Chapter 7

851 24 0
                                    

While Dame was washing the dishes ay pinuntahan ko ang aking kotseng naideliver na pala kanina habang nagluluto. It looks like nothing had happened. Malinis at maayos na ulit ang kotse ko.

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil sa lakad namin ni Dame. Kabayaran daw sa kawang-gawa ay kawang-gawa rin dapat. Hindi ko siya maintindihan basta ang sabi ay maaga kaming aalis.

Four thirty pa lang ng umaga. We will leave at six am according to him.

"Good morning," masigla kong bati ng pumasok siya sa dining at kakalapag ko lang ng niluto.

"Morning," he huskily said habang titig sa mukha ko. I know I look weird in the morning lalo pa at walang makeup. I did not take a bath yet at naghilamos lang bago bumaba.

My lips twisted ng mabilis niyang hinagod ng tingin ang aking kabuuan. Napatingin tuloy din ako sa aking katawan. I'm wearing a huge gray t-shirt I just found in the closet last night. Wala na kasi akong pantulog and only one set of clothes left para sa lakad namin ngayon.

"Sorry, palitan ko na lang,"I said referring to the t-shirt. "I just hope it does not belong to a deceased relative..."

"I'm still alive so don't fret," he said softly and his deep bedroom voice sent shivers down my spine.

Mabilis kong binaling ang paningin sa kanya.

He smirked. "That was my room before I transferred next to it."

So that's why may mga panlalaking t-shirt at pants doon.

He looked at the food on the table at napasulyap sa aking likod.

"Upo ka na, kukuhanin ko lang ang cookies," I said bago pumanhik sa kitchen. Nang makabalik ay nasulyapan ko na mataman niya akong tinitingnan habang nilalapag ang tray na may mga tasa ng kape namin at platong may cookies.

I glanced at him again but he is now looking at the cookies. Kumuha na ako ng kanin habang siya ay inuna ang carrot oatmeal cookies.

"You love baking?" mayamaya ay tanong niya.

"Hmm..." sabi ko na lang habang kumukuha ng bacon.

Tahimik kaming natapos at siya pa rin ang naghugas gaya kagabi. Naligo naman ako agad at nagbihis. Usual makeup at suot ang panghuling pares ng damit: black cotton terno shorts and top na may floral print detail. I put on my red boots again over my printed socks.

Dala ang isang pouch para lagyan ng aking phone at cards ay lumabas na ako. Nasa tapat si Dame ng driver's seat at nakatalikod. He is having a phone call. Pumasok na ako ng sasakyan niya.

Nang siguro ay marinig ang pagsara ng pinto ay napasulyap siya at tinapos ang tawag. Napakunot-noo ako ng pumunta siya sa puwesto ko at binuksan ang pinto.

"We're riding a horse," sabi niya at napahagod ng tingin sa akin. Nag-igting ang kanyang panga bago mariing bumaling.

"Oh? Di mo sinabi," sagot ko naman at umambang lalabas ng kotse. He moved away para makadaan ako.

"What?" takang tanong ko ng titig lang siya sa akin at animo'y nauubusan ng pasensya. What did I do wrong?

"We're going uphill. You need to cover up kung ayaw mong..." he trailed off and glanced at my legs.

"This is the last pair I have so.." kibit-balikat ko. Tsaka ko lang napansin ang kanyang suot. Isang fitted faded jeans at t-shirt na puti. Naka black boots na siya ngayon di tulad kahapon.

He sighed heavily bago tumalikod at pumasok ulit ng bahay. Pagkabalik ay may bitbit na itong isang sweatpants at jacket.

"Put this on," utos niya.

Rocking a Doctor's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon