Chapter 41

924 24 5
                                    

Wala ng paglalagyan ang aking galit sa mga nangyayari. My father just had a car accident. He got minor wounds but Mayette who he was with, ang napuruhan. I didn't know what exactly happened. May mga pulis kanina pero hinayaan kong si Dame na ang kumausap sa mga iyon.

I went to Dad's private room immediately and saw how he forced himself to sit on his bed. Pinipigilan ng isang nurse at nang makita ang pagpasok ko ay parang nakahanap siya ng kakampi.

"Anak! See? My daughter's here and she knows I am as strong as a carabao," sabi pa niyang tatawa-tawa at pinipilit na ngayong umalis sa kama.

"Dad..." 

I can see some bandages on his arms and a small one on his jaw. Sabi pa ni Dame ay no major injury si Dad. 

"I want to see Mayette, Rock. I am fine while she's not," dagdag ni Dad nang nakalapit na ako. Sobrang pag-alala ang makikita ko sa mga mata ni Dad. I sighed heavily and glanced at the nurse beside him.

"Ma'am, kailangan pa pong manatili ni Sir dito dahil ginagamot pa po iyong kasama niya. Tsaka bilin ho ni Doc Arriola na antayin po ang ang doktor."

"Anong hihintayin, Iha? Walang bali o anupaman--"

"Dad, baka kailangan pa nga kayong icheck nang mas mabuti. Please stay here," I said and looked at him with sympathy.

"I'm sure the Doctors are doing their job for Mayette, Dad. Please calm down at baka makasama sa inyo."

Ilang segundo pang napatitig siya sa akin bago sumunod. He sighed and slowly nodded his head.

Pumasok na rin maya-maya si Damien kasama ang doktor. Ayos naman daw si Dad at chineck na rin ang kanyang blood pressure. Nilipat na rin daw si Mayette sa pribadong kwarto. 

"What do you mean may tama ng bala?" gulat kong tanong sa sinabi ni Doktor kay Dame nang lumabas kami ng kwarto ni Daddy.

Lumingon din ang doktor sa akin bago kay Damien. "Natanggal na ang bala and she's stable right now. Antayin na lang na matanggal ang casts sa paang na injured at gunaling ang mga sugat."

Natigilan ako sa mga ideyang pumapasok sa aking isip. And when Damien confirmed it to me ay halos isumpa ko ang hayop na lalaking iyon!

Sadyang binangga ang sasakyan nina Daddy at Mayette at binaril pa ni Julio. Hindi ko alam saan ko pa hahanapin ang dahilan ng lahat ng ito. 

We went inside Mayette's room pero tulog siya at kailangan ng pahinga kaya lumabas rin kami. Naupo ako sa labas ng kwarto ni Dad habang may kausap na naman na mga pulis ngayon Si Dame.

Sa gitna ng aking pagkakatulala ay nag ring ang aking cellphone at gusto kong itapon iyon sa dingding nang makita na si Mommy ang tumatawag. Nanginginig ang aking mga kamay habang tinatanggap ang tawag.

"Jade! Please...please...ipatigil niyo na ang manhunt kay Julio! It was an accident, for heaven's sake! You have no heart! You have ripped him off his license and now you made him look like a criminal!" hysterical na boses ni Mommy ngayon.

"Aksidente ba ang pagkakabaril, ha, Mommy!" I said between gritted teeth. Pigil na pigil ko ang magsisigaw dahil sa galit para kay Julio at pagkadismaya kay Mommy. O baka nga galit rin ako kay Mommy. Sa lahat ng mga nangyari ay wala siyang ibang ginawa kundi ang kampihan ang lalaki niya!

Singhap ni Mommy ang aking narinig bago siya humagulhol. "No...no...it's not true..baka..baka may ibang may galit sa ama mo at..at...---"

"Bullshit!" sigaw ko na sa kanya habang mariin ang pagkakahawak ng cellphone. I can see how I caught Damien's attention as well as the policemen.

Rocking a Doctor's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon