Chapter 16

635 17 1
                                    


Friday nang nag ayos na ako ng aking bagong orange backpack for our trip. Hinatid lang ito ng driver ni Cher kasama ng iba kong pinili kahapon. I really forgot about my items dahil sinama namin ito ni Cher sa kanyang back compartment.

I was thankful ng magpaalam si Dame matapos ang dinner kahapon na aalis ay may aasikasuhin at babalik lang kinabukasan. Inirapan ko siya ng sumulyap siya sa akin bago tuluyang lumabas ng dining.

Kanina kami lang ni Dad ang nagbreakfast, malamang mamayang gabi pa siya babalik o di kaya ay sa Monday na?

Nakakainis man aminin ay inaantay ko ang pagdating niya. Bukas na ang alis ko ng madaling araw kaya....ugghh!

Bakit nga ba gusto ko siyang makita? Ganito ba ang taong attracted sa isang tao? Maya't maya hinahanap ng mga mata mo?

Busangot ang mukha ko pagsapit ng Sabado ng madaling araw. Buti na lang at ihahatid ako ni Tatay Dom, na kagagaling lang sa kanyang bakasyon.

"Namiss kita Tay!" sabi ko ng bumibiyahe na kami patungo sa meeting place namin nina Cher. Sabay-sabay daw kasi patungo roon.

"Huwag ka mag-aalala. Palagi mo na akong makikita," nakangiti niyang sabi.

Buong biyahe kaming nagkwentuhan sa naging bakasyon niya, so far ang pinakamahaba daw. I am happy he has spent more quality time with his family back in Cavite. Mukhang nakabuti sa kanya iyon dahil mas umaliwalas ang mukha ni Tatay.

"Sigurado ka bang, kaya niyo? Puro kayo menor-de-edad niyan?" tanong niya pagkapark sa isang twenty-four hour café sa may Quezon City.

"Oho, Tay. Huwag kayong mag-aalala mag-te-text naman ako," sabi ko.

Bumaba kami at tinulungan niya akong bitbitin ang backpack ko ngunit tinanggihan ko na. "Magaan lang naman Tay," nakangisi kong sabi. Nakikita na namin sa loob ang ibang makakasama. Cher waved at us kaya niyakap ko na si Tatay. "Sige na Tay. Salamat po sa paghatid."

"Siya, mag-ingat kayo," sabi niya sabay tingin sa mga magugulong tao doon sa loob ng café.

"Kayo din po."

Pagpasok ko ay panay pa rin selfie o groupie ang mga pamilyar na kasama ni Janine. Pinakilala ang ibang hindi pamilyar. May dalawa pa daw na inaantay kaya naupo ako sa tabi ni Cher. Mug smiled at me.

"Good morning sweetie," tonong pang-asar niya. Busangot ang mukha ko kaya alam kong inaasar niya ako.

"Orderan mo na nga lang 'to ng kape at cheesecake nang gumanda ang mood," sabi pa ni Cher.

"You did not eat breakfast?" si Mug na tumatayo na.

"Tulog pa ang katulong," sabi ko at pumangulambaba sa mesa.

Inorderan niya nga ako ng favorite ko kaya medyo gumaan rin ang vibes hanggang sa lumabas kami. Magnobyo ang huling dumating, pinakilala din sa amin dahil taga ibang school.

Habang papasok sa isang malaking van ay napabilang ako. Ang magnobyo, kaming tatlo nina Mug at Cher, mga kaibigan ni Janine: dalawang lalaki at tatlong babae. Eleven kami lahat.

"Akala ko ba kailangan twenty ang tour na ito?" bulong ko kay Cher.

"Ewan," kibit balikat niya.

Magkatabi kami ni Cher. Ako sa may bintana habang isang lalaki ang nasa kanan ni Cher. Isinama kasi ni Janine si Mug sa pwesto niya. Mukhang tahimik ang nakatabi ni Cher kaya hindi na umapela.

Maiingay ang iba habang kaming dalawa ni Cher ay papikit-pikit lang. Nasa harap namin si Janine at Mug katabi pa ng dalawang babae. Nasa likod naman ang isa pang babae kasama ang magnobyo at iba pa.

Rocking a Doctor's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon