Sandra's POV
At dahil nga sa normal na akong nagtatrabaho or in short tumutulong nalang..
Deretso na ako sa bahay nila Grae every pagkatapos ng klase namin..naiintindihan naman nila Elize at Sha Sha..
Sa paglalakad ko sa may parking lot ay nakita ko si Grae..
Ou at saka siya lumingon saakin ng mapansin niya sigurong malapit na ako sa kinatatayuan niya"Anong ginagawa mo? Hindi ka pa ba uuwi?"tanong ko
"Uuwi na.."maikling sagot niya
"Okay , wag kang magalala hindi ako tatakas .. deretso na din lang ako sainyo" sabi ko at nilagpasan na siya pero pakiramdam ko ay hindi parin siya umaalis sa kinatatayuan niya kaya naman natigilan ako sa paglalakad at saka naman siya nagsalita
"Sumabay kana saakin , baka kung ano nanaman ang mangyari sayo sa daan"cold na sabi niya
Nagaalala ba siya or part lang to ng treatment niya saakin as his katulong? -.-
Hayyss ayaw ko talaga yung term na katulong pero mukhang yun talaga ang trabaho ko
"Okay..Thanks"sabi ko saka akmang bubuksan yung back seat..
"Hep,wag kang sumakay diyan..dun ka sa harap,magmumukha akong personal driver mo niyan ehh"sabi niya sabay pigil niya sa pagopen ko ng back door
"O-okay.."umikot na ako at umupo sa front seat
Habang nagmamaneho siya ay tinatanong ko naman siya
"Hindi mo ba kasabay sa paguwi yung mga tropa mo?"tanong ko
"Hindi, pinauna ko muna silang umuwi,alam ko naman na kailangan na din nilang magpahinga"sagot niya
"Ahh..so hinitay mo ako?"
Alam kong may pagkaFeeling ako dun pero hindi ko alam kung saan nanggaling yung sinabi kong yun
"Tss..nagkataon lang yun noh..tsaka late na rin akong nakalabas ng room dahil may inayos pa ako sa kotse ko..tsaka naalala ko kasi nung time na muntikan ka ng malunod..kung hindi pa kita nakita nun ay baka kung ano ng nangyari sayo"sagot nito
Haayys pinaalala nanaman niya yun..
"Okay..Salamat nga pala ulit sa pagsave mo sakin nun.."napayuko ako
"Hmm..bat ba kasi ayaw mo pang ipahanap kung sino yung may gawa nun sayo"sabi niya
"Pakiramdam ko kasi ay kusa nalang darating yung time na malalaman ko din kung sino yung gumawa nun saakin"
"Tss..as if naman na may magagawa yang paghihintay mo"sambit niya
"Ang karma ay kusa nalang yan dumarating at naniniwala ako sa kung anong ginawa mo, babalik din sayo"sabi ko
"Ewan ko sayo"
Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila..
"Hello Sandra!"bungad saakin ni Brace
"Hello Brace"sagot ko
"Hey! Beautiful girl than my dream girl!" Si Joaquin
"Sus! Nambobola nanaman, Hi pretty "sabat naman ni Nash
Hindi ko alam pero biglang naginit ang pisngi ko na naging dahilan upang mamula ito
"Aysus! Isa ding bolero -.-" si John
"Guys wag niyo ng bolahin pa..baka lumaki ang ulo niyan..okay? Let's focus nalang sa practice natin.."si Grae
At natigil na sila..Sa simpleng pagsasabi lang ni Grae na ganun sa mga kaibigan niya ay sumunod na sila agad..May autoridad din kasi ang pagkakasabi niya kaya siguro nadala sila
"Mmm..nagmamature na etong si Grae.."narinig ko pang bulong ni Nash kay John na narinig ko din
"Ou nga..mukhang nahahawa na siya sa pagiging leader mo sa grupo"sagot naman ni John
"Hahaha..maganda na din yan ng natututo din siyang magseryoso kahit paminsaminsan.."sagot naman ni Nash
Hanggang dun nalang ang narinig ko at umalis na ako
Hmm..napakachildish siguro noon ni Grae kaya ganun nalang sila magisip..
Nagsimula na akong maglinis at magAyos ng mga gamit na pwedeng ayusin..
Habang nasa second floor ako ay naririnig ko na yung jamming nila sa baba..
Napapangiti ako sa ganda ng harmony nila sa pagawit at pagtugtog ng mga musical instruments..Hindi tuloy ako naboboring sa paglilinis..sa totoo nga ay mas ginaganahan pa ako..
Hanggang sa natapos ko na ang paglilinis ko at bumaba na ako..naobserbahan ko na busy sila sa pagtugtog
Saglit pa akong napatigil sa balak kong pagpapatuloy ng aking mga gawain ng mapatigil ako saglit at napaupo muna at pinanuod sila
Napapahanga nila ako sa mga kanya kanya nilang galing na pinapakita ngayon
Si Brace siya ung sa acoustic guitar
Si John siya yung sa Beat Box , and sa pagplay niya parang may alam din siya sa drums
Si Nash siya ung sa Electric Guitar , napakacool niya dun
Si Joaquin naman at si Grae yung parang mga Main vocalists
"Mukhang kailangan na din nilang magmeryenda"sambit ko
Kaya naman naglakad na ako papuntang kusina at nagsimula ng maghanda ng pwedeng ihanda para sa kanila
Naghanda ako ng Sandwich at nagprepare ng Pancakes at nagtimpla nalang ako ng Orange Juice dahil un ang meron sa kusina..
Hanggang sa naihanda ko na nga yung mga meryenda nila at saka ako pumuntang sala..
At naabutan ko silang naguusap
"Hmm..paano yan dre aalis din ako , kailangan ko ding umuwi muna sa bahay.." si John
"Magmeryenda muna kayo"sambit ko kahit na naguusap pa sila
"Salamat Sandra..ang sweet mo talaga"si Joaquin at saka siya siniko ni Brace
"Salamat!"sabi nung apat pa
"Sakto nagutom ako sa practice natin.."si Brace
"Mabuti mag meryenda muna kayo"sambit ko
"Anyway Grae andyan naman si Sandra..pwede ka parin naman niyang puntahan dito.."si John
"A-ano bang nangyayari? I'm not aware"sabi ko
"Ahh.. Kaming apat kasi is uuwi muna sa mga Bahay namin..Namimiss na din kasi kami ng mga families namin and dont worry hindi naman ata magtatagal ng tatlong araw nun..mga two Days lang at balik na din kami.."si John
"Ou nga Sandra..ayaw ko nga sanang umalis dito para may kasama si Grae kaso kailangan talaga ehh" si Joaquin
"Bat ka sakin nagpapaliwanag?"takang sabi ko
"Ou nga..bat sakanya ka nagpapaliwanag..bat hindi sakin..?-.-"sabat ni Grae
"Ehh..Dre naririnig mo naman ehh..tsaka sinabi ko na kanina sayo kung bakit..hindi alam ni Sandra kaya sinasabi ko sakanya"sagot niya
"Tss.."
"By the way lagi kang nakukuwento ni Nicky.."sambit niya pa
"Sinong Nicky? May ibang kapatid ka pa ba bukod kay Elize?"tanong ko kay Joaquin
"Ahh..hindi ba niya natukoy, Nicky ang tawag ko sakanya minsan..hahaha dalawa lang kaming magkapatid.."sabi niya
"Ahh..hindi ehh.."napakamot ako sa batok ko
"Ok lang yan..anyway magiingat ka dito.."si Joaquin parin
"S-salamat.. Joaquin.."sagot ko
"Tss..napaghahalataan si pretty boy ahh.."bulong ni John
Narinig ko yun pero hindi na ako nagpahalata pa..naramdaman ko din na naginit ang pisngi ko dun
Hmm..kung hindi makakauwi ng dalawang araw ang mga kaibigan ni Grae ay for sure na mahihirapan siya sa pagiisa..
Author's Note: Short update lang ngayon..babawi nalang po ako sa susunod
YOU ARE READING
Love Trip
RomanceNaranasan mo na ba yung feeling na gusto mong magmahal ng taong mamahalin ka din ?Pero teka naalala mo pala na hanggang pangarap ka nalang kasi may minamahal na siya..Ang tanga mo kasi eh hindi mo pa inamin nung una palang yan tuloy nganga ang labl...