Two: Drama of CC

3.3K 119 44
                                    

Cristina Creed

     WHAT THE FUCK?!!" singhal niya sa lalaking kaharap niya ng mapagtanto ang mga sinabi nito.
     Nakatakas nga siya sa mga dumukot sa kanya, pero, sa mga kamay naman siya ng taong tinatakasan niya, ang bagsak niya ngayon. Over na talaga ang kamalasang nararanasan niya ngayon.
     Pero hindi siya papayag na manatili dito. Tatakas siya. Now na!
     Napatayo siya ulit mula sa pagkakaupo sa kama at mabilis na tumakbo papunta sa nag-iisang bintana ng kwartong kinaroroonan niya. Thank goddess it's open, iyon ang exit way niya.
     Lalabas siya doon sa bintana at tatakbo ng mabilis para makalayo sa hinayupak na abnormal na ito. Pero bago pa man siya makalapit sa nakabukas na bintana, may mga matitipunong braso nang pumalibot sa beywang niya.
     Instant ang pagpupumiglas niya pero hindi niya mabaklas ang mga braso nito. Pinagpapalo niya ang mamaskels nitong braso.
     'Ang titigas naman ng maskels nitong abnormal na 'to,' sambit niya sa sarili habang papisil-pisil na siya sa braso nito.
     'Ay, teh! Libreng chansing ka na ha? Tigas no?' nanunudyong puna ng inner wolf niyang si Skiá sa kanya.
     'Gaga! 'Wag kang ano, tinitingnan ko lang kung matigas e. Malay ko ba kung fakeness lang 'to kasi baklush pala siya. Ang daming nalilinlang ng may mga maskels pero, lalaki rin pala ang gusto ha?' katwiran naman niya sa inner wolf niya.
     She put up her mental barrier para hindi siya nito makulit pa.
     "Let me go, abnormal! Let me go! Iuwi mo ko sa 'min!" pagpupumiglas niya pa dito.
     Bahagya siyang iniangat ng lalaki at humakbang ito patungo sa kama. Palayo sa bintanang pwede niyang labasan. Kumawag-kawag siya, as if naman makakatakas siya sa mga braso nito sa ganoong paraan.
     "I can't, my aphrodisiac. No return, no exchange policy daw sabi ng kapatid mo. So, I'm gonna keep you, wether you like it or not," bulong nito sa may tenga niya.
     Napatigil siya sa pagpupumiglas. Nanayo bigla ang mga balahibo niya sa batok dahil sa init ng hininga nito na tumama sa pisngi niya. There's a tingling sensation at the pit her stomach, may kung anong kiliting namumuo doon na hindi niya maipaliwanag. Bigla niyang naramdaman na parang maiihi siya. Weird.
     Lumuwag saglit ang pagkakapalibot ng mga braso nito sa kanya, at mabilis itong lumipat sa harapan niya without letting her out of his arms. Now, they're face to face. And she can clearly see his adam's apple. Nasa line of vision niya ang lalamunan nito e, ang tangkad naman kasi nito. Hmmp!
     Umangat ang tingin niya sa panga nitong kay sarap kagat-kagatin ng pino. Tinutubuan na iyon ng stubbles pero parang ang sarap pa ring haplusin e. Naglakbay ang paningin niya patungo sa mga labi nitong halatang hindi nakakatikim ng sigarilyo, or so she thought.
     It looks yummy dahil medyo mamula-mula iyon at malambot tingnan. Ano kaya ang feeling na mahalikan ang lips nito? Wala sa sariling nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa kalandiang naiisip.
     "Don't bite your luscious lips like that, my aphrodisiac. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masampolan kita ng french kiss na, torrid pa. I'm the best kisser you'll ever find," nanghihibong turan nito sa kanya. Mahangin ang tarantado.
     Hinawakan nito ang baba niya at iniangat iyon para magtama ang paningin nila. She saw fire of desire burning in his eyes. Nanlaki ang mata niya dahil doon. She had never seen such desire in someone's eyes. Iyong tipong nababasa niya sa mga erotic novels.
     That fire of desire that consumes someone that lead to a night of unbridled passion. The kind of fire you'll want to get burned with. Nakikita niya iyon ngayon sa mga mata ng yummy pero abnormal na lalaking ito.
     And therefore, she concluded, na may katotohanan pala talaga ang mga nakasulat sa mga erotic novels na nababasa niya. Malay ba niyang totoo pala iyon. Puro kasi manyak ang nakakasalubong niya sa labas ng pack territory nila.
     She was mesmerized by that fire in his eyes that she didn't notice, his face's already closing in on her face. Para siyang nahihipnotismo ng titig nito. Gahibla na lang ang layo ng mga labi nila ng biglang may dumating na istorbo.
     "Alpha, tumawag si---" Nabitin ang sasabihin ng kung sino mang iyon ng marahil ay makita ang sitwasyon nila.
     Tila natauhan siya bigla sa pagdating nito kaya agad niyang naitulak palayo sa kanya ang lalaking kaharap at napaiwas ng tingin. Hindi naman siya binitiwan ni Shade. Dumako ang tingin niya sa kadarating lang na lalaki.
     May nanunudyong ngiti ito sa mga labi habang palipat-lipat ang tingin sa kanila. Tinaliman niya ito ng tingin dahilan ng pagkawala ng ngiting iyon at pagtikhim nito. Nag-iwas na ito ng tingin sa kanya. Seryoso na ito at tumingin na lang sa abnormal nitong alpha.
     "What the fuck do you want, Zarric?", abnormal guy asked in a cold and calculated voice.
     Halatang nabitin si lolo e. Naggagalit-galitan ang peg.
     Napatikhim ulit ang bagong dating bago sumagot. "As I was saying, Alpha, tumawag si Alpha Tyron DeQuia, ipinapaalam niyang nahanap ang kotse ni Ms. Moon na naiwan malapit sa pack territory ng RavenStone. No sign of Ms. Moon, Alpha, but the stench of rogue hunters were all over the place. They are sure that Ms. Moon was kidnapped by those mongrels," mahabang salaysay ng lalaki. Diretso lang ang tingin nito sa alpha nito.
     Agad na nanlaki ang mga mata niya sa ibinalita nito. Napatingin siya kay abnormal dude, her eyes telling him the gruesome things that could happen or already happened to her.
     "What does he want me to do?" maikling tanong ng abnormal dude kay Zarric. His eyes never leaving her, at humigpit na naman ulit ang pagkakayapos nito sa beywang niya.
     He seemed so afraid to lose her by just the mere mention of those stupid rogue hunters.
     "He's asking you to help find Alpha Tanathos Creed's sister, Alpha. May ideya siyang baka nakuha rin ang babae ng mga rogue hunters," sagot naman ni Zarric.
     "Tell him and Tanathos that I found CC and she's safe. As for Ms. Moon, I'll help them rescue her," abnormal guy instructed Zarric.
     She remained silent throughout their conversation. She can still remember clearly how those poor she-wolves were raped and ripped, limb by limb by those hideous monsters.
     Naaalala niya rin iyong babaeng kasama sana niya sa pagtakas. Kung hindi lang ito shushunga-shunga, baka sabay silang nakatakas sa kamay ng mga halimaw na iyun. Nagi-guilty siya dahil iniwan niya ito doon.
     Mabilis ng nagpaalam si Zarric para sundin ang utos ng alpha nito, pero bago ito tuluyang umalis may inutos pa ang abnormal dito.
     "And one more thing, Zarric, ask Cordelia to prepare my room, for the luna of this pack will stay there from now on," dagdag-utos pa nito kay Zarric.
     Nakatitig lang ito sa kanya habang sinasabi iyun, watching her reaction. Nagkandahaba ang nguso niya dahil sa sinabi nito, pero nanatili pa rin siyang tahimik. Mamaya na niya ito kokomprontahin tungkol sa huling utos nito kay Zarric.
     Hindi siya papayag na makasama sa isang kwarto ang abnormal na lalaking ito. Over her dead, sexy and beautiful body.
     Nang mapabaling ang tingin niya kay Zarric, nakita niyang tila nagningning ang mga mata nito sa sinabi ng abnormal nitong alpha.
     Maluwang ang pagkakangiti nito ng balingan siya ng tingin. She just scoffed and huffed like the spoiled brat she is.
     "Sige po, Alpha, Luna. Mauuna na po ako," paalam pa nito at bahagyang yumukod pa sa kanila ni abnormal dude bilang paggalang. Mabilis na itong lumabas sa kwarto pagkatapos.
     Binalingan niya ng tingin si abnormal ng marinig ang mahina nitong pagtawa.
     "Ano'ng tinatawa-tawa mo dyan?" sita niya rito. Mas hinapit siya nito palapit sa katawan nito.
     Ngayon na lang niya ulit napagtuunan ng pansin ang sobrang pagkakalapit na naman nilang dalawa. Ramdam na rin niya ang init na sumisingaw galing sa katawan nito.
     Ang nakakapagtaka, parang gusto niyang magpakasasa pa sa init na bigay ng katawan nito. Lalo pa't naaalala na naman niya ang malagim na sinapit ng mga kasama niya sa MadWolves Territory.
     Biglang nag-init ang sulok ng mga mata niya ng maalala ang mga nangyari kanina. She's just so lucky to escape. Aminado siyang naging selfish siya sa last part ng pananatili niya doon sa MadWolves Territory. Natatakot siya ng mga oras na iyon at ang pagiging brat at selfish ang ginawa niyang panakip-butas sa takot na nararamdaman niya.
     Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya. Maagap naman siyang niyakap ni Shade at hinaplos ang buhok niya at hinalik-halikan ang ibabaw ng ulo niya, he's way of consoling her. Ibinaon niya sa dibdib nito ang kanyang mukha at napahikbi na lang siya.
     She may be a brat and she may act selfish at most time, cover up niya lang iyon. Deep inside, she's scared like a little girl na takot sa dilim, at kulog at kidlat. In her case, she's scared of being alone, which she felt from the time Tan left her under the care of the alpha and luna of SeventhStone pack. To the time he reclaimed their former pack and  became the alpha of it.
     He was her bestfriend, her hero, her playmate, her everything. But everything change when he chose to leave her. Wala na itong oras na makasama at makalaro siya dahil kinailangan nitong magpaka-mature at magplano sa kung paano babawiin ang dapat ay kanila.
     She lost her big brother that time.
     "It's okay, baby. I'm here. I'll protect you from those monsters okay?" alo sa kanya ni Shade.
     Wala na ang abnormal dude, Shade na ngayon kasi nagdadrama siya.
     Napatingala siya dito, agad naman nitong pinahid ang bakas ng luha sa kanyang pisngi. At tinitigan siya nito sa mga mata niya.
     "P-promise?" garalgal ang boses na tanong niya rito. She's like a little girl seeking assurance from her father that everything will be alright. Nakatingala siya dito at hinihintay ang sagot nito.
     Napangiti naman si Shade at hinalikan ang tungki ng kanyang ilong.
     "I promise, my aphrodisiac. I'll protect you no matter what," pag-aassure naman nito sa kanya.
     Nakangiting muling ibinaon niya ang mukha sa dibdib nito ulit. How ironic it is. She believed what he said, she felt safe with him. Pati si Skiá, bet na bet itong damuhong ito. At ease sila dito, ano man ang gawin niyang pagtanggi, panatag at ligtas ang pakiramdam niya kay Shade. Pero hindi niya iyon aaminin dito.
     Sa ngayon, panghahawakan niya muna ang kapanatagang nararamdaman niya dito. Saka na niya iisipin ang ibang bagay. This time, gusto niyang tumulong na mabawi ang mga she-wolves na bihag ng mga rogue hunter, naniniwala siyang may mga nakaligtas pa sa kahayupan ng mga mad wolves at rogue hunters.
     And she hope na iyong babaeng kasama niya sana sa pagtakas ay buhay at ligtas pa sa mga kamay ng mga halimaw sa loob ng MadWolves Pack.
     Pero, higit sa lahat, sana hindi pa huli ang pagliligtas nila sa mga ito.

11-25-17
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N
     Hoy CC! Sabi mo tatakas ka? Anyare, bes? Hahaha Naaddict ka sa warmth ni Shade? At saan na nagpunta 'yung abnormal na tawag mo sa kanya? Kaloka ka! First name basis ka na sa kanya ha? Hahahaha
     Pasensiya na sa mga typo errors ko ha? Confused rin talaga ako sa ibang Tagalog word, hindi naman kasi Tagalog ang usual language namin dito e. Naguguluhan ako sa tamang paggamit ng IYON at IYUN. Pati na ang NG at NANG. Panu ba gamitin ang words na ito sa pagbuo ng pangungusap?

Sold to SageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon