Sandra's POV
"Ano nanaman kayang pakulo ng lalaking yun..hmm"
Btw kasalukuyan akong nakasakay ng taxi at papunta ng John Hay (*pronounced as Jan Hey ).. Dun ko kasi imemeet si Grae.
"Andito na po tayo" sabi ng driver at saka ko naman inabot yung bayad ko
"Thank you po" sambit ko
Pagkababa ko ay hinanap ko agad yung hotel na nasa address na binigay saakin ni Grae.
'Hmmm..hnd naman siguro ako maliligaw dito diba'
Sa patuloy na paglalakad ko pa ay sa wakas at nahanap ko na din.
Sa pagpasok ko palang sa hotel ay may sumalubong na sakin kaagad.
"Good evening Miss. Nakareserved po ba kayo" tanong ng babae sakin na halata mong nagtatrabaho dito dahil sa suot nitong skirt at nakablack stockings at nakavest pa ito ng black with red necktie.
"Ahmm.. I guess. May imemeet kasi ako dito" sagot ko saka ngumiti sakanya
"Ahh.. Kayo po ba so Miss Ville?" Tanong niyo
"Yup ako nga." Ako
"I'm so sorry ma'am kayo pala yan. Come with me po. Someone's already waiting for you" sabi niyo
At sumunod naman ako sakanya.
Habang naglalakad ay napansin Kong sa isang garden kami papunta.
"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko Kay ate
"Dito po kayo nakareserve" sagot niyo at nakangiti pa saakin
Hanggang sa nahinto kami sa isang garden na may parang man made na pathway
"Bilin po saakin Ni Sir na ihatid kayo dito at sundan niyo nalang po yung daanan.. :)"
"Okay salamat po"sagot ko at tuluyan na siyang naglakad palayo
I am wearing a red dress and I'm already excited coz this might be the night na hinihintay ko upang malaman ko na din sa wakas kung ano talaga ang nararamdaman ko.
Sa paglalakad ko ay may nakita pa akong karatula na nakadikit sa trunk ng puno.
FOLLOW THE LIGHTS THAT LEADS TO YOUR FATE ♥♥♥
'Aba naman huh'
Sinundan ko nalang yung pathway hanggang sa may makita akong firefly.
Hnd ko alam na may firefly pala dito.
Sa patuloy na paglalakad ko ay tila sinusundan ako ng firefly at parang hinahatid pa ako patungo sa pupuntahan ko at habang umuusad ako sa paglalakad ay nadadagdagan yung mga firefly na sumusunod saakin..napakagandang tignan ang madilim na paligid kasabay na ang pagkislap ng mga firefly.
Sa paglalakad ko ay may biglang lumapit na crew saakin.. Katulad din niya yung suot nung babae kanina na kausap KO.
" Miss Casandra Ville?"siya
"Yes , ako nga po" ako
"Napagutusan po ako na ilagay daw po itong blindfold sainyo. Dibale po ay ako naman po ang aalalay sayo" siya
"Okay po" Hindi na ako nagtanong pa
Pagkatapos ay inilagay niya na ang blindfold.
Habang naglalakad ay medyo napapagewang ako dahil bukod sa nakaheels ako ay Hindi din ako makapaglakad ng maayos sa damuhan dahil Hindi ko sanay na nakaheels ako habang naglalakad sa grassy part.
YOU ARE READING
Love Trip
RomanceNaranasan mo na ba yung feeling na gusto mong magmahal ng taong mamahalin ka din ?Pero teka naalala mo pala na hanggang pangarap ka nalang kasi may minamahal na siya..Ang tanga mo kasi eh hindi mo pa inamin nung una palang yan tuloy nganga ang labl...