Sleeping Prince

8 0 0
                                    

Sandra's Pov

Another day!

Bestfriend ko na talaga si Elize..Bukod sa magaan ang loob ko sakanya ay napakaSupportive niyang kaibigan..Kahapon kasi ay nagsimula na ang registration sa mga open clubs and sinamahan niya pa ako..

Club registration kasi kahapon kaya pumunta na ako agad dahil ang daming magpaparegister panigurado..

Nainform din kami na walang klase ngayon at puro audition lang ngayong araw hanggang bukas ng Friday..Pero sa lahat ng subjects namin ay kailangan naming magOutline para sa notes namin para hindi naman napapabayaan ang pagAaral namin..

Sa dance Crew ako sumali at hindi na kami binigyan ng oras para makapaghanda dahil impromptu ang pagShowcase namin sa talent namin..Ang singing,drama,ay ngayon nakaSchedule at ang dancing,Arts club ay bukas naman..

May mga club na hindi na kailangan ng audition gaya ng math club, science club at iba pa..

Pumasok naman ako ngayon dahil balak kong magOutline sa Computer Lab. Namin..

Nasa field ako ngayon naglalakad lakad dahil mas napaaga ako sa usapan namin ni Elize..

Sinasanay ko ang sarili ko sa bawat sulok ng school na ito..

Sa paglalakad ko ay palinga linga ako sa paligid at hindi ko nga maikakaila ang ganda ng bawat estraktura..

"Hmm..may sense din pala kung bakit tinawag na Royalty University ito.."

Pagkalingon ko sa likod para magpatuloy sa paglalakad ay may nakabanggaan ko..

"Aray!"sabay naming nasambit dahil nauntog yung noo namin at nakita ko pa sa paningin kong natumba siya

Napakamot pa ako sa Noo ko dahil ang sakit talaga..

"S-sorry "nasambit pa niya at aasta na siyang tumayo pero bigla siyang tumumba..

"Oooppss!"napasigaw ako

Tinulungan ko siyang tumayo at nagpatulong naman siya..

"S-salamat"sabi niya sabay kamot sa noo niya

"Wala yun..okay ka lang ba?"tanong ko sakanya..

Hindi siya nakasagot kaagad

Nagpagpag ng dumi sa katawan niya..

Sa nakikita ko ngayon ay para akong nakaharap sa napakaguwapong nilalang..asset niya ang makapal na kilay..

Biglang may tumunog at mukhang ring ng tawag..

Napatingin ako sakanya at saka niya kinuha ang phone sa bulsa..

Aba! Big time ang isang ito..

"Hello?? Oh yes...really? I was just having sometime walking because I feel so tired..Ah..wala lang mas feel ko ang maglakad narerelax ako..yes I'm fine..okay bye.."sagot niya sa kabilang linya at ibinaba ang telepono..

Nakatayo parin ako at pinagmamasdan siya..

Teka.....isa siya sa mga 'princes' diba?
Anong ginagawa niya dito??

"Can ask you a favor?" Bigla kong narinig mula sakanya

?? Favor? Agad agad? Hindi pa nga kami lubos na magkakilala..

'Hmmppfft'

Salubong na kilay ang isinagot ko sakanya

"Okay..you don't know me but I can assure that I won't make any harm.."

"Okay kung may masama man akong gagawin sayo ay panigurado namang mabilis mo lang ako mairReport dahil malapit lang ang Guard House.."sabi niya sabay nginuso yung Guard House

Love TripWhere stories live. Discover now