Twenty One: Pregnant

2.2K 97 25
                                    

     **Isi-Self pub na po ang story ng kuya ni CC. Entitled, SAVAGE POSSESSION by Luxien_Lux. PM me sa FB account ko (Cristina Luma Raganas) for more info about the book. Huwag dito sa Watty kasi wala akong load kadalasan kaya 'di ko mababasa kapag nagmessage kayo sa 'kin dito.

Cristina Creed(in the middle of a forest)

     Pupungas-pungas na nagising siya mula sa malalim na pagkakatulog. Pabigla rin ang pagbangon niya kaya napapikit ulit siya ng makaramdam ng pagkahilo.
     May kirot rin siyang nararamdaman sa ilalim ng puson niya kaya napasapo siya doon at iginala na ang paningin sa paligid.
     She was in the middle of a forest. Pilit niyang inalala ang mga huling pangyayari sa kanya na naging dahilan ng pagkakapadpad niya sa lugar na ito.
     Ang huling naaalala niya ay tumatakbo siya papunta sa talon habang hinahabol ni Shade at ng mga tauhan nito.
     Tapos, sinabihan siya ng kanyang inner wolf na tumalon pababa ng talon. Nakapag-mindlink pa siya kay Shade bago siya tuluyang bumagsak sa tubig. After that, wala na siyang maalala.
     Hindi niya alam kung nasaan na siya at kung paano siya napadpad sa lugar na kinaroroonan niya.
     'Skía, ayos ka lang ba?' subok niyang pagkausap sa kanyang inner wolf.
     Pinakiramdaman niya ito sandali.
     'Ayoko na sa mga talon, C. Next time, tatakbo na lang tayo,' nagrereklamong tugon ni Skía sa kanya. Dinig niya sa tono nito ang pagkapagod at panghihina.
     Nakahinga naman siya ng maluwag dahil ayos lang ito.
     'Ideya mo 'yun kaya magdusa ka,' sikmat niya pa rito ng pabiro.
     Itinukod niya ang mga palad sa lupa para makatayo na. Muli niyang nasapo ang kanyang puson ng may gumuhit na kirot mula sa ilalim niyon.
     'Let's find somewhere safe, C. Hindi ko alam kung saan tayo napadpad this time.'
     Mabagal ang kilos niya dahil pabugso-bugso ang pagkirot ng ilalim na bahagi ng puson niya. Hindi niya alam kung bakit kumikirot iyon.
     Tinahak niya ang pathway na nakita niya habang naglalakad-lakad sa parteng iyon ng kagubatan. So far, wala naman siyang nararamdamang panganib sa paligid kaya ayos pa naman siya at ligtas.
     Habang naglalakad ay unti-unting nagiging pamilyar ang daang tinatahak niya. Hanggang sa makarating siya sa tapat ng pamilyar na bahay sa gitna ng kakahuyan.
     Sandali siyang napatayo sa harapan ng bahay habang iniisip kung kaninong bahay ba ang nasa harapan niya.
     Pero kasabay ng pagkaalala niya ay siya namang pagbukas ng pintuan at niluwa niyon si Elyzer Hayson na kulay orange ang buhok at magkasalubong ang mga kilay na nakatingin sa direksyon niya.
     "Ely," she breathlessly whispered his name before she felt another sharp pain below her navel that drained the last drop of her strenght.
     Dinig pa niya ang gulat at malakas na pagtawag ni Ely sa pangalan niya bago siya tuluyang mawalan ng ulirat dahil sa matinding sakit.

Elyzer Hayson

     Halos liparin niya ang distansiya niya mula kay CC nang makita itong nawalan ng malay sa harap ng bahay niya.
     Kahit nagtataka man kung ano'ng ginagawa nito doon ay pinangko niya ito at dinala sa loob ng bahay niya.
     Nagulat pa nga ang kapatid niyang si Zafra ng makitang buhat-buhat niya si CC na walang malay.
     "Halaka?! Ano'ng nangyari kay CC? Saan galing 'yan at ano'ng ginagawa niya dito?" sunod-sunod na usisa ni Zafra sa kanya ng makasalubong niya ito papasok ng bahay.
     "Maya ka na magtanong, tawag ka muna ng doctor sa bayan, Zaf. Dalian mo!" mando niya sa usiserang kapatid na agad naman nitong sinunod.
     Idiniretso niya si CC sa bakanteng kwarto at inihiga sa kama.
     Her skin was hot.
     Nang salatin niya ang noo nito, nagtaka pa siya kung bakit nilalagnat ito. She's a she-wolf, malakas ang immune system ng mga werewolf kaya nakapagtatakang nilalagnat si CC ngayon.
     Muli siyang lumabas sa kwartong pinagdalhan niya kay CC para puntahan si Zafra.
     "Bihisan mo muna si CC, Z, mataas ang lagnat niya. Sasalubungin ko ang doktor para mapabilis ang pagpunta dito," bilin niya kay Zafra na nakitaan niya ng pagtataka ng sabihin niyang may lagnat si CC.
     Hindi na niya hinintay ang sagot nito at mabilis na siyang umalis para sunduin ang doktor na ipinatawag niya.

Sold to SageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon