Sandra's Pov
"Yeah! Audition day ngayon!"
Napaupo ako sa pagkakahiga at nag stretch pa saglit at ginawa ko na ang daily routine ko..
Pagkababa ko ay nakahanda na ang pagkain..
"GoodMorning!"nakangiting bati ko kay Cane at kay Mama
"GoodMorning din Darling!"si mama
"GoodMorning din Ate! Good mood ka huh?"si Cane
"Ou naman..kailangan para maging maganda din ang performance ko mamaya.."masayang sabi ko
"Sana ganyan ka nalang lagi..."napangiti ako sa sinabi ni Cane
"Nang hindi ako nakakatanggap ng sapok sayo-----" natigilan siya dahil kinatusan ko siya
"Okay na eh..humirit ka pa.."sabi ko
"Aray..totoo naman"sabay kamot niya sa ulo
Tinaasan ko lang siya ng kilay
"Oh tama na yan at kumain tayo..nagaaway nanaman kayo eh"si mama
"Sorry po"sabay naming sabi at nagtitigan lang kami sabay kain
Pagkatapos kong kumain ay nauna na akong umalis kay Cane..Saglit ko pang nakita yung lumang bike ko sa garden kaya naman naisip kong gamitin yun kaso naalala ko nga pala na kailangan ko pang ipaayos yun..hmm..next time ko nalang aayusin yun pag wala ng klase next week..
Pagkatapos ay nagCommute na ako papuntang school..
Pagkarating ko sa school campus ay marami nang estudyante..Pumunta muna ako sa Room dahil alam ko namang hinihintay na ako ni Elize..
Nakarating na ako sa room namin at nakita ko na nga si Elize na naghihintay saakin
"Elize.."sabi ko
"Buti naman at meron kana..tara pumila na tayo dahil sa pagkakaalam ko ay mahaba ng ang pila ng audition sa Dance Crew..
"Sige.."
Nakarating na nga kami sa au·di·to·ri·um
Napakalaki nung wood na pintuan..kahit na hindi ka pa pumapasok ay masasabi mong pang maramihan ang pwedeng pumasok..
Sa harap ng pintuan ay may mga nakabantay at sa table nila ay may mga papel..
"Sandra sa tingin ko ay kailangan nating magpalista dun bago ka makapagAudition.."
"Ou nga..tara"sambit ko at pumunta naman kami
"Pakilista nalang po yung name at kung anong Club ang sasalihan..salamat"kinuha ko naman yung ballpen at nagsulat na agad sa papel
"Here's your number kung pangIlan ka papasok"sabi nung isa at inabot ko yung papel na may numero 30
"Be thankful kasi mga hundred plus ang aasahang magAaudition"sabi nung isa
"Salamat po.."sagot saka pumila sa mga kasunod ko
"Sandra sa tingin mo pwede akong manuod sa loob?"tanong ni Elize saakin
"Hmm..siguro..ewan"nagkibit balikat nalang ako
"Tara tanungin natin..? Dibale may number ka naman na.."
"S-sige.."
Bumalik nga kami..
"Excuse me po..pwede po bang manuod ng audition nila?" Tanong ni Elize
"Pasensiya na..Hindi pwede eh.."
"Aii..sayang naman..sige po salamat nalang po"
Tumango lang siya
YOU ARE READING
Love Trip
RomanceNaranasan mo na ba yung feeling na gusto mong magmahal ng taong mamahalin ka din ?Pero teka naalala mo pala na hanggang pangarap ka nalang kasi may minamahal na siya..Ang tanga mo kasi eh hindi mo pa inamin nung una palang yan tuloy nganga ang labl...