Queen of The Frozen Throne, Goddess of The Temple, Lienel Teodora's Point of View
Ang saya namin ni Lust ay napalitan ng kaba at pangamba nang may biglang bumagsak na kung anong lalaking naka-itim sa harapan namin.
Napatingala ako sa pinanggalingan.
Mart! Si Mart 'yun! Anong ginagawa niya dito!?
"Assassin..." Bulong ni Lust at pumorma ng parang tumatae nang nakatayo.
A-assassin!?
"H-hindi ako maka-teleport. Let's go." Hinawakan niya lalo ang kamay ko ng mahigpit. "Tatakbo tayo, Lienel..."
"H-huh!? P-paanong hindi ka m-maka-teleport? P-paanong may assassin dito? H-hindi pa ako kilala sa mundong 'to!?" Sunod-sunod kong tanong habang kinakabahan.
H-hindi kaya ako ang target nila, no? Then let's ignore them-
"U-ugh!" Sigaw ko ng hilain ako ni Lust para tumakbo. "Teka lang, Lust! Hindi naman a-ako ang t-target nila eh!" Sigaw ko pa habang tumatakbo.
Napalinga ako sa mga bubong na nagyeyelo. Nakikita ko na ng labanan nila.
Pandandalian silang napahinto at may sinasabi.
"Lust, mamatay ka na. 'Wag lang ang Goddess! Do you understand me?" Sigaw ni Mart na galit na galit.
Hindi na lang 'yun pinansin ni Lust. Seryoso kami sa pagtakbo.
Dumaan pa kami sa mataong lugar at tinutulak na ni Lust ang mga tao patabi.
Bigla na lang nag-iiba ang suot ko sa hindi ko alam na dahilan, sa gitna ng mga taong ito.
Binitawan ako bigla ni Lust at sa hindi ko makuhang dahilan, may iba na siyang kahawakan ng kamay na tumatakbo kasama niya! P-parehas kami ng damit!
H-hindi siya 'yan, Lust! Nagkakamali ka ng dinala! N-naiwan ako dito! Huy, Lust!
Kakaway pa sana ako. Pero, nakita ko na ang mga assassin na naghahabol. Dalawa na lang sila. Hinahabol nila 'yung pekeng ako at si Lust.
I...
I got it.
Ibinaba ko na ang kamay ko at sumama sa crowd na naglalakad pabalik sa main street ata ng lugar.
Sumama ako sa crowd hanggang sa harangin kami ng mga kawal.
"Hindi kayo pwede pumasok ngayon dito! Sabi ni Captain Froze, Guardian of the Frozen Throne! May nangyayaring gulo ngayon dito! Mapapahamak kayo!" Sabi ng isang kawal na may peklat sa mukha.
"Huy... Sabi raw ni Captain Froze..." Usapan ng mga taong nahaharangan.
Tumugon naman ang katabi nitong nasa harapan ko.
"Ibig-sabihin, may monster attack nanaman sa syudad?"
"Oo nga..."
"Siguro nga..."
Bulung-bulungan pa nila.
Mukhang sikat si Froze ah?
"Pero paano ang koronasyon ng bagong pinuno ng buong mundo! Ngayon pa ba nangyayari 'yan!" Sigaw ng isa pang lalaki mula sa likuran. Napalingon naman ako sa lalaking ito.
"Oo nga..."
"Paano na nga?..."
"Gusto kong makita ang bagong reyna..."
"Maganda siguro 'yun..."
"I heard, asawa pa s'ya ng Diyos!"
"Asawa nga. Pero hindi ba may rumors na wala s'yang kapangyarihan?" Sabi ng isang babaeng naka-hood na pula. Nandilat ako ng nakita ko ang mukha niya ng side view.
E-Envy!
Nasa harapan ko s'ya. Mga apat na tao lang ang namamagitan sa'min!
Napaatras ako at halos manghina ang mga tuhod ko.
"A-ano ba! Lasing ka ba!? Maaga pa para sa selebrasyon!" Sigaw ng lalaking sumalo sa akin.
I-
I...
I have to run.
"W-walang kapangyarihan?" Usapan ng mga tao.
"P-paano na 'yan?"
"Hindi, nasa staff ang kapangyarihan!"
"Oo nga! Kapag nahawakan na niya ang staff, magkakaroon siya ng sobrang lakas na kapangyarihan!"
"Oo nga!"
"Oo nga, may staff pala!"
"Ibibigay 'yun sa kan'ya ng mga sugo mula sa iba't-ibang mundo! Naaalala niyo ang nakatala sa Nakatakda, na akda ni Alwin Reeze Mcford?"
Nakatakda by, Alwin Reeze Mcford? Is he some famous writer?
"Hindi na ako makapaghintay, makita ang bangkay ng babaeng 'yun... I swear. How dare she, to insult our God. Hindi ko makalimutan ang makapal na pagmumukha ng babaeng 'yun. I want it cold at hindi na humihinga..." Sabi lang ni Envy sa gitna ng bulung-bulungan ng mga tao.
"Anong pinagsasabi mo, babae? Baliw ka ba?" Sabi ata ng lalaking katabi ni Envy na naguguluhan sa sinabi niya.
"Hindi ako baliw. I predicted a death of someone sitting in a very high position of this world. Very very high..." Envy retorted.
Napailing na lang ang lalaki.
A-ano pang ginagawa ko dito?
"Miss, okay ka lang?" Sabi ng lalaking umikot pa para tingnan ako.
Nakita niya ang mukha ko at napangiti ng tila matamis. Hinarangan niya si Envy! Hindi ko na s'ya makita!
*lindol*
Napasigaw ang lahat sa isang lindol at napayakap lang sa'kin ang binatang lalaki na sumalo sa'kin.
Napatingala ako ng makita ko si Froze na nakatayo sa tumatayong tore ng yelo. May hawak siyang assassin sa leeg at unti-unti na itong nagyeyelo. May nakatuhog ring patusok na yelo sa bungo ng lalaking hawak niya.
Habang umaakyat ang yelong tore, may tatlo pang assassin ang nakatuhog sa katawan ng tore. Nakasabit sila na tila eh, wala ng malay.
Napangiti ako d'un!
Tinabig ko ang lalaking nakayakap sa'kin at maangas na tiningnan si Envy.
Pervert 'yun ah!
BINABASA MO ANG
Temptation Temple (Tagalog) (Completed)
FantasiaLIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay. KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kani...