To be continued

5 0 0
                                    

SATURDAY NA!

SANDRA'S POV

Matapos ang nakakatrauma na nangyari sa akin nung isang araw ay nakuha pa naming ituloy ang 'hindi pwedeng maantalang pagkikita' namin ni Grae

Pero magaan na din ang pakiramdam ko dahil wala ng dapat ipagalala pa.

Napagbayaran na din naman yung kasalanan ng mga taong gumawa nun saakin.

May usapan kami ni Grae na susunduin na din ako dito sa bahay.

1 pm niya ako susunduin dito sa bahay.

10 am palang ay inaayos ko na yung isusuot ko.

Naalala ko kasi yung sinabi niya saakin na kailangan ko daw gandahan yung isusuot ko kaysa dun sa ayos ko nung mga oras na kasama ko si Joaquin.

Tsk.Nakita niya nga pala kami noon.

Makapagdemand kasi yung lalaking yun.-.-

Nahihirapan ako sa ayos na gagawin ko kaya todo ang pagpili ng damit at kung anu ano pa ang gayak ko.

Ng biglang.

MESSAGE RECEIVED!

FROM: 0910******8

Unknown number

Oii..Huwag ka ng magsuot ng magarang damit at make up..
Magsuot ka lang ng simple.Okay? Yun lang naman..Bye!

Pagkabasa ko nun ay alam ko namang siya yun

"Tss.Pinahirapan pa ako..hindi nalang sinabi ng mas maaga"sabi ko at pagkatapos ay ibinalik na sa cabinet yung mga damit ko.

Kinuha ko nalang yung usually na isinusuot ko.

###################

1 PM!

AT gaya nga ng inaasahan ko ay dumating na siya.

MESSAGE RECEIVED!

FROM: 0910******8

YOW! Andito na ako sa labas..dalii..nasasayang oras.

'Tss hanggang ngayon ba naman ay magsusungit pa siya'

"Mauna na po ako"baling ko kila Mama at Papa

"Sige..magiingat ka darling ahh..unuwi agad ha?"si Mama

"Opo Mama..salamat"sagit ko at ngumiti pa

"Tss..hindi man lang ba papasok yung uto uto mong manliligaw?"si Cane

'ewan ko sa isang yan..kay Grae lang talaga siya nagkakaganyan'

"Wag ka ngang magulo diyan..Tss"sambit ko

"Nyenye..basta uto uto siya..hahahaha"sinamaan ko lang tingin

"Ou nga naman Anak..siya palang ang hindi namin nakikilala sa tatlong manliligaw mo"si Papa

'Tss..bat nga ba ayaw niyang pumasok..bahala siya'

"Nahihiya po siguro..sa susunod nalang po"sambit ko

Tumango nalang sila.

"Sige po..mauna na po kami"

"Magiingat kayo"sabi nila

Isang matamis na ngiti ang isinagot ko saka ako lumabas at nakita ko na agad ang nakasakay na si Grae.

Naglakad na ako palapit sa kotse niya.

"Pumasok kana"maikling sambit niya

'Grabe, gentleman'

-.-

Love TripWhere stories live. Discover now