Eighteen: Nothing

2.1K 95 22
                                    

Cristina Creed(near the Southern Border)

     CC watched the pups as they happily run along the riverside.
     Sumama siya sa mga mated female ng pack na mag-picnic sa tabing-ilog, hindi kalayuan sa pack grounds kung nasaan ang mga bahay ng mga member.
     Kasama niya ang dalawang bantay niya at si Cordelia na nalibang na sa pamimingwit kasama ng ibang mga bata.
     Nakaupo lang siya sa lilim ng isang punong-kahoy samantalang masaya naman ang lahat na nagtatampisaw sa ilog.
     Sumama lang naman siya dito para makaiwas kay Shade.
     When she woke up this morning, isang mahalay na Shade na naman ang bumungad sa kanya. He was all over her again na parang walang nangyaring awkward moments sa pagitan nila noong bumisita ang mga DeQuia.
     Nilalambing nito ang baby boobies niya, at kahit ayaw niya dahil medyo inis siya dito, hindi niya mapigilang tumugon ang malantod niyang katawan.
     Kung hindi na naman dahil kay Zarric, baka hindi siya nakawala sa lust spell na lumukob sa kanya kanina.
     Dala nito ang isa na namang masamang balita.
     Another dead rogue was found near the eastern border. Pangalawa na iyon. Nakakapagtaka na. At nakakabahala.
     At gusto nang malaman ni Shade kung ano ang nangyayari at palaging may patay na rogue malapit sa border nila.
     Sa paniwala ni Shade, hindi na random ang pagkakaiwan ng bangkay sa eastern border. Someone wants to send them a message. Kung ano man iyon, iyon ang aalamin nina Shade.
     Napabuntong-hininga na lang siya at ibinaling ang tingin sa gawi ng kakahuyan. Bigla siyang napatuwid ng upo nang may mapansin siyang kakaiba sa bahaging iyon ng kagubatan.
     It seems like someone is staring at her from that part of the forest.
     Pinaningkit niya ang mga mata para mas maaninag pa kung may tao nga ba doon. Nakita niyang may gumalaw na anino doon kaya natiyak niya na may tao o kung ano man doon.
     Binalingan muna niya ang mga bantay niya para alamin kung nakatingin ba ang mga ito sa kanya.
     Nang makitang kinukulit ang mga ito ng iilang bata at wala na sa kanya ang atensiyon ng mga ito, ay tumayo siya at pasimpleng lumayo sa kinauupuan niya.
     Tinungo niya ang direksiyon kung saan may nakita siyang anino.
     She knew it's stupidity pero, may kung anong humihila sa kanya papunta sa lugar na iyon.
     Even Skiá didn't stop her which isn't normal dahil isang malaking 'nega' ang inner wolf niyang iyon.
     Walang nakapansin sa kanya hanggang sa umabot siya doon at may marinig na boses na tinatawag ang pangalan niya.
     The voice seemed so familiar. Boses iyon ng isang lalaki. Tinatawag siya.
     Isang huling lingon ang ginawa niya sa kanyang pinanggalingan bago siya humarap sa kakahuyan at hinayaan ang mga paang humakbang papasok sa kagubatan.
     Tila may sariling isipan ang kanyang mga paa habang naglalakad sa loob ng kagubatan.
     Ang liwanag ng araw na sumisilip sa mga siwang ng dahon ang tanging liwanag sa loob ng kagubatang iyon.
     After almost, twenty minutes of walking, she reached a cliff.
     May narinig siyang lagaslas ng tubig kaya sinundan niya iyon. Ito marahil ang dulo ng ilog na pinag-picnic-an ng mga kasama niya.
     Isang falls ang nakita niya nang tuluyan siyang makalapit sa dulo ng ilog. Sa paanaan ng talon ay matatagpuan ang malinaw, malawak at malalim na ilog(A/N: Hindi ko alam ang tawag sa binabagsakan ng tubig galing sa falls e. Hehe).
     At umaagos naman ang tubig na galing sa ilog, sa isang makipot na daluyan ng tubig patungo sa malawak na pataniman ng prutas at gulay.
     And oddly, sa gitna ng malawak na ilog sa paanan ng talon, may malapad at pabilog na puting stone table doon.
     Gamit ang wolf's eyesight niya, nakikita niya ang mga markings na hindi niya maintindihan sa gilid ng stone table.
     Pero pamilyar sa kanya ang mga stone markings doon. Gaya rin ang mga iyon sa markings na nasa bowl na ginamit noong Luna Ceremony niya.
     Napalingon siya sa dinaanan niya nang makarinig ng kaluskos mula doon.
     Pinakiramdaman niya ang paligid kung may tao ba, pero wala siyang maramdamang ibang presensiya.
     Nang ibalik niya ang tingin sa stone table ay napaatras siya sa gulat nang makitang puno ng dugo ang ibabaw ng stone table.
     She was about to mind link Shade when she felt something hard hit her at the back of her head.
     Dahil sa kawalan ng balanse at pagkagulat sa nangyari, isama na ring nasa gilid pa siya ng cliff, nabuwal siya pababa, at babagsak siya sa tubig.
     Last thing she recall was the erratic beating of her heart and her mind calling out for Shade.
     *Shade...

Sold to SageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon