ng tanong nang silipin niya ang aking mukha. Rinig ko ang buntong hininga niya sa aking gilid kaya nilingon ko na siya at sinara ang binabasang libro.

He crouched a bit and pulled my chair closer to his wide open legs. Damn this man!

"What's the problem?" he asked while holding the arms of my chair as he leaned to me.

"And where do you exactly stay in that SMALL hotel?"

Umakyat ng bahagya ang sulok ng labi niya sa aking tono. "Why does it matter? Do you want to go to my place?" he meaningfully said. Muntik ko na siyang bigyan ng headbutt dahil sa kanyang malisyosong sinabi.

"At saan sa Olympic Tower ang sinasabing mong lilipatan?" nakataas kilay na patuloy kong tanong.

"Just a small--"

"Pent?" putol ko sa kanya na bahagyang ngumuso habang nakatitig sa akin.

Bahagya lang siyang umiling bago kinagat ang pang-ibabang labi. Distraction!

"Bakit ka pa lilipat kung sa Wisconsin ang trabaho mo?"

Madali ko lang na absorb ang ideyang pinagpatuloy niya ang kanyang medical residency na naudlot noon. Hindi ko na inabala ang sariling magtanong pa kung bakit at kung kailan.

"I want you to transfer to a more spacious room," simple niyang sagot.

Ano daw? Diba ang tanong ko ay--

"I am not really comfortable with you living with the girl and her boyfriend."

Halos matawa ako nang maintindihang mabuti ang kanyang punto.

"It's not really a question kung komportable ka o hindi," taas noo kong sabi. How dare him decide for me? I stopped my self there as the memory of his reasons for the space he had given me before poked my thoughts.

Sa huli, iba na lang ang inoffer niya sa akin. Ilang buwan ang dumaan bago niya ako napilit lumipat sa isang apartment na malapit sa Stuy Park. Reva was fine with it dahil may plano din sila ni Jeff na lumipat.

Surely, gusto niya akong isama kung saan siya mananatili but that's just a waste of money dahil sa Wisconsin naman ang trabaho niya at doon dapat siya mamalagi. At nang malaman kong nag pa-private jet siya halos araw-araw tuwing pumupunta sa akin ay hindi ko napigilang awayin siya.

Hindi ako makapaniwala sa pagiging impractical niya!

Yes, may kaya siya, maraming pera pero ang kanyang ginagawa ay hindi matanggap ng aking konsensiya. Who am I para gastusan niya ng ganoon? At gaano ba ka importanteng araw-araw siyang pumunta sa akin na gagastos siya ng ilang daang libo at dolyar pa iyon! I am past childhood. Lalo na siya. Kaya para saan pa ang pag intindi at pagtitis na hindi araw-araw magkita hindi ba?

Rocking a Doctor's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon