Masarap ang tunog ng mga ibon na nagkakantahan sa isang puno sa labas ng bintana.
Gising nanaman ako. Pag-upo ko, nag-unat ako ng kamay.
"Gusto kong mamatay..."
Pero natakot ako kagabi sa nangyari. Kung sakaling papatayin ako ng multong 'yun, bakit ako natakot?
"Zzzzzzzzzzz..."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng hilig. Wow, nakahiga ka siya sa kama. Sa kama, kung saan talaga ako natulog. For short, magkatabi kami! Magkatabi kami!
*sipa*
*toogsh*
Sinipa ko siya pababa at rinig ko ang ulo niya na tumunog kaya napatakip ako ng bibig. "O my God." Umupo siya dahan-dahan habang hawak ang ulo niyang nasaktan. "S-sorry!"
"G-good morning asawa ko. Ganda ng gising mo ah. Sweet." Sabi niya ng nakangiti.
"Ha-ha-ha. Masakit ba?"
Nasasaktan siya? Tao siya. Namumula nga 'yung noo niya oh. Nasasaktan siya!
"Isang halik lang, wala na 'to." Sabi niya at ngumuso na para sa halik.
"Excuse me, wala sa nguso ang sakit." Binato ko ng unan 'yung nguso niya at agad naman siyang napakunot ng tanggalin ito.
Tumayo ako at hindi ko inaasahang...
*truuoooooooot*
Tumunog ang tiyan ko.
"Gutom ka na?"
Crap! Nakakahiya ka, Lienel! "M-muk'ang okay ka naman... K-kakain muna ako bago umalis."
"Aalis ka? Iiwan mo'ko?" Sabi niya at ramdam ko ang pagtayo niya sa gulat. Napatingin naman ako sa expression niya. Malungkot ang isa niyang mata at seryoso ang gwapo niyang mukha. Sobrang nagdikit ang mga labi niya. Umiwas lang ako ng tingin ng tumingin siya sa'kin. God, anong meron sa'kin na bigla ata akong nahiya sa tingin niya. Crap!
"Tara, kain na tayo." Sabi niya na lang at nagsimula ng maglakad.
"O-oh... Susunod ba'ko?" Tanong ko na hindi niya sinagot. Pero sinundan ko pa rin siya. Naglakad kami sa dinaanan ko kagabi. Kaya, napahawak ako sa laylayan ng damit niya. Napatingin naman siya sa'kin. Hindi pala sa'kin, sa kamay ko. Tinanggal ko naman ito dahan-dahan. AWKWARD.
"Please... feel free to do so." Sabi niya at nagulat-kinabahan ako sa paghawak niya sa kamay ko na binalik niya ang hasak sa braso niya. "Humawak ka ng walang alinlangan. Hindi kita pababayaan."
*lunok*
Kapag sinabi mo 'yan ng gan'yan... Wala akong magagawa kundi... tanggapin 'yan. Napayuko ako at pinaranas ko sa braso niya ang takot ko. Na parang tatapak pa lang kami sa tapat ng kwartong 'yun, nanginginig na ako. Please, paki-usap... Napapikit ako.
*yakap*
Biglang yumakap siya sa likod ko. "Lumakad ka na. Dito lang ako." Bulong niya sa likod ng tenga ko. Tinayuan ako ng balahibo pero, hindi ko na naisip pa ang takot ko. Parang nararamdaman kong...
"Safe ka dito." Safe ako dito. Sabay na sabi niya at isip ko.
Naglakad na ako paabante. Kahit hirap sa sitwasyon ng lakad namin, alam kong nakasunod siya sa'kin. Nakayakap siya sa'kin. Hindi niya ako iiwan. Ililigtas niya ako. Ayan ang gustong ipahiwatig ng mga yakap na'to.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang yakap ng marating namin ang hagdan. Meron pa palang taas. Pang ilang palapag 'to?
Naalala ko ang ginawa niya sa'kin, bago bumaba sa bangka.
BINABASA MO ANG
Temptation Temple (Tagalog) (Completed)
FantasyLIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay. KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kani...