PICNIC

7 0 0
                                    

AFTER ONE MONTH

SANDRA'S POV

Sa mga nakalipas na linggo nagpatuloy sa panliligaw yung tatlo.Sila Brace, Joaquin at Grae.

Maraming nangyari sa loob ng isang buwan.

Dun ko na rin napagisipan ang tunay kong nararamdaman.

Isa rin sa napagisipan ko yung nararamdaman ko kay Brace.

Hindi naman sa binusted ko siya pero mahal ko rin naman siya bilang kaibigan.Hindi ko rin kasi makita ang sarili ko na siya ang pinili ko sa tatlo sakanila.Naintindihan niya naman yung nararamdaman ko at nagpasasalamat ako dahil doon.Wala namang nagbago sa pagitan namin.We're still friends,wala namang nagbago doon.

Weekend na nga at napagisipan naming lumabas.

Planado na rin kasi ito.

Kami kami din lang ang magkakasama.

Ako kasama sila Elize, Shasha at as expected yung limang yun.

Napalapit narin naman ang loob nila Elize at Shasha kila Grae.

Nakarating na nga kami sa destinasyon namin.

Napakagaan sa loob na makapagpahinga man lang mula sa stress sa school.

"Gaassh! Sandy mabuti nalang at nakapamasyal tayo ng magkakasama!"sambit ni Elize na napakasaya pang iniyuyugyog yung braso ko

"Ou nga ehh.. Paniguradong magiging masaya ito"sagot ko pa

At ng makababa na ang lahat ay inilapag na namin ang tela sa damuhan at ibinaba na ang mga basket na naglalaman ng maraming prutas.Naghanda din kami ng ulam at rice para pag nagkataon na naghanap sila ng kanin.

"Okay mukhang maayos na ang lahat.Napakaboring naman diba kung wala tayong pagkakaabalahan"si Elize

Tumango naman ang ilan saamin.

"Tama! Gusto ko rin ng pinagpapawisan"si John

Tinitigan namin siya ng may pakahulugan.

"Anong bang gagawin natin?"tanong naman ni Brace

"Hmm.Simple lang.Maglalaro tayo ng Volleyball"si Elize

"Hindi naman summer ahh"ngumusong sabi ni John

"Lols.Sino bang may sabing pangsummer lang ang Volleyball "sabay batok ni Joaquin kay John

"Aray tol!Ou na..aist..hindi ka na mabiro"sambit ni John

"Kaso tatlo lang tayong girls at lima sila"si Shasha na nakaCross arm pa

"Sha,naisip ko na yan kaya meron ito"sabi ni Elize at inilabas ang fish bowl na may laman na nakatuping papel

"Dito kayo bubunot kung sino ang magiging kagrupo niyo at pagmay apat ng members ay okay na yung team"sabi ni Elize

Naunang bumunot si Nash.

"Nash sinong nabunot mo?"si Elize

"Si Joaquin"sagot niya

", Okay magkagrupo kayo"sabi ni Elize

"Nice!"sabi nilang dalawa at nagyakap pa

"Next Shasha bumunot kana"sabi ni Elize

Pagkabunot niya ay agad na nagkatitigan si Elize at Shasha

Magkagrupo sila.

"Sana maging kagrupo natin si Sandra"ngumiti ako sa sabi ni Elize

At bumunot naman si Joaquin.

Love TripWhere stories live. Discover now