Napanganga si Alexandria na katabi niya pala.
Hinawakan ko na lang ang braso niya ng mahigpit.
"It's okay. Tinatanong ko lang kung baka kailangan mo magpahinga muna..." sabi ko na napupuno ng awa. "Kung may magagawa ako para lumakas kayo, 'wag kayong mahihiya magsabi sa 'kin," sabi ko at nilingon din ang iba pa sa likuran na nag-uusap-usap agad ng bulungan pagkasabi ko nito.
"Goddess, I will command them to be silent—" naudlot si Froze ng hawakan ko siya sa balikat nang lumingon na siya sa likuran. Napabalin naman agad siya sa'kin.
"No need. Let them discuss for their selves," utos ko at binigyan niya lang ako ng tango.
Naglakad na ako sa kabila ng bulong-bulungan nila. Gusto ko sanang maki-chat lang sa kanila. Pero masyado kasing strict ang isa sa policy.
"By the way, anong balita na sa Kuya ko?" Sabi ko out of nowhere. Naramdaman kong huminto ang lakad ni Froze kaya napabalik ako ng tingin agad sa kaniya.
"Missing... he's missing Goddess," napatakip naman ako ng bibig agad at nagtayuan ang mga balahibo ko. Lumuhod bigla si Froze at sumunod ang mga kawal niya. Sinayad pa talaga nila sa ulo nila.
"Patawarin niyo kami, Goddess..." sabay-sabay na sabi ng kawal ni Froze. Si Froze naman tumingala na agad.
"Kahit katawan ng kapatid mo, hindi namin nakuha—" pagtatagalog pa ni Froze pero pinigilan ko siya agad nang sumabat ako.
"Hindi! Anong katawan ang pinagsasasabi mo, Froze? Hindi pa patay ang kapatid ko!" Sigaw ko.
Tumulo na ang patak ng luha sa kanang mata ko.
BINABASA MO ANG
Temptation Temple (Tagalog) (Completed)
FantasyLIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay. KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kani...