8.7

166 7 0
                                    


Immortality Research Lab

Empress Curse's Point of View

"Ganda ng Goddess no?" Comment ni Nice sa nakita namin kahapon, sa malamig na mundo ng Naria. God was also there. Tinayuan nga ako ng balahibo.

"Natural... magugustuhan ba ng Diyos 'yun kung hindi?! Puwede mo ring isiping siya ang pinakamagandang babae sa templo..." tugon ko.

"Alam mo? Parang nagkita na kami somewhere ng Goddess. I tend to like all beautiful things," she says with a smile. Napatingin tuloy ako.

"Nagkita kayo dati... ng hindi pa siya Goddess. Nakalimutan mo lang..."

"Talaga?!" Napatayo pa siya.

Dapat nga lalapitan natin ang Goddess. But the security is too tight. They have magic sensors and all the sensors na makikita mo sa lahat ng mundong ginawa ng templo—ng Diyos.

Pero may great catch ako.

"Ipasok niyo na 'yan..." sabi ko ng pamaldita.

Ipinasok nila ang lalaking magsasalba kay Nice. Baka kailanganin ko ng hostage? Anyway, I like to do it this way. I know I'm bad. Sorry...

"Hmmm!" Piglas ng lalaki habang hawak siya ng mga zombie ko.

"Mapapahamak tayo sa ginawa mo, Curse. I'm sure of it," sabi ni Nice na nakangiti pa rin. Pero pinagpapawisan na. "Kuya 'yan ng Goddess eh..."

Paano namin siya nakuha?

I was spying the parade the whole time. Syempre ng umalis siya sa parade ng may onting alagad lang, chance na 'yon. May iba pa ngang immortal ang nagtangka. Parang mga ninja. Pero wala silang laban sa Gigantor ko. He's immortal beyond our immortality. And he's strength and speed, dinaig pa si Superman. Well, I exag. a bit.

"Ibalik na natin 'yan? Puwede?..."

"No! After every mess that it did with my collections?! No way?!"

"Kaya naman nasira ang iba mong zombie kasi, umatake ka?" Sagot niya pa ng nakangiwi.

"Nice, pati character mo nakalimutan mo na. You don't usually talk balk and voice out your opinion."

"Ha- ha- hahaha?! Really?!"

"Tch. Isa pa, I'm doing it to revive you."

"No, you're doing this, to complete your resurrection spell."

"Whatever. Kalagan 'yan," utos ko.

"You're letting him free?"

"No, Nice. I will just ask something."

"A- anong ginagawa niyo?! Wala akong atraso sa inyo?! I'm the Goddess' elder brother, you can't treat me this way?!"

"Alam namin, for God's sake. Tanga naman nito? Kaya ka nga kinidnap kasi kapatid ka ng Goddess. Bobo. Mag-isip ka nga?!" Sumbat ko at nakita ko lang siyang napapilig.

"W-what's your intention? Gold? Money? Just send the message, they will give it to you."

"I like you. You're good to be one of my new collection," sabi ko.

I'm urging... I want him... I want him dead.

Kaya nag-summon ako agad ng kutsilyo sa kamay ko at sinugod siya diretso at sinaksak sa puso. Narinig kong napasigaw si Nice. Habang siya, nanlalaki ang mata hawak ang kamay ko. Pinipigilan niya ang pagsuka niya ng dugo.

"Let it out."

Umiling siya sa utos ko.

"Curse! Anong ginawa mo?! Or you—no! Other Curse?!"

"This is good, Nice. This is working according to plan."

*cough of blood*

"Welcome to our world."

This way, the Goddess will be on our side. To resurrect you and his beloved brother, she will do anything in her power.

Pagtanggal ko sa pagkakasaksak ko sa kaniya, bumulagta siya agad sa sahig.

"O my God! Sorry!" Rinig kong panaghoy ni Nice habang sinusubukang kargahin ang lalaki.

"Don't be. He'll be in his foot again sooner. Buti nga siya, may eternal life. Eh ang Goddess? Still human?"

"Shut up!" Nagulat ako sa sigaw ni Nice at napatingin pa siya sa akin na galit na galit. "Ikaw ata ang nakakalimot..."tuloy niya. "I told you, to don't kill anymore?! Aren't I? Aren't I, Empress Curse?!"

Nawala na ang ngiti ko and so my urge for bloodlust too. Late ko na nga lang na-realize.

"Akala ko, we're doing this for me... but... pero... parang dahil sa pride mo lang ata ang lahat..." 

Temptation Temple (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon