Agh...
Sobrang sakit ng likod ko. Bumagsak pa ako sa isang malaking tipak ng bato.
From that fall...
Ta's nalaglag pa ako sa tipak ng bato!
I have coated my body with last ounce of my magic.
Pero, the fall is a fall...
Tumayo ako dahan-dahan na mirakulong ayos na ayos pa ang katawan.
I'm numb. Wala na akong maramdamang sakit. Oh?
Hi, little girl.
Little girl with a shotgun aiming my head.
"Z-zombie! Sabi na! Magkaka-zombie invasion dito someday! I will kill you! Bago pa kumalat ang epidemya!" Little girl said.
"N-no, hindi ako zom-"
*shot*
Crap! Tinamaan ako sa noo!
*tugs*
Nangingisay ang katawan ko bago ko naipikit ang mga mata.
"Selena! Anong ginawa mo- Shit! Bumaril ka ng tao!"
"Dad, he's a freaking zombie! Look at him! Ang dami niyang sugat pero-"
I guess...
I passed out.
Dumilat ako sa isang mainit na pakiramdam sa ibabaw ko.
"Good morning kuyang pogi! It's been 7 days since you died. And now, buhay ka ulit. Want me to kill you again? I'm more than willing, and happy to do it for you! Thanks! Mabuhay ang mga zombie!" Sabi ng batang babae na my hawak na kutsilyo. Sasaksakin niya pa sana ako. Kaso, nahawakan ko na ang kamay niya.
"O-oh? You can move already?" Sabi ng babaeng 'to.
Hindi n'ya ba alam na nakakamatay 'yang ginagawa n'ya?
"Stop it, Selena! Oh gising ka na? Grabe ka rin eh no? Biruin mong buhay ka pa? Pasensya na sa anak ko. Waka kasi 'yang ibang ginawa, kundi mangaso. Iba rin ang impluwensya niyan sa nabasang zombie apocalypse. Pasensya ka na..." Sabi ng marespetong ginoo at pinilit ko na lang umupo.
"O-okay lang ho..." Nakangiti ko ring tugon.
Nakayakap na sa'kin ang batang babae.
"May heartbeat ka pa rin pala? Tumitibok pala ang puso ng zombie in real life?" Napangiti ako sa sinabi ng batang babae.
"Ano... Sana... 'Wag kang magreklamo sa'min." Bwelo ng ginoo. "Mahirap na ang buhay. Eh- Eh... K-kahit anong gusto mo, basta kaya ko! 'Wag mo lang kaming sampahan ng kaso!" Sabi ng ginoo na nakatungo at dahasang binitbit ang batang babae sa buhok at ibinaba. Kumapit pa ito sa damit ko. Kaya lang, masyadong malakas ang kamay nito sa bata.
"A-aray, Dad!" Sigaw ng batang Selena.
Dad? Kaso?
"Dad? Kaso? Ano 'yun? Pwedeng paki paliwanag?" Maang kong tanong.
Nagkatinginan lang ang mag-ama.
"Hehehehe! Sa totoo niyan, binibiro lang kita!" Namamawis ang noo niyang sabi. "Magkapatid kayong dalawa. At kapatid mo 'yang bumaril sayo. Nakalimutan mo ba?" Tanong nito na hindi mapalagay ang itsura. Tinatakpan na rin ng malaki at mabuhok niyang kamay ang bibig ng batang babae.
"Kapatid? Dalawa? Anong bumaril?" Sunod-sunod kong tanong.
Anong nangyayari? Sumasakit ang ulo ko.
Napahawak ako sa noo ko.
"A-anong masakit!? A-anak! Kumuha ka ng pangpamanhid!"
"Dad, pukpukin natin ang ulo n'ya para mamanhid! Siguradong mamamanhid 'yan 'pag tulog!" Magiliw na tugon ng bata at nakakuha na ng isang bilugang bakal na makapal na walang laman ang loob.
Napangiti pa ito sa'kin. Napangiti naman ako ng pilit sa effort n'yang bitbitin ang bagay na mukhang mabigat.
"Ikaw talagang bata ka! Hindi naman kita pinulot. Saan mo ba nakuha ang ugali mo! Ako na nga!" Padabog na tugon ng ginoo at pahablot na kinuha ang dala ng bata.
Umakyat na lang ito sa taas at pagbalik nitong may dalang kahon, wala na ang sakit sa noo ko.
Napabalin na lang ang tingin ko sa batang babae na kumakain na mag-isa sa mesa.
*lunok*
Naglalaway ako sa isip. Parang gusto kong isubo ang nilalapang niya...
"Ano? Okay ka na? Kailangan pa ba ng gamot?" Tanong ng ginoo na kinailing ko lang. Hindi ko rin siya pinansin at nanatili akong nakatingin sa babae.
Lumingon pa sa akin ang babae- Selena habang sumusubo.
"Nagugutom ka no? Pasensya na, ubos na eh. Mamatay ka na lang ulit." Sabi ng babae.
*lunok*
Napahawak ako sa tiyan ko at walang tigil ang tunog nito sa loob.
*lunok*
"Gutom ka na? Nakakatayo ka na ba? Halika na dito sa kusina. Kain na tayo, a-anak." Sabi ng ginoo ata sa'kin habang naglalakad sa kusina.
Agad naman akong napatayo ng tugon.
*lunok*
Tumakbo pa ako at nang makaabot na sa mesa, tumayo lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin.
"Ano pang tinatayo mo diyan? Umupo ka na at kumain ." Sabi ng ginoo na nakaupo na pala.
Tumulak lang ako ng upuan at umupo sa harapan niya. Napatingin pa ako sa kaniya habang may nilalagay siya sa isang plato. Kung ano-anong karne ang nilalagay niya dito. May tinapay pa. May nakasandok na ring kanin at tumakbo pa siya para kumuha ng kutsara at tinidor na sinusundan ko ng tingin. Nilapag niya lang ito sa ibabaw ng mga pagkain sa plato at saka itinulak malapit sa akin.
"Kain na, Reynald." Aya ng ginoo.
Reynald? Pangalan ko Reynald? Ah...
"Pffth!" Muntik mabulunang tunog ni Selena. "D-dad! You're terrible-"
"Shut up, kid. Just eat." Tugon ng ginoo at sinubuan na lang bigla ng kanin sa bibig si Selena.
Anong pangalan ng ginoo?
Pero, mamaya ko na lang itatanong!
Gutom na ako!
Dumako na ang kamay ko sa tinapay at nagsimula ng lumamutak ng pagkain sa bibig!
"Hehehe... Gutom na gutom ah... Pitong araw ba namang walang gising eh..." Komento ng ginoo.
"A- *nguya* Ano nga palang- *nguya* pangalan niyo ho?" Tanong ko.
"Nestor. Ako ang tatay niyo ni Selena. Kumain ka na lang muna. Para, makaalala ka. At kapag naalala mo na... Sana..."
*nguya*
*nguya*
*nguya*
Sana ano?
Napatingin ako ss kaniya. Hindi niya tapusin ang sinasabi?
"Wala... Kumain na lang tayo." Tuloy ni Nestor at napangiti na lang ng namamawis pa rin ang noo.
Weird. Hindi naman mainit kahit may apoy pa sa fireplace. Sakto lang.
Napatingin ako kay Selena na nanliliit ang mata kay Nestor.
'Ano!' Bukang bibig ni Nestor at akma pang pupukpukin ng kutsara si Selena.
Napaangat naman si Selena ng tinidor at akmang lalaban sa kutsara.
Hindi ko namalayang masaya ng naghahampasan ng kutsara't tinidor si Selena at si Nestor. Napangiti ako dahil hindi na sila kumakain.
Tapos na rin akong kumain.
Napaisip ako...
Wala talaga akong matandaan. Kaasar...
Reynald...
Isip...
Isip..
Isip!
Ah! Wala! Suko na'ko!
BINABASA MO ANG
Temptation Temple (Tagalog) (Completed)
FantasyLIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay. KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kani...