Medyo parang tatangayin na rin ako.
"Maximum Pain: Hakso!" Sigaw ko.
Napapahiyaw ako sa sobrang sakit na 'pag dampi ng mga hangin na galling kay Lander. Mula sa likuran ni Lander, lumabas si Mart.
Ang sarap ng aura ni Lander. Ramdam na ramdam ko ang sakit.
Kumaway naman ako agad kay Mart.
"Hehehe..." tawa ko.
"Fuck... the pain addict," asar na asar na sabi ni Mart. Natutuwa ako na may nasasaktan sa mga ginagawa ko.
Dapat sa buong kalawakan, nakakaranas ng sakit! Ipalaganap ang sakit sa buong kaharian ni Goddess, Lienel!
Huminto na lang ang hangin sa paligid ni King Lander. Sinamantala ko naman at trinay na makapag-land ng isang suntok. 'Pag sapak ko sa kaliwa, sinalo lang ng kanan niya ang kamao ko. Ganu'n din ang ginawa niya sa kabilang kamay ko na sumuntok rin.
"Absolute Spell: Pain Reliever," sabi ni King Lander.
A-absolute Spell? M-matagal mawala ang effect n'un...
Bigla na lang parang namanhid ang buo kong katawan.
May ispada na lang si Mart na itinuhog sa bandang tagiliran ko. Gusto ko sanang ngumiti sa sakit pero wala akong maramdaman. Naluha na lang ako bigla...
"A-anong ginawa mo sa 'kin?..." nauutal ko nang banggit.
"Pain reliever. Wala kang mararamdamang sakit. Unless, si Goddess Lienel ang mananakit sayo. Go and serve her. Beg her to give you the pain that you want," sabi ni Lander at nagugulat din si Mart sa ginawa ni Lander.
"H-hindi na ba made-deactivate ang spell, Lander?" Sabi ni Mart. "I can't let him be around with Goddess! Did you realize kung ano ang kayang gawin niyan? Walang utak 'yang—" naudlot si Mart sa sinasabi at parang nagugustuhan ko na ituloy niya ang sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Temptation Temple (Tagalog) (Completed)
FantasyLIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay. KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kani...