Party in the House!

7 0 0
                                    

Sandra's POV

SATURDAY!

Mahilig akong magbike tuwing umaga ng weekends at talagang nililibot ko ang buong subdivision..

Relaxing yung panahon ngayon dahil hindi masyadong mainit at hindi din naman masyadong malamig..

Madalas ko itong ginagawa kapag nasosobrahan ako sa panunuod ng korean nobela sa sofa..

Habang nagbabike ako ay napahinto ako sa tapat ng bahay ni Grae..

'Hmmppfft! Sa dinami dami pa ng magiging kapit bahay ay magiging isa ka pa..haist'

CCRRRREEEEEEKKKKKK!

Biglang narinig ko mula sa likod ko..

Panigurado akong bike ang tumigil sa likuran ko..

"Anong ginagawa mo diyan sa tapat ng bahay ko?"narinig ko mula sa isang pamilyar na boses

SI GRAAEE

"Pre..sino siya? Isa nanaman ba sa mga chicks mo?hahaha" narinig ko pa sa likuran ko at hindi parin ako lumilingon..

Hmmppfftt!mukang may mga kasama pa siyang ulupong..(°ー°〃)

Lumingon na ako para wala na silang masabi pang iba

"S-sandra? Anong ginagawa mo dito?"nagulat na tanong ni Brace

Nabosesan ko agad siya kahit na nakaHelmet silang lahat

"Dito----"hindi ko na natapos ang pagsasalita dahil naunahan na ako ni Grae

"Kapit bahay ko siya"sambit niya

"For real?! "Gulat na sabi ni John

"Yup"sagot ko nalang

"So pwede ka pala mamaya sa party ni Grae?"tanong ni Joaquin

"Party?"tanong ko

"Yup..may paparty siya dahil kinaya niya ang ilang araw na hindi kasama ang parents niya"sagot ni Joaquin

"Tiyaka iilan lang kami mamaya..baka nga hindi mapuno ung bahay ni Grae.."sabat naman ni John

"Sige na..punta kana.."pamimilit ni Joaquin

"Hindi ka naman tututol diba Grae?"si Brace kay Grae

"S-siya man kung gusto niya.."sagot niya

"Oh! Narinig mo yun!? Kaya pumunta kana.. Hahaha para mas masaya.."Si John

Saka ko lang napansin na pinapalibutan na pala nila ako..at nasa gitna pa ako

Hmmppfftt..naiipit ako

"S-sige na nga.."sabi ko

"Yey!"

"Sabi mo yan ah! Wala ng bawian!"

"Magiging masaya to!"

Ngumiti nalang ako

"Sige see you later"

"Susunduin kita sainyo kapag di ka pumunta "si Joaquin

"Ah wag na..hahay..nakakahiya naman"ako

"Hindi..ok lang naman eh.."pangungulit niya

"Hindi na..kaya ko na.."sambit ko

"Ok..sige bye.."sagot niya

"Bye"

"Bye"

"Bye"

"Bye"

Sabi nilang ganun sakin at saka pumasok sa loob..at naiwan si Grae..

Love TripWhere stories live. Discover now