Okay na ako.
Umupo ako sa kamang hinigaan ko. Medyo OA ata ang sakit ko ngayon ah. Siguro dahil malamig ang panahon.
May mga naririnig pa akong pag-inda ng sakit.
Naglakad pa ako para tingnan ang iba pang nasakuna.
"Ilan ang cassualty?" Sabi ko sa sumusunod na Mart sa likuran ko.
"Luckily, walang namatay. 21 ang sugatan at ilang damage of property." Mart reported.
Napahinto ako at napalingon sa kanya bigla.
"How are you?" Sabi ko habang nakatingin sa putol n'yang kamay.
"Not okay. Managing..."
"Mababalik pa ang kamay mo, no?"
"Possible. If God let it."
The portal is closed...
Anong gagawin natin.
Empress Envy's Point of View
Sinara na ng mga kawal ang pinto ng guest room na tinutuluyan ko.
*lunok*
Napaupo ako sa kama.
Pwede kaya akong lumabas? Pero, rinig ko ang mga kawal na nag-uusap sa labas.
Hindi naman pala masama si Goddess...
Ano ba 'tong iniisip ko.
I shook my head repeatedly.
No, hindi sila bagay ni Kaiser.
Anong ginagawa ko dito? I want to watch. And so what? May reklamo kayo?
Sa dinami-dami ng coincidence na pwedeng makita si Lienel pa! Pwede namang si Lust na lang.
Masaya ako para kay Lucifer na mamamatay si Lust.
Pero isa rin ako sa mga babaeng, mawawalan ng pantasya kung sakaling, mawala ang kagwapuhan ni Lust.
Ano ba 'yan! Ano ba 'tong iniisip ko!
Nakakadalawang intercourse pa lang ako kay Lust. At nasa pang ilang million ako ng babae sa listahan niya bago makasiping ulit sa kan'ya. Kaasar kasi...
Tapos mamamatay s'ya...
*pout*
I'm having a second thoughts. Ang gusto ko lang naman eh, ang mamatay si Lienel at mailagay ang ulo n'ya sa platter.
I have to go out, hahanapin ko si Lust.
Tumayo ako at naglakad papunta sa malaking bintana. Binuksan ko ang bintana at pinilit na makaakyat dito.
T-tatalon ako...
*lunok*
Hindi ko kaya!
Gosh! Bakit hindi ka na lang lumabas ng nasa tamang paraan Envy! Preso ka ba!? Huh!?
Pero 'pag hinanap ko si Lust, at madatnan kong patay na, baka ako ang paghinalaan...
Bumaba na lang ako sa bintana at naupo na lang sa kama.
Teka? Bakit wala na ang mga usapan ng mga kawal?
"G-guard!?" Sigaw ko.
Umuwang ang pinto at biglang lumakas ang hangin kaya namatay lahat ng kandilang nagsisilbing ilaw ng kwarto.
May lalaking pumapasok na may mahaba at makapal na espeda.
*lunok*
Napalinga ako sa bintana at makikitang ako lang ang namatayan ng kandila sa silid!
"S-sino ka!? Anong ginagawa mo dito! Lapastangan!" Sigaw ko at nanginginig na sa takot. Hindi ko ito pinapahalata.
Tinapat ko na lang ang kamay ko dito. Titirahin ko s'ya ng red flower beam kung hindi siya titigil sa pag-abante ng lakad n'ya!
Tumayo pa ako para mag mukhang nakakasindak. Pero, palpak. Mas lalo lang akong nahalatang kinakabahan. I can sense the tremor of my legs. Nanghihina ako.
Napasigaw ako at napapikit ng tumira ako!
I'm sure na malakas ang tira ko at yumugyog pa ang palasyo.
"I am Aim Lady, Empress Envy! T-that's what you get!-" Sabi ko at napadilat-
Tumagilid lang pala siya para makaiwas! Woah!
"That fire power... You're immortal, I see..." Banggit nito at naaalala ko ang boses nito sa kabila ng ice dragon mask n'ya!
"Froze! Your queen has spared me! I- I'm not-" Napahinto ako ng itutok n'ya ang yelong armas sa leeg ko.
"P-please! Spare me!" Sabi ko at nagkuskos pa ng palad.
"I'm eridicating threats for our Queen. No one will know and no one will see."
*ssssss*
Napahawak ako sa leeg ko ng sumirit ang mga dugo rito.
Natumba ako sa kama at pinilit kong dumilat.
"Think of this place as the scariest place you've ever been. Enjoy your stay to oblivion."
Napahawak pa ako sa kamay ng lalaking 'to.
*spell chant*
"M-my God..."
Lord of Archaim Palace, 'Lust' Lustrous Point of View
I don't have enough spells. I can't escape. Portal is closed. Port is disconnected.
Hawak siguro nila ang key para mabuksan uli ang portal.
I killed 4 of them. May 1 na lang. At may isang spell bounder banda sa kung saan.
Napatingin ako sa likuran ko. May mala endless pit dito. Hindi ko lang alam ang mangyayari sa'kin, 'pag bumagsak ako rito. Nandito ako sa isang mataas na lugar.
Not now...
Hindi pwedeng ngayon pa...
Napahawak ako sa gitna ng dibdib ko at nakusot ko ang damit ko ro'n.
Hindi pwedeng kung kailan naramdaman ko na ang sobrang kaligayahan dito...
Saka pa ako mawawala.
Napapailing ako dahil sa kawalan ng dugo. May apat na tama sa katawan ko. Isa sa bandang tadyang, sa kaliwang braso, sa kanang dibdib, at sa kanang hita. Ispada sa tadyang, shuriken sa braso, at mga pana sa iba na nakatahak pa rin dito.
*sipa*
"Ugh!" Sigaw ko nang sipain ako ng assassin sa tiyan.
Isang fighter class na lang na assassin.
Isa na lang...
Napapikit ako habang nararamdaman ang malakas na hangin dulot ng malakas na pagbagsak ko mula sa kung anong mataas na lugar.
Hindi ko na kaya...
Hindi na...
Masyado silang malakas...
Approximately, 70 minimum technique ang alam ng bawat isang assassin. I finished 8 courses of assassination. I'm so out of league...
Sila siguro....
Nakatapos na ng mahigit 30 course...
*tugs*
BINABASA MO ANG
Temptation Temple (Tagalog) (Completed)
FantasyLIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay. KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kani...