Nineteen: Decision

1.2K 51 3
                                    

Cristina Creed(ShadowStone Pack House)

     Simula nang magising siya, hindi na napakali ang inner wolf niya.
     Panay angil na si Skía na ikinaiirita na rin niya. Sabayan pa ni Shade na wala na yatang balak na tantanan ang kakasunod nito sa kanya kahit saan man siya magpunta.
     Mula nang magising siya kahapon, mas naging clingy na sa kanya si Shade. Iyong tipong, mawala lang siya sandali sa paningin nito, mag-uutos na agad ito na ipahanap siya sa mga tauhan nito.
     Uso naman ang mindlink sa kanila, pero mukhang nakakalimutan nito ang bagay na iyon kapag siya ang pinag-uusapan.
     Mabuti na lang at naging abala na ito sa pagpapahanap sa nag-iiwan ng bangkay sa pack boarder. Nagkaroon siya ng panandaliang katahimikan at walang nakabuntot na abnormal na alpha.
     Iyon nga lang, apat na pack warrior na ang nakasunod sa kanya, habang si Cordelia naman ay naging very attentive sa lahat ng ginagawa o sinasabi niya.
     Tahimik lang naman ang apat na pack warrior kaya hindi na lang niya pinapansin pa ang mga ito.
     Kasalukuyan lang siyang nakaupo sa ilalim ng puno ng santol. Si Cordelia naman ay nasa kusina at pinaghanda siya ng meryenda.
     It's two in the afternoon kaya tahimik pa ang backyard.
     Naiisip niya ang napanaginipan niya. Nakakaramdam siya ng takot dahil sa panaginip niyang iyon. It seemed so real. May pakiramdam siyang totoong nangyari ang nasa panaginip niya.
     The guy in her dreams looked so much like Shade but yet different from her Shade. And his mate had the same name as her. And also, he killed his mate because of the MoonGoddess?
     The anger in his eyes towards her is almost tangible. She can almost feel it. Hindi nga ba't, ramdam na ramdam niya ang sakit ng dukutin nito ang puso niya kahit sa panaginip lang iyon?
     That's what she feared more.
     Panaginip pa lang iyon pero totoong-totoo na ang sakit na naramdaman niya. Paano pa kaya kung magkatotoo na iyon?
     'We need to leave, C,' mahinang bulong ni Skía sa isipan niya.
     Napatuwid siya ng upo sa narinig mula sa inner wolf niya.
     'What?!' takang-tanong niya dito.
     Hindi makapaniwalang, ito pa ang magsasabi ng ganoon sa kanya. Hindi ba't ito na rin ang nagsabing bigyan nila ng chance si Shade noon?
     'He's coming for you, C. We need to get away from here as far as we can. Hindi sila dapat magpang-abot ni Shade. Hindi pa dapat. Hindi pa sa ngayon.'
     Iiling-iling na napasapo siya sa kanyang ulo dahil sa sinabi ni Skía. Agad naman siyang dinaluhan ng nag-aalalang si Rique.
     "Luna, ano pong nararamdaman niyo?" nag-aalalang tanong ni Rique na napalapit sa kanya.
     "I'm okay, just a headache. Magpapahinga na lang muna ako sa kwarto," sabi na lang niya kay Rique.
     Inalalayan siya nitong makatayo at inihatid sa kanyang kwarto. Two pack warriors were guarding outside her room.
     ''Wag kang magbiro nang ganyan, Skía, hindi nakakatuwa,' sita niya agad sa inner wolf nang mag-isa na lang siya sa kwarto niya.
     Kunot ang noo niya habang hinihintay ang tugon ni Skía.
     'We need to leave, C. Who knows what will happen kapag nagpang-abot silang dalawa dito? Hindi ka pwedeng maipit sa away nilang dalawa,' pangungumbinsi pa ni Skía sa kanya.
     'Sino, Skí? Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Skía? Please, elaborate,' naguguluhan at naiinis na niyang sikmat kay Skía.
     Ilang sandali munang nawalan ng imik si Skía. Seems like she's contemplating about something. She was pacing back and forth kagaya rin ng inner wolf niya sa loob ng kanyang isipan.
     'Babawiin ni Umbra Sage ang buhay na ibinigay sa 'yo ng MoonGoddess, C. Ang buhay na sapilitang kinuha sa mate niya noon para sa 'yo,' turan ni Skía.
     Umbra Sage? Ang ninuno ng mga Sage? She thought to herself.
     If she remembers it correctly, dito ipinangalan ang Umbral Moon ng ShadowStone Pack. At kung tama ang naiisip niya, ilang henerasyon na ang nakakaraan ng mabuhay si Umbra Sage.
     'They died a long time ago, Skí. Ano'ng kinalaman ng buhay ko sa buhay ng mate ni Umbra Sage?' naguguluhang tanong niya sa kanyang inner wolf na nagmistulang historian kasi pati history ng mga Sage, alam yata nito.
     'Because you are my human, C. I was once the inner wolf of Umbra Sage's dead mate. I was Cristina Isobel's inner wolf before she died right after her mate killed her,' Skía declared.
     Hindi makapaniwalang napahinto siya sa paglalakad-lakad at nanghihinang napaupo sa sahig.
     'Is that even possible, Skí? How could that happen?' hindi makapaniwalang tanong niya dito.
     So, that means, her inner wolf is not really her inner wolf? Lumalabas na inagaw niya lang ito mula sa mate ni Umbra Sage.
     'Everthing is possible para sa MoonGoddess, C. May dahilan siya sa mga nangyayari at wala kang kasalanan dun.'
     That thought still didn't comfort her. Muling umahon sa dibdib niya ang takot na naramdaman niya sa kanyang panaginip.
     'We need to leave for now, C. And we must hurry. I assure you na walang mangyayaring masama sa 'yo kahit malayo ka kay Shade. Iyon ang pinakamagandang gawin sa ngayon, C,' pangungunbinsi pa sa kanya ni Skía.
     'Panu si Shade? Mag-aalala at magagalit 'yon kapag umalis tayo ng walang paalam.' She was hoping to change her inner wolf's mind about leaving the pack.
     'He will, C. Pero mahahanap rin naman niya tayo, at maiintindihan niya kung bakit tayo umalis, sa takdang panahon.'
     Napapikit siya. Isipin pa lang na iiwan niya si Shade at ang pack, matinding lungkot na ang nararamdaman niya.
     If this happened earlier, baka tuwang-tuwa na siya na makakaalis na siya sa poder ni Shade. Pero ngayon, parang ayaw na niyang umalis. It seems like she became dependent on Shade sa halos ilang linggong pananatili niya sa pack nito.
     Idagdag pang mated and marked na sila sa isa't-isa, kaya mas mahirap umalis.
     Habang nakapikit siya, may kung anong eksena ang gumuhit sa balintataw niya. Hindi niya kinayang panoorin iyon kaya nagmulat siya ng mga mata at impit na lang na naiyak.
     'Iyan ang mangyayari kapag nagpang-abot si Umbra at Shade na nandito ka pa, C. It won't end will for the both of you. Ang pag-alis mo ay assurance na walang mamamatay na kahit sino,' muling pagkumbinsi sa kanya ni Skía.
     She had to make a choice.
     Pinahid niya ang mga luhang kanina pa pala bumabasa sa mga pisngi niya at napatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.
     She'll do what is best for her alpha's pack.
     But first, she'll make her last days with him memorable.

Sold to SageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon