EXTRA CHAPTER (1)

9 0 0
                                    

Grae's POV

Andito parin sila sa bahay at kasama parin namin si Sandra..

Patuloy ang kwentuhan at tawanan..

Nakakamiss din yung nagkakausap kami ng ganito..
Yung naguusap kami sa mga bagay na hindi lang puro kalokohan..
Pinaguusapan namin yung mga pangarap ng isat isa..

Si John , pangarap niyang maging leading man sa isang romantic series..medyo hindi pa ako makapaniwala pero yun talaga ang pangarap niyang role..

Si Brace naman ay mula noon pa ay pangarap na niyang maging isang magaling na dancer at makapagperform sa harapan ng maraming tao.Natupad na yung pangarap niyang makapagperform sa harapan ng maraming tao pero meron pa siyang hindi nagagawa.Pangarap niyang sumayaw sa harap ng kanyang Papa dahil mula noon pa man ay hindi niya pa yun nagagawa dahil lagong walang oras ang daddy niya

Si Joaquin naman ay pangarap niyang magkaroon ng Comedy Show..Kahit na wala sa itsura niyang magkaroon ng ganung klaseng show, pangarap niya yun..

Si Nash naman ay pangarap niyang magkaroon ng secret agent na role..Mahilig kasi siyang magexplore at magsolve dn ng maraming mysteries

Pansin ko na puro showbizness ang mga pangarap nila except kay Brace..

Sa ngayon ay wala naman akong pangarap na gustong abutin..gusto ko lang makapagtapos ngayon..Pakiramdam ko kasi ay nasa akin na lahat ng pangarap ko..Mabuting Estado sa buhay,mapagmahal na pamilya at mabuting mga kaibigan

###########KINABUKASAN############

SANDRA'S POV


Andito na ulit ako sa bahay ni Grae ngayon..
Talagang wala yung mga kaibigan niya ngayon..

Mukhang nalulungkot si Grae...
Hindi niya siguro sanay yung walang kasama sa bahay..

Naikwento ko na din kila Mama na magisa lang ngayon ni Grae,kaya naman sila pa ang nagsabi saakin na agahan ko ang paguwi at dumeretso dito sakanila..

Ngayon ay kasalukuyan akong naglilinis ng kalat sa garden, inaalis yung mga nabulok na dahon sa mga halaman

Pagkatapos nun ay pumasok na ako sa loob dahil hapon narin naman at magdidilim na

Pagkapasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa sofa..

"May iuutos kapa ba?"tanong ko sakanya

"Wala naman na..bukas mo na gawin yung ibang gawain.."sambit niya

"Okay"

Pakiramdam ko ay may gumugulo sa isip niya

"Pwede ka ng umuwi"maikling sabi niya

"Hmm..pwede bang magpahinga muna..? Nakakapagod yung ginawa ko sa labas ehh"sabi ko

"Ikaw bahala, malapit lang naman ang bahay niyo"sabi niya

Haist..may part parin na masungit siya

Umupo ako sa sofa at ung inupuan ko ay inuupuan niya din bale nakaupo kami sa sofa na pahaba

Nakaupo na ako nun ng mapansin kong may hawak siyang picture frame..

Mukhang malungot siya at pakiramdam ko ay yun ay dahil sa picture frame na hawak niya

"Okay ka lang ba?"tanong ko

"Ano bang pake mo kung okay lang ako.."

Nainis ako sa sinabi niya!Siya na nga etong kinakamusta siya pa yung nagsusungit

Pero syempre hindi ko gagawin un dahil boss ko siya at saka ramdam kong hindi maganda na sumabay pa ako sa kalungkutan niya, saka na ako babawi sakanya pag ok na siya

Love TripWhere stories live. Discover now