Fifteen: Moon Baby

2K 71 20
                                    

Dedicated to galacreed and Luxien_Lux

Shade Sage(ShadowStone Pack House)

     They were waiting at the front porch of the pack house when a huge black wolf with few other wolves, emerged from the treeline.
     "Oh, MoonGoddess! Nandito na sila," CC said while rolling her eyes. "Sinama pa talaga ang asosasyon ng mga mababantot ang pangalan," iiling-iling pa nitong dugtong.
     Rique led their guest to the toolshed where they could shift back to human form and get dressed.
     Paglabas ng mga ito sa toolshed na malapit lang sa pack house, ngingisi-ngisi pa ang lokong si Tan habang nakatingin sa kapatid nito pero ng dumako sa gawi niya ang tingin nito, biglang dumilim ang anyo nito sa kanya.
     Pinagkrus ni CC ang mga braso sa tapat ng dibdib nito habang nakatingin sa mga bagong dating.
     "My baby sister!" maluwang ang pagkakangiting tawag na ni Tan sa kapatid nito.
     He heard her tsked.
     "Naligaw yata kayo? Wala dito 'yung QEC kaya ano'ng ginagawa niyo dito?" paninita pa ni CC sa mga ito.
     "At nasan si Avie? Bakit 'di niyo sinama?" pahabol pa nitong tanong.
     Kakamut-kamot naman sa batok nito si Tan habang palapit sa kanila.
     "Hindi kami naliligaw, C. Ikaw talaga ang sadya namin," sabat naman ni Agui. "Isa pa, mamayang gabi pa ang bukas ng QEC e." Dugtong pa nito.
     "E 'di wow! Kayo na ang manyak." Sikmat naman ni CC dito.
     "C, na-miss ka ni Kuya!" Agaw ni Tan sa atensyon ng kapatid nito. Yayakap na sana ito sa kapatid.
     "'Wag kang lalapit!" CC pushed him on his bare chest. "Your ewwness is overloading, Tan!" Nandidiri pang ingos nito sa kapatid.
     "Hindi kaya, bunso! Wala sa bokabolaryo ko ang pagiging ewwness ha?" Niyakap pa rin nito ang kapatid at ginulo-gulo ang buhok na labis na kinainis ni CC.
     "Yuck!!! Ang lagkit mo, Tan!! Kadiri ka!!" Tili ni CC.
     Nagpupumilit itong makawala sa pagkakayakap ng kapatid habang nagtititili pa rin.
     Lalapitan na sana niya ang dalawa para hilahin si CC ng balingan siya ni Tan at tingnan ng masama.
     Napahinto siya sa paglapit at sinalubong ang tingin ng lalaki.
     "Hoy, ikaw! Bakit 'di mo agad pinaalam na nasa 'yo na ang pinakamaganda kong kapatid ha?" Sita nito sa kanya. Dinuro pa talaga siya nito na parang isa siyang kriminal.
     "As far as I could remember, you're always out everytime I tried to contact you." Tugon niya rito, in a calm voice.
     Tinulak ni CC ang mukha ni Tan palayo at pinaghahampas ito sa balikat.
     "Tungek ka kasi kaya ganern, Tan. Bwesit ka talaga! Naano na tuloy ako ng lalaking 'yan. Kapag ako namatay sa panganganak, mumultuhin ko kayong dalawa!!" Sigaw ni CC.
     Tumawa lang si Tan dahil sa sinabi ng kapatid nito. Panay pa rin ang hampas ng babae sa kay Tan na panay naman ang iwas habang tumatawa.
     "Abnormal ka! Abnormal! Bagay kayong pag-untugin ng lalaking 'yun." Singhal pa rin ni CC na binalingan pa siya for emphasis sa huling sinabi nito.
     Tumingin rin sa kanya si Tan na tumiim na naman ang anyo at nagsalubong ang mga kilay.
     He just shrugged his shoulders and faced CC.
     "My Luna, can I talk to your brother first?"
     She huffed and glared at them. "Magsama kayong mga abnormal kayo!" She said under her breath.
     Walang lingon-likod na tinalikuran sila nito.
     Pinagmasdan nilang makapasok ng tuluyan si CC bago sila mapatingin sa isa't-isa ni Tan.
     "We need to talk." Seryosong turan niya dito.
     "Walang nagbago sa deal natin noon, Sage. My sister in exchange of that land." Seryoso ring tugon ni Tan.
     "Hindi 'yon ang gusto kong pag-usapan. It's about your sister but there's nothing to do with our deal." Nagtagis ang bagang niya ng maalala ang tungkol sa deal nilang iyon.
     Bahagyang tumango si Tan bilang pagsang-ayon.
     He led Tan to his office while his men were led to the living room, by Rique, to wait there.

Cristina Creed

     Iniwan na niya ang mga abnormal doon sa labas. Mukhang may pag-uusapang mahalaga ang dalawang abnormal na alpha kaya siya pinabalik na ni Shade sa loob ng pack house.
     Hindi naman pala talaga siya ang main reason ni Tan para pumunta ito dito.
     Asa ka pa na ikaw lang ang ipinunta ng abnormal mong kapatid dito. Kastigo niya sa sarili.
     For sure, mag-uusap na ang dalawa ng tungkol sa deal ng mga ito na may kinalaman sa kanya at sa kapirasong lupa ni Shade.
     Mga abnormal talaga! Sambit niya pa sa isipan.
     Bumalik na lang siya sa kusina pero wala na siyang gagawin doon kasi natapos na ang pagbabalat ng mga sangkap na isasahog sa niluluto ni Nana Ida.
     Nakasimangot na naupo na lang siya sa isa sa mga kitchen stools.
     Ang ibang mga omega ay wala na rin sa loob ng kusina. Mukhang nakahanap na ang mga ito ng ibang gagawin.
     "Bakit nakasimangot ka po, Luna?" Takang-tanong ni Cordelia sa kanya ng makita ang pagkakasimangot niya.
     "May isa pa kasing abnormal na dumating." Sagot niya sabay irap sa kawalan.
     "Dumating na ang kuya mo po, Luna?" Tanong pa ni Cordelia. Her eyes wide.
     "Oo. Sinama pa niya ang mga alipores niya na mababantot ang pangalan." Kumpirma naman niya.
     Humagikgik pa si Cordelia dahil sa huling sinabi niya.
     Mukhang may something kay Cordelia sa mga oras na ito. Nagb-blush kasi ito at parang kinikiliti sa paghagikgik nito e.
     "Buti na lang gwapo ako at pati pangalan ko, gwapo rin. Ha ha ha ha!" Sabat ng isang pamilyar na boses na sumulpot mula sa kung saan.
     Ng balingan niya ang pinanggalingan ng nakakairitang boses na iyon, nakita niyang papasok si Zarric sa backdoor kasunod ng ilang pack warriors na may dalang supplies.
     Binati siya ng mga pack warriors bago tumuloy sa pantry para ibaba ang mga supplies.
     Lumabas rin ang mga ito pagkatapos pero naiwan si Zarric.
     Tinaasan niya ng isang kilay si Zarric. Ngingisi-ngisi pa talaga ang loko habang nakatingin sa kanya.
     "Bakit ba kahit saan ako mapadpad, meron at meron akong nakakasalamuhang abnormal? Nakakaloka!!" Pagpaparinig niya kay Zarric.
     "Buti na lang pala talaga, Luna, above normal ako. Ha ha ha" sagot naman ni Zarric.
     Bakit ba tuwang-tuwa yata ngayon ang ugok na ito?
     "Did you get laid last night, Zarric?" Salubong ang mga kilay na tanong niya dito.
     Nakita niyang natigilan ito dahil sa tanong niya. At napangiti pa talaga ang loko habang parang may inaalala.
     Inis na binato niya ito ng nahawakan niyang carrots. Nasapol naman ito sa noo at tila natauhang napatingin sa kanya.
     "Ang harsh mo talaga sa kagwapuhan ko, Luna." Zarric said while pouting.
     "Mukha ka kasing namamanyak e." Pakli niya dito.
     Tumawa lang ito. "Hindi a! I just got laid last night." Amin pa nito.
     "E 'di manyak ka nga talaga. Hmmmp!"
     Inis na inirapan niya ito. Hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siya ng walang dahilan. Hindi naman siguro siya naglilihi, hindi ba?
     'Kulang ka lang sa TLC, C.' Skiá butted in while giggling like crazy, as always, in her mind.
     'Anong paandar na naman 'yan, Skiá?' Sita niya dito.
     'TLC lang 'di mo pa alam?!' She replied while rolling her eyes. 'Thrusting, Licking, and Cumming!'
     Gusto niyang sakalin bigla ang inner wolf niya dahil sa mga kalandiang pinagsasasabi nito.
     'Leche ka talaga, Skiá! Puro kalandian iyang iniisip mo!' Sikmat niya dito.
     Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita pa ulit. She heard Skiá laughing at her own antics before she put up her mental barrier.
     Blocking her and the abnormal alpha from her mind.
     "Lumayas ka na nga lang sa harapan ko, Zarric." Baling na lang niya kay Zarric na nakangisi pa rin sa kanya. "Bago magdilim ang paningin ko at masabunutan na naman kita." Dugtong pa niya.
     Magsasalita pa sana ito ng bigla itong matigilan.
     When she look at him, she saw his eyes became clouded, indikasyon na may ka-mind link ito.
     Agad itong napatingin sa kanya ng marahil ay matapos na ang mindlink dito.
     Tinaasan niya lang ito ng kilay.
     "Alpha's mind linking you, Luna. Ni-block mo daw siya." Saad nito sa kanya.
     Inismiran niya lang ito.
     "Tawag ka dun sa office niya. Lagot ka dun. Papaluin ka nun sa pwet kasi ni-block mo siya." Pananakot pa nito sa kanya.
     Parang bata lang kung manakot e.
Siya naman ang napa-pout ng may maisip na iba dahil sa sinabi nito.
     Her, bend over Shade's lap while he's spanking her bouncy butty. Nag-init ang mga pisngi niya dahil sa naisip.
     Tawa ni Zarric ang nakapagpabalik sa kanya mula sa pag-iisip niyang iyon.
     "Ha ha ha Si Luna, may ibang naiisip!!" Pang-aasar pa nito sa kanya.
     Binato niya ulit ito ng nahawakan niyang patatas. At ang bwesit, nakailag pa. Kaya mas nanggigil siya dito.
     Susugurin na sana niya ito para sabunutan na naman ng marinig niya si Tan sa mindlink nilang magkapatid.
     Nakalimutan niyang lagyan ng barrier ang link nilang magkaptid lalo na at magkalapit lang sila, mas malinaw at malakas ang connection ng mind link nilang magkapatid ngayon.
     "Hindi pa tayo tapos, Zarric. Babawian kitang panget ka!" Inis na singhal niya kay Zarric bago ito tinalikuran.
     "Samahan mo ko sa office ng abnormal na 'yun, Cordia." Yaya niya kay Cordelia.
     Hindi pa kasi siya nakakapunta doon kaya hindi pa niya alam kung saan ang opisina ng abnormal na alpha.
     "Alis muna kami, Nana Ida. 'Wag n'yo pong bibigyan ng cookies 'yang panget na 'yan ha?" Baling niya sa nanay ni Cordelia na nakangiti lang habang pinagmamasdan sila.
     Binelatan niya pa si Zarric na napasimangot dahil sa sinabi niyang hindi ito bigyan ng cookies.
     "Lead the way na, Cordia!"

Sold to SageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon