Shasha's POV
Nakarating na nga kami sa bahay nila Sandra.Mga 4:00 pm na kami nakarating,antagal mamili ng Dress ni Elize ehh..hahaha charinng beybee
Pagkarating ay agad na naming inasikaso si Sandra.Pagkatapos niyang maligo ay pinatuyo na namin agad ang buhok niya.Ilang oras nalang kasi at magseseven PM na , shems mga 6 pm pa naman daw un dating nung susundo.
Sinimulan ko ng maglagay ng kung ano ano sa mukha niya at nagpahid ng ilang creams sa mukha niya.Hindi naman ako masyadong mahihirapan kay Sandra sa pagaayos dahil naayusan ko na din naman na siya noon.Ramdam kong kinakabahan siya kaya naman sinabihan kong magrelax ito at sumunod naman.Ginawa ko ang pinaka panalong make up technique ko sakanya,paniguradong kukunin niya lahat ng atensiyon ng mga makakakita sakanya.Masaya ako sa ginagawa ko dahil nakakatulong ako,tsaka bukod sa hindi naman ako pala make up kahit na may nalalaman ako ay ayaw ko namang mabulok sa utak ko ang mga kaalamang natutunan ko.Sayang naman diba? Tama o TAMA? Habang ginagawa ko ito ay feeling ko napakapropesyunal ko sa ginagawa ko dahil panay ang papuri ni Elize saakin.Masaya ako kung ganun,dahil pinupuri ako sa ginagawa ko.
Hanggang sa matapos ko na ang Master piece ko!
Jawdropped!
Yan ang masasabi ko.Mas lalong lumabas ang kagandahan niya.
"Gaassh!Kakaiba talaga ang magic touch mo Sha!Stand out ang beauty mo Sandy!Anyway kung ganto karin sana sa sarili mo Shasha,edi hindi na matatakot yung mga lalaking lumapit sayo.. Hehehe"sigaw ni Elize at medyo narindi ako sa boses niya
Pagkatapos nun ay nagpalit na si Sandra ng damit.Napakaganda niya pa lalo sa Dress na pinili ni Elize,talagang bumabagay sakanya
At hinarap nga nmin siya sa salamin.Hindi din siya makapaniwala sa transformation nya..
"Salamat Shasha,pati narin ikaw Elize..salamat talaga dahil hindi ko alam ang gagawin kung wala kayo"sabi ni Sandra at tumango naman ako..
"Welcome!Group hug!"sabi naman ni Elize
Nagyakap nga kami at naghiwalay din s pagkakayakap..
"Hmm.. Elize umupo ka dito..Aayusan din kita"sabi ko at nagliwanag ang itsura niya
"Talaga?! Sige Sha!gusto ko ding maging glamorosa sa gabing ito.. Hehehe diba Sandy?"baling pa nito kay Sandra
"Ou naman..dapat maganda tayong lahat!"sagot naman Ni Sandra
At nagsimula ko na ngang ayusan si Elize..
Hindi din maitatangging maganda si Elize kahit na hindi ito maglagay ng kolorete sa mukha,kaya naman ginawa ko lang simple ang make up niya.Yung lilitaw ang ganda niya.Binagay ko din ang paglalagay ng kolorete sa mukha niya base sa skin tone niya at ang Blue-Green niyang dress.Pagkatapos ko siyang ayusan ay inasikaso ko na din ang sarili ko..Naglagay na din ako ng kolorete sa mukha dahil mahalagang okasyon ang dadaluhan namin.Hindi naman siguro masama kung bawasan kong tipirin ang sarili kong maging glamorosa din sa gabing ito.Kung napakaganda ni Sandra ay ganun din ang mga kaibigan niya,Para hindi kami O.P. dun..paniguradong marami ding reporters, photographer at iba pa ang inaasahan dun.
Pagkatapos naming magayos ay nagpaalam na kami sa family ni Sandra.Paniguradong safe naman ang paguwi namin dahil pagkatapos ng event dahil ihahatid daw kami ng pinadalang sasakyan sa mga tahanan namin.Ito na rin ang nagpagaan sa kalooban ng pamilya ni Sandra.Nagiingat din lang naman sila eh,lalo na at may nangyari last time.
At exactly 6 pm ay may bumusina na sa harap ng bahay nila Sandra at nasisiguro kong iyon na yung susundo saamin.Hanggang sa lumabas kami ay hindi nga kami nagkamali.Ang ikinagulat pa namin ay isang Limousine ang nakaparada sa harap ng bahay.May lalaking lumabas mula sa Limousine MIB.MEN IN BLACK beybee.. -.-
Matik na yun,ang kanyang Coat, shoes,pants at maging ang shades ay kulay itim.
YOU ARE READING
Love Trip
RomanceNaranasan mo na ba yung feeling na gusto mong magmahal ng taong mamahalin ka din ?Pero teka naalala mo pala na hanggang pangarap ka nalang kasi may minamahal na siya..Ang tanga mo kasi eh hindi mo pa inamin nung una palang yan tuloy nganga ang labl...