The Dead Empress, Nice's Point of View
Naghahalo si Curse ng isang ewan na formula sa kumukulong kaldero. Ika-ika akong naglakad palapit doon. Putol ang tendons ko kaya hindi ako makalakad ng maayos. Ether veins ko, putol at sira rin lahat. It will take time, para maibalik ang kapangyarihan ko.
For short, isa na lamang akong patay na naglalakad. Hindi rin ako nahinga. Hindi rin natibok ang puso ko. Wala rin akong maramdaman sa paligid. Ni init o lamig man. Tuloy-tuloy ang pag-agnas ng katawan ko. Pero himalang may muwang ako. Makakalimutin na rin ako. Nakalimutan ko na ata lahat, maliban sa mukha ng isang lalaki...
Napakagwapo at matipuno. Matakaw sa pagkain. Palabiro at masyadong malakas na hindi marunong magkontrol sa sarili.
Pagsilip ko sa kaldero, nakita ko ang lalaking iyon sa isang hapag-kainan!
"C-Curse! Siya ang lalaki sa isipan ko! Baka, makatulong siya sa regeneration ng brain cells ko?" Sabi ko at nilingon niya ako.
"Paano naman 'yun makakatulong, Nice?" Mapamatsag na tanong ni Curse. "Teka? Hindi mo siya naaalala?" Tanong pa ni Curse sa'kin at finocus sa mukha ng lalaking matakaw ang makikita sa kumukulong kaldero.
"S-sino ba siya?" Inosente kong tanong na kinalaki ng mata ni Curse.
"K-kailangan ko ilista ang isa pang side effect ng Armageddon. K-kailangan mo ang memory mo, Nice! P-Paano na lang ang mga natutunan mong heavenly magic!?" Napahawak sa braso na sabi sa'kin ni Curse. Napatungo naman ako.
"H-hindi ko a-alam ang gagawin ko Curse..." Naiiyak na sabi ko.
"Don't cry, Nice. Pupunta tayo sa seremonya! By the way, this is Tony. Your life long chaser. Manliligaw ba..."
"M-manliligaw?"
Tumango lang siya ng tumango.
"Let's go. Bibihisan kita ng appearance spell. Para, maganda ka pa rin." Nagmamadaling sabi ni Curse habang hinahawakan ang buo kong katawan. Inaayos niya ang allignment ng mga buto ko.
Tapos ng umikot ako, ayos na ako. Maganda na ulit. Pati kulay pula kong mata, back to blue green na ulit. Hindi na rin puti ang buhok ko. Blondie na ulit at wavy. Nilagyan niya ako ng puting hood at hinawakan ako sa braso.
"Let's go!" Sabi ni Curse agad.
"P-pero d-delikado. Kapag nahuli tayo, siguradong buburahin nang Diyos Kaiser ang memorya mo. A-at ako... Kukunin niya ang kaluluwa ko..."
"Let's take a gamble, Nice. Else, we won't recover you completely. I don't want to lose you." Maayos siya magsalita ngayon. At mukhang, wala siya sa mood saktan ang sarili niya. I like this serious side of her. "Are you scared?" Tumango-tango lang ako sa tanong niya. I'm so honest, okay!? "Don't be. I will protect you. We will be happy, for the rest of our lives. Eternal and-"
"Together." Dugtong ko sa linya namin mag-bestfriend. This is our vow. Kahit magkaiba kami, nagkaisa kami. Dahil pareho kaming weirdo sa IU.
IU is Immortal University.
Heavenly Structures ang course ko. I finished 89 branch cources. Healing Magic, Chain Reactor, Heather, Light Element, at marami pang ibang course na under ng Heavenly Structures.
Sinusubukan kong umalala pa. Pero hindi na kaya...
"Let's go?" Tanong niya ulit na tinanguhan ko lang.
*swiss* *swiss*
Ice Palace Capital, Trieze
Ang daming tao at mukhang busy ang pinakadaan papunta sa palasyo, sa paghahanda ng mga maiinit na pagkain. Marami rin akong nakikitang mga nangangabayo sa sobrang ingay na lugar. "Wala na bang bakanteng mga inn dito?" Tanong ng isang nakasakay sa kabayo. Mukhang busy ang syudad.
BINABASA MO ANG
Temptation Temple (Tagalog) (Completed)
FantasyLIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay. KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kani...