7.35

215 8 0
                                    


"W-wala akong kasalanan!" Sigaw ko. "Maniwala h-ho kayo..." Nanginginig na dagdag ko pang sabi.

"Eto." Naglalakad na sabi ni Lust at bigla niyang pinalabas ang librong 'yun out of nothing! Hindi ko alam kung gaano ka-vast ang knowledge ng isang Lord. Ang dami niyang alam na spell. I'm completely dumbfounded! Pero maka-graduate lang ang kapatid ko...

'Yun lang ang tangi kong hiling...

Mag-aral ka ng mabuti, Kald. Kahit sira ang TC ko magsusulat ako ng mensahe sayo.

Message to: Kald

'Kamusta ka na? Pasensya na kung ngayon lang ako-'

Naluha ako.

'Ngayon lang ako naka-mail sayo. Alam ko naman kasing, you're doing well. Pasensya na at hanggang dito na lang ang suporta ko sayo. If ever something might happen to me. Respetuhin mo lahat ng nakakataas. Huwag mong uulitin ang pagkakamaling ginawa ko...'

Naaalala ko, na ako ang nauna na gumawa sa kaniya n'un. Tinira ko siya ng flare mula sa kamay ko. And it's the biggest mistake I ever made. Akala ko, magkakaintindihan kami afterwards. Akala ko matalino siya. Akala ko...

Pinunasan ko ang luha ko habang nakatitig kay Jhad.

'Maliwanag ba? K-kung sakaling maubusan k-ka ng Honor Points... 'Wag na 'wag ka nang magpakita sa templo. Itago mo si Kim, si Papa at Mama sa isang mundong malayo sa mga Immortal. Alam kong mae-expire na rin ang license ng pamilya. Hindi na tayo ligtas sa slavery pagna-expire 'yan. Kaya one month before, magtago na kayo. Please lang... Sumunod ka sa Ate mo kahit isang beses lang. I LOVE YOU, MAHAL KO KAYONG LAHAT! Kim, si Mama, si Papa at lalo ka na Kald! MAHAL NA MAHAL KO KAYO. LALO KA NA... MAHAL NA MAHAL KITA...'

Sent!

Narinig ko na ang bulong-bulungan. Nasuri na nila ang libro, sa tingin ko.

"Totoo nga at nag-match ang finger print ni Kale. Buti na lang at updated ang license niya." Huminga pa si Jhad ng malalim bago itinuloy ang sasabihin. "Hinahatulan ka ng hukumang ito na... Guilty beyond any reasonable doubt. Bitbitin na muna 'yan sa torture room. Kailangan nating malaman kung para saan ang pagbabasa niya nito." Matalim na sabi ni Jhad na tumusok-tusok sa puso ko paulit-ulit.

"W-what!? Hindi ako ang gumamit ng spell! Hindi ako!" Dahilan ko!

"Enjoy the torture, Kale." Sabi pa ni Lust sa tenga ko.

Naluluha lang akong nakatulala sa harapan ni Jhad.

*lunok*

*iling*

*iling*

*iling*

Someone Inside The Judicial Judge of Immortals's Point of View

Napangiti ako sa nasaksihan ko. Kailangan ito malaman ni Lucifer!

Binitbit na si Kale hawak ang kaniyang dalawang braso palayo sa Judicial Hall.

As expected, hindi nagsalita ang libro. This was the plan from the beginning. Hindi namin alam, na si Lust pa ang tutulong sa amin! Hahahaha!

"Hoy! Magsalita ka! Hindi ko alam kung bakit ka gumamit ng disguise para mabasa ko! Alam mong wala akong dragon bracelet! Woah! This is injustice, Jhad! Let me talk, please! I will prove to you-" Naudlot na sabi ni Kale ng patulugin na lang siya ng isang alagad sa kakulitan. Binatukan siya sa batok. Ayun, tulog!

"Kaya pala, nakakaramdam ako ng malakas na kapangyarihan mula sa kaniya... I can't imagine this... Kakaburol lang ni Nice kagabi." Sabi ni Jhad na nakahawak sa baba niya na nag-iisip habang kaharap si Lust.

Napahawak lang si Lust sa kaliwang balikat nito na kinatingin niya rito.

"I'm a faithful follower of Justice, Jhad." Lust exclaimed.

"Thank you, Lust. We might give light jurisdiction. Baka, nalungkot lang si Kale sa pagkamatay ng Amo. So, okay lang ba 'yun sayo?" Sabi ni Jhad na nag-aalala pa!

Hindi 'yun mangyayari Jhad! We will make sure na ang hatol kay Kale ay kamatayan! Kamatayan lamang! Hahahaha!

Nag-shake-hands na sila ni Lust. At nagsibabaan na ang lahat para makipagkamay rin sa tanyag na Lord. Meron pa akong gagawin na siguradong ikakatuwa ni Lucifer.

Nang turn ko na, ako na ang kumamay sa kaniya.

"Thanks to your service, Lord Lustrous." Sabi ko.

Tumango lang siya at tinapik ko pa ang likod niya bago umalis. Tinanggal na namin ang kamay namin at naglakad na ako paalis sa harapan niya.

Napangiti ako ng naramdaman kong naglaho na si Lust.

'Tracking Spell, Hakso!' Spell shout ko sa isip ko.

*Translation: Hakso is a japanese word. Means, activate.*

Napangiti ako. Ang pagtapik na 'yun. May sinabay akong Spell d'un. At walang kaalam-alam ang malibog. Hahahaha! Victory to you, God Lucifer! Hail! Hail!

*teleport*

Demon Throne

*****

Don't Forget

-to subscribe to page by joining our GC.

-to vote in table of contents.

-to comment always inside the reply button. RBP.

-to like this page.

-to react your feelings!

-to read our Author's Note.

Click Links

#dhtoc7 - Table of Contents

#dhtocp27 - Table of Contents part 2

#dhgenre7 - Browse the page by genre

Rafael: Don't forget to vote! Nakakagana mag-update, kung maraming votes! Salamat sa matinding suporta!

Temptation Temple (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon