Cristina Creed(ShadowStone Pack House)
Bye, bye virgin lips. You will be missed forever,' Skiá chanted in her mind. She's back in her room at the ShadowStone pack house.
Nakahilata lang siya sa kama niya. Hindi rin naman siya makakalabas kasi under room arrest siya. Utos ng abnormal na alpha ng ShadowStone Pack.
'Shut it, Skiá! It's not funny!' sita niya dito. Iniinis talaga siya nito mula pa kahapon, tungkol sa first kiss niyang ninakaw lang ng abnormal na iyon sa kanya.
Hindi siya makapaniwala na hinayaan lang niya iyong makuha nito ng ganoon kadali. Wala man lang pagtutol sa part niya.
'Ikaw naman kasi, CC e, natutulaley ka dahil sa presence ng boylet na 'yon. Yakapin lang ng mga yummy at mamaskels niyang arms ang waist mo, flylaloo na agad and diwa mo,' maarteng turan naman ng wolf niya sa kanya.
Napairap na lang siya sa kawalan. Ang daldal ng inner wolf niya. Ang sarap bigwasan kung pwede lang.
'Bigwasan mo yourself, CC, ikaw kaya ang natutulaley dahil sa yummy abnormal dude na 'yun.' Nakalimutan niya, they share the same mind kaya nababasa nito ang lahat ng naiisip niya.
'Says the malandyutay wolf na walang ginawa kundi keringkingin ang abnormal na 'yun kapag nalalapit sa atin,' sikmat naman niya dito. Muli na naman siyang napairap sa kawalan at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng baby boobies niya.
'Masarap nga kasi magpakulong sa yummy arms niya. 'Di ba nga tulaley ang diwa mo kapag ganun. So, therefore I conclude, you like it as much as I do.' Ayaw talagang paawat na depensa pa nito sa side nito.
'Just shut it, Skiá. I don't wanna talk about it,' she said blocking her from her thoughts again.
Ibinaling na lang niya ang atensyon sa T. V na nasa loob ng kwarto niya. Pagkabalik niya kahapon dito ay nandoon na ang T. V, isang sofa bed, isang coffee table at nang buksan niya ang walk-in closet, may mga damit at underwears na doon na hindi pa nagagamit.
Mukhang ipinalagay ang mga iyon ng abnormal dude habang pabalik sila galing sa lake. And when she said sila, ang kasama niya ay si Zarric na pasipol-sipol pa, kasama ang apat na lalaking kasama rin nito doon sa lake side.
Ang mga ito pala ang itinalagang magbantay sa kanya. Napag-alaman din niya na si Zarric pala ang third-in-command ng abnormal dude. At trabaho nitong tiyakin ang kaligtasan niya.
Hindi niya nagawang komprontahin si abnormal dude dahil bigla na naman itong may importanteng gagawin. Lagi na lang e. Lagi na lang itong nakakaiwas kapag gusto niya itong sigawan at komprontahin dahil sa kalokohang ginagawa nito sa kanya.
Kaya ayun, ang limang tauhan na naman nito ang kasama niya pabalik sa pack house. At napatunayan niyang abnormal rin pala itong si Zarric. Well, given na naman talaga iyon.
She's busy flipping the channels on the T. V ng makarinig siya ng katok sa pinto na sinundan ng pagbukas niyon. Pumasok ang isang babaeng kasing-edad lang yata niya at may dala itong tray ng tanghalian niya.
Ngiting-ngiti ito na tila excited sa kung ano man. Inilapag nito sa mesa doon sa sulok ang tray bago siya niyayang kumain na.
Iinut-inot naman siyang tumayo mula sa kama niya at tinungo na ang kinalalagyan nito. Akala niya aalis na ito kapag nakapwesto na siya para kumain, pero ng tingnan niya ito, nakangiti pa rin ito sa kanya.
May pagkamangha rin na makikita sa kislap ng mga mata nito.
"Ang ganda n'yo po talaga, Luna! Grabe! Bagay na bagay talaga kayo ni Alpha. Yieeee!" Hindi na yata nito napigil ang excitement nito. Nagtititili na ito dahilan ng biglang pagbukas ng pintuan.
Agad na pumasok ang dalawang bantay niya at tiningnan kung may nagbabanta sa kaligtsan niya. Natutop naman ng babae ang bibig nito at nag-peace sign sa dalawang lalaki.
Nang makitang wala namang problema, lumabas rin naman ang dalawa bago bahagyang yumukod bilang paggalang sa kanya.
Binalingan niya ng tingin ang babae at namumula ang pisngi nito dala marahil ng hiya.
"What's your name?" tanong na lang niya dito. Wala yata itong balak na iwan siya para kumain mag-isa, so better yet, makipagkwentuhan na lang siya dito. Kesa naman mapanis ang laway niya kakatunganga sa T. V.
"Ako po si Cordelia, Luna. Anak po ako ni Merida, at ako ang magiging personal niyong kasama," pagpapakilala naman nito sa kanya.
So, ito pala ang Cordelia na nabanggit ng abnormal kahapon ng nasa clinic sila.
Sinimulan na niya ang pagkain. Iniwan muna siya nito sandali para ayusin ang nagulong kama niya.
"Sabi po ni Alpha, pwede po kayong maglibot sa pack house, pero dapat po kasama ako at ang dalawa niyong bantay," pagpapaalam nito sa kanya habang inaayos ang pagkakalagay ng mga unan.
Napaismid siya. Maglilibot lang sa pack house, may dalawang bantay at alalay pa siya. Ano siya, imbalido at preso na may ganoong pakulo pa si abnormal?
"Isn't he sweet, Luna? Halatang ayaw niya kayong mawala sa piling niya. Nakakakilig kayo!" tila nangangarap na turan nito.
Nang lingunin niya ito, nakita niyang malawak ang pagkakangiti nito habang nakatingin sa kawalan.
"Sweet my ass! He's an abnormal jerk!" salungat niya sa tinuran nito. "Sino ba namang matinong lalaki ang papayag na ibigay ang parte ng lupa niya kapalit ng babaeng magiging luna daw niya?" dugtong pa niya.
Nanlalaki ang mga mata na napatingin sa gawi niya si Cordelia. Hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi niya tungkol sa alpha nito.
"Luna naman e!" ingos nito. "Ang bait kaya ni Alpha. Gwapo pa, at matapang, at magaling lumaban at mabuting alpha."
Napairap na naman siya sa kawalan. Palagi na lang siyang napapairap sa kawalan.
"Abnormal 'yang alpha n'yo. Baliw at manyak pa." Tinapos na niya ang pagkain niya. Masarap iyong ulam niya, ginisang ampalaya, paborito niya, kasing pait kasi niyon ang nararamdaman niya ngayon dahil sa kalokohan ng kapatid niya.
Ano ba ang nakita nito kay Shade Sage at ipinaubaya siya nito sa isa pang abnormal na alpha? Kailan kaya matatapos ang nakakabaliw niyang kapalaran? Humanda talaga ang Tan na iyan sa ganti niya.
BINABASA MO ANG
Sold to Sage
WerewolfMATURED CONTENTS😇😇😇 STONEPACK SERIES Ang pinakaayaw ni CC ay ang mga abnormal na mga nilalang. Tulad na lang ng nakatatanda niyang kapatid na si Tanathos. Ang makasariling Alpha ng SavageStone na nagbenta sa kanya sa isa pang abnormal n...