Sandra's POV
May pasok nanaman
Kasama ko ngayon si Elize at may klase na kami..
Kanina ay nkatambay lang kami sa canteen kasama si Sha Sha..Habang nagdDiscuss yung instructor namin ay nagdadaldalan naman kami ni Elize
Hnd na kami masyadong nakikinig dahil may modules naman kami sa online and available naman siyang buksan dahil nasa online ehh..Hindi nalang namin pinahalata na naguusap kami..
"May hindi pa ako sinasabi sainyo ni Sha Sha.."sabi ko
"Huh? Ano naman yun?"si Elize
"Yung tungkol sa photoshoot ni Grae"ako
"Hmm..diba nagpaalam kana samin nun na sasamahan mo lang siya sa photoshoot.."si Elize
"Ou nga pero meron pang nangyari.."
"Ano naman yun?"mahinhin na sabi niya
"Kinuha akong substitution sa photoshoot niya"
"Ahhh..yun lang pala ehh..kinuha kang substitution------ANOO!!? SUBSTITUTION SA PXGAHAJAJA"tinakpan ko agad ung bunganga niya dahil napakaingay pala neto kapag nagugulat
"Miss Reyes and Miss Ville, what's going on?! You're both interrupting my class!!"ung instructor namin
"Sorry Sir"sabay naming sabi
"The door is always open for those who aren't interested to this subject!"sabi niya saka kami tumahimik at nagpatuloy siya sa paglelecture
Kami naman ay nagpatuloy sa paguusap at mas mahina na nga lang kaysa kanina at hindi kami nagpahalata
"T-totoo ba yang sinasabi mo saakin ngayon?"nag nod lang ako bilang tugon
"Ano namang ginawa niyo..?? For sure nahirapan ka kasi bago lang yun sayo..tsaka bakit ikaw ang ginawang substitution?"sunod sunod na tanong niya
"Actually hindi ko din alam yung gagawin ko tinuruan lang nila ako..nakakaKaba siya pero masaya siyang iTry"napangiti ako
"Mabuti naman kung ganun..edi tinulungan ka ni Grae kung paano ang pose"
"Ang totoo niyan partner ko siya"sabi ko at akmang sisigaw nanaman siya kaya tinakpan ko yung bunganga niya
"Ssshhhh"sabi ko sakanya at nagNod siya bilang tugon
"P-paanong naging kapares mo siya?"mahinang usal niya
"Hindi kasi sumipot yung kapares niya sa photoshoot kaya ayun naisipan nilang pagtambalin muna kami..tiyaka konting oras nalang ang natitira para tapusin ang photoshoot kaya ayun.."sabi ko
"Waaaaaahhh..kinikilig ako..ano kayang itsura niyo nun? Komportable naman kayo sa isa't-isa?",
"Nung una nakakailang pero nung tumagal ay pinaramdam niya na saakin na kailangan ko lang magtiwala sakanya"nakangiting sabi ko
"Ayyoo..ano yang ngiting yan huh? Hahahaha wag mong sabihing naFall ka sakanya habang magkasama kayo sa photoshoot?"
"Hindi ahh..masaya lang ako na hindi naging epic fail yung mga ginagawa ko ng mga oras na yun"
"Ahehe..ano pang mga nangyari?"
"Ayun siyempre may mga nakilala akong magagaling at mabubuting staffs at may isang tao lang akong hindi naging kaClose.."
"Huh? Sino naman yun? Sinaktan ka ba niya huh? Tara ipatapon natin siya sa Bermuda triangle "
"Hahahaha..nakakatawa ka..pero naging ganun lang siguro yung trato niya saakin kasi mas bet niya yung alaga niya sa role ko nung araw na yun"
YOU ARE READING
Love Trip
RomanceNaranasan mo na ba yung feeling na gusto mong magmahal ng taong mamahalin ka din ?Pero teka naalala mo pala na hanggang pangarap ka nalang kasi may minamahal na siya..Ang tanga mo kasi eh hindi mo pa inamin nung una palang yan tuloy nganga ang labl...