Pabagsak na itinabi ni Dame ang cellphone niya bago nagtanggal ng butones ng suot na polo. Sumunod agad ako sa kwarto dahil dere-deretso lamang siyang pumasok.
"I didn't know..."panimula ko. Walang reaksyon maliban sa pabagsak ring paghinga ni Dame at sapatos naman ang pinagtuonan ng pansin para tanggalin.
"Naka..limutan kong magtext dahil sa pagmamamdali. Si Steve...na late ako sa usapan namin kaya..."
Hindi ko sigurado kung naintindihan niya iyong sinabi ko pero dumiretso siya sa banyo. Huminga ako ng malalim bago nagpasyang mamaya na lang ako magpapaliwanag.
Hindi rin nagtagal ay lumabas siyang tanging tuwalya lang ang nakatapis sa kanyang pang-ibaba. Hindi niya ako sinulyapan at dumiretso sa walk-in closet. I swallowed hard at dali-daling pumasok naman sa banyo. My temperature is rising and I don't know why! Is this a normal feeling of a wife to his husband?
I felt so...damn it! Ganito ba ang pakiramdam ng sobrang pagkamiss ko sa kanya? We did it once and I'm so addicted! What the hell, Jade!
When I was done bathing with cold shower ay nagsisi agad ako dahil hindi ako nagdala ng pamalit! Feeling ko lalagnatin ako dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan! Walking towards the closet with just a towel covering my body is so damn frustrating!
What is it now? You're married! As if Damien is in the bedroom. Baka kumain na iyon sa dining room!
Oh, right! Bakit nga ba naroon siya sa bar? Nagkataon lang ba na nakita niya ako roon dahil may plano sila ng mga kaibigan niyang mag bar? It wasn't even the high end bar! Bakit sila roon? Did he text me about it?
Wala akong nagawa kundi lumabas at nagdasal na wala si Dame. But he was there sitting in the bedroom couch watching television.
At madadaanan ko talaga siya papuntang closet. Ipinagpasalamat ko na lang na bahagya siyang nakatagilid at hindi ako sinulyapan.
I walked slowly towards the closet habang nakatingin sa kanya. Wala pa rin kahit isang sulyap!
Padabog kong sinarado ang pinto ng walk-in closet. Kanina lang natapos si Rue sa paghahakot ng mga damit ko habang nasa RMP ako. Nagkukumahog pa akong maghalungkat ng damit at dahil sa taranta ay isang button-down nighties na unang nahablot na ang aking sinuot. Hindi na ako nag-abala pang maghagilap ng partner nitong shorts at hanggang mid-thighs naman iyon.
Agad na akong lumabas habang nagsusuklay ng basang buhok. Only to see Damien leaning on the couch, eyes closed but his forehead was covered by his forearm. Mahina nalang ang volume ng pinapanood kanina.
Tumikhim ako pero hindi siya gumalaw. Lumapit ako sa kanyang pwesto. Napalunok ako nang mahagod ang kanyang hitsura. His gray sweatpants is a sore to my sight! This is a bad idea, Jade.
"Ahm..." I said trying to get his attention. His hard chest beneath his white shirt is rising everytime he breathes.
Nilakasan ko ang aking loob kahit unti-unti ng pinagpapawisan.
"Dee...can we talk?" I said softly.
"What?" maliit na kibot lang ng labi ang pagsagot niya at nanatili sa ganoong posisyon.
"Sorry if I forgot to text."
"Tss."
"I cooked teriyaki..." at naalala bigla ang gustong itanong kanina. "Kumain ka na ba bago kayo nagpunta sa bar?"
His jaw clenched. I sighed.
"Iinitin..ko ba iyong niluto ko? Pero baka kumain na kayo bago--"
Tinanggal niya ang brasong nakatakip sa noo niya at dinilat ang mga mata para matingnan ako. Kunot ang kanyang noo pero hindi ko na inintindi iyon dahil naglilikot ang aking mga mata kung saan-saan sa kanyang posisyon. I can't count how many times I swallowed.
BINABASA MO ANG
Rocking a Doctor's Heart
Художественная прозаCarefree but never-cared for. Jade Olivia Fonseca lives a life of whims and freedom. Not until she reaches the almost legal age. A girl, who lives the moment, struggles to face her own growing. A girl who thinks she's a woman free to do anything ye...