Cristina Creed(ShadowStone Pack House)
Akala siguro ng abnormal na alphang iyun hahayaan niyang makasama niya ito sa iisang kwarto ha? Never!
'Over my dead and sexy body!' sabi niya sa sarili.
Kasalukuyan siyang nasa isa sa mga guest room ng packhouse nito. Pagkatapos ng drama niya kanina sa clinic kung saan yakap-yakap siya ni Shade, inihatid na siya nito sa kwarto nito.
Iniwan siya nito doon para magpahinga. He was off to do some pack stuffs. As if naman she cares. Pagkaalis nito, lumabas siya agad sa kwartong iyon at naghanap ng bakanteng kwarto.
Nakahanap naman siya. There's a door which she's sure is for the bathroom, and a walk-in closet on the left side of the room. The beddings were all white, while the walls and the floorings were made of hard wood.
Walang ibang gamit sa loob ng kwarto maliban sa kama, dalawang drawer sa magkabilang side ng kama, isang silya at maliit na mesa na nakalagay sa isang sulok ng kwarto.
May malaking bintana naman sa right side ng kwarto. Nakabukas iyon at kita niya ang itaas na part ng mga punong-kahoy.
Maulap ang langit kaya hindi niya sigurado kung anong oras na. Binaling niya ang tingin sa bedside table in hope na makakita ng orasan para malaman niya ang oras.
She found one, and it's already nearly twelve noon. Tanghali na pala pero wala pa siyang kain mula pa kagabi. As if on cue, biglang tumunog ang tiyan niya.
Nagugutom na siya. Kailangan na niyang maghanap ng makakain. Bwesit naman kasi ang lalaking iyon, hindi man lang naalalang pakainin siya.
She huffed and headed to the door. Pagbukas niya ng pintuan, nabungaran niya ang isang may-edad na babaeng may dalang tray. Tiyak na pagkain iyon, naaamoy kasi niya ang mabangong amoy ng kare-kare at bagoong.
Mas lalo siyang nagutom habang naaamoy niya iyon.
Gulat na napatingin sa kanya ang babae, dadaan lang sana ito sa kwartong kinaroroonan niya.
"Bakit nandito ka sa guest room, hija?" takang-tanong pa nito sa kanya. "Iniwan ka ni Shade sa kwarto niya, hindi ba?" dagdag-tanong pa nito.
"As if naman papayag akong makasama sa iisang room ang abnormal na 'yon," pabulong na saad naman niya pero dinig pa rin naman ng may-edad na babae.
Natawa na lang ito ng mahina at humarap sa kanya. Yeah, right! Werewolf hearing!
"Kung ganoon ay dito ko na lang ihahain ang tanghalian mo," nakangiting pahayag nito at pumasok sa kwarto. Inilapag nito ang tray sa maliit na mesa at inayos ang pananghalian niya doon.
Sumunod naman siya dito at naupo siya sa silyang naroon.
"Iiwan na muna kita para makakain ka. Babalikan ko na lang ito para ligpitin. Ipapadala ko din dito ang mga damit na pwede mong gamitin muna. Sana lang magkasya ang mga iyon sa 'yo, hija," nakangiti nitong turan nito sa kanya habang inaayos ang tanghalian niya.
Bigla niyang na-miss ang Nana Menyara niya. Kasing-edad lang yata ito ng babaeng kaharap niya ngayon.
"Salamat po sa pagkain," pasasalamat niya dito ng matapos na ito sa pag-aayos ng mesa.
"Walang anuman, Luna," tugon naman nito. "Ako nga pala si Merida, tawagin mo na lang akong, Nana Ida. Ako ang nag-alaga kay Shade mula pa ng bata ito," pagpapakilala naman nito sa sarili.
A soft smile was etched on the older woman's face. She felt so welcome dahil sa ngiting iyon. Magaan ang loob niya sa babae, marahil dala na rin sa maaliwalas ang aura nito.
"Artemisia Cristina Creed po ang buong pangalan ko, pero CC po ang tawag sa 'kin ng mga close friends at kuya ko," nakangiti rin niyang pakilala dito.
"Ke ganda mong bata, CC," puri naman ng matanda habang tinititigan siya nito
Naramdaman niyang nag-init ang mga pisngi niya dahil sa sinabi ng babae. Matagal na niyang alam na maganda siya and she always heard compliments about her beauty kaya sanay na siya.
But hearing it from her, bigla siyang nahiya. Ang genuine kasi ng pagkakasabi nito e, walang himig na pambobola. Iyun bang, sinabi niya iyon hindi para purihin lang siya pero dahil iyon talaga ang totoo.
"O siya, maiwan na muna kita. Kumain kang mabuti ha?" paalam na nito sa kanya at naglakad na ito palabas ng kwarto.
Ng maisara na nito ang pintuan, saka lang siya nagsimulang kumain. She needs to refill her drained energy 'cause she will try to escape.
BINABASA MO ANG
Sold to Sage
WerewolfMATURED CONTENTS😇😇😇 STONEPACK SERIES Ang pinakaayaw ni CC ay ang mga abnormal na mga nilalang. Tulad na lang ng nakatatanda niyang kapatid na si Tanathos. Ang makasariling Alpha ng SavageStone na nagbenta sa kanya sa isa pang abnormal n...