Chapter 1

6K 71 5
                                    

Temptation Temple
SPG (minors are strictly warned of sexual content)
RBP

Prologue

LIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay.

KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kaniya na napupuno ng misteryo at kagitingan.

Ano bang meron sa templo? Bakit ba ginusto ni Lienel pumunta dito. Anong ginagawa ni Kaiser sa templo? At ano SIYA.

Chapter 1

Lienel Teodora's Point of View

Merong templo dito sa isla namin, sa gitna ng dagat. Simula pagkabata ko, may mga kwento ng kumakalat tungkol sa templo.

Una, 'pag pumasok ka raw diyan may makikita kang lalaki. Lalaki na sobrang gwapo 'raw' behind your imagination. Ibibigay niya raw ang pinakahihiling mo sa buhay. Alam niya raw kung ano ang pinakagusto mo sa buhay. Nawalan ako ng asawa't mga anak. Natural, gusto kong ibalik niya ang pamilya ko. Kaya, naaalala ko ang kwentong ito dito sa probinsiya namin. Susubukan ko nga. Kung totoo ba.

Pangalawa, hindi ka na makakalabas sa templo. Wala raw pumunta roon na nakabalik pa. Maraming nagsabi, ginusto nila ang hindi pagbalik dahil nasunod raw nito ang gusto nila. Marami ring nagsabi na tinangay daw sila ng malakas na alon ng sinubukan nilang lumabas.

Kaya okay lang.  Gusto ko rin naman lang mamatay. Kahit ano sa dalawa... will benefit me. Hindi ko kayang patayin ang sarili ko kaya...

Sana ng bagyong 'yun sinama niya na ako sa asawa't anak ko... Anong ginawa niya?... Tinira niya pa ako?

* tawag*

May signal pa pala sa gitna ng dagat. Tinapon ko na lang ang cellphone ko sa dagat. Kuya ko 'yung tumawag.

Malapit na ako sa templo. May taong anino na nag-aabang sa pangpang ng templo. Parang nakapamulsa siya. Pinilit kong ngumiti. Sige nga, anong pinakahiling ko.

Paglapit ng bangka ko sa pangpang, naaninag ko na ang inaakala kong lalaki sa templo. Matangkad siya at ang mukha niya habang sinusulong ang dagat palapit...

Hindi siya tagarito. Mataas ang ilong at may kurba ang labi niya.  Ang mata niya eh malungkot pero nakangiti siya. Nang hawakan niya ang bangka ko para itulak, nakita ko kung gaano siya kalakas. Oh, nakapikit pala ang isang mata niya. Pagdating namin sa pangpang, tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko na nasa bag sa likod ko.

Inabot niya ang kamay niya para alalayan ako pababa at tinanggap ko naman ito. Hindi ko siya nginitian sa kabila ng welcome niya sa akin. May nakakatakot sa kaniya...

Moreno siya pero parang maputi siya dati. Nahahawakan ko siya so, hindi siya kwento lang. Pero dapat matanda na siya kasi bata pa ako ng narinig ko ang kwento. Pero kalabaliktaran. Mukhang middle age man siya. For short... kaedad ko lang.

Napapikit ako sa isang malakas na hangin na may dalang buhangin ng dagat. Pagdilat ko, nasa loob na ako ng templo. Nagulat ako kaya napabitaw ako sa kaniya at natumba.

"Alam ko ang gusto mo." Aniya.

Ang gusto ko? Nawalan ako ng pamilya. Ang pinaghirapan ko sa buhay. Ang lahat-lahat sa'kin nawala.

"Pwede tayong gumawa ng bago." Aniya.

Bago? Anong ibig niyang sabihin?

"Masaya ako dahil may bago akong kasama." Aniya.

"Salamat sa pag-alay ng buhay mo sa'kin."

T-tama...

Alam ko ang mangyayari sa'kin nu'ng simulan kong mamangka papunta dito. Buo ang loob ko. Tumayo ako at napatingin sa ngiti niya.

Temptation Temple (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon