"Maraming salamat sa serbisyo, mga Books. I love knowledge!" Masayang sabi ko at saka ngumiti.
"Walang anuman, Empress Kale!" Sigaw ng mga libro.
"Pssst! Hindi ako Empress ano ba kayo-" Suway ko pero sumabat na ang hawak kong libro.
Napangiti lang ako- May naririnig akong mabigat na yabag at malakas na presensiya ng nilalang na tila eh parang kilalang-kilala ko. Kaya lang, hindi ko siya pinansin. Lord o Empress siguro ang dadaan.
"Parang ganoon na rin po! Masaya po kaming kumakain ng pagbabasa niyo dahil sa taglay po niyong kapangyarihan! Para na rin po kayong Empress! Hindi po kayo servant!" Masayang tugon nitong libro. "Tama po kayo-" Dagdag pa nito na naudlot. Nagulat ako ng hinablot nang kung sino ang libro mula sa pagbabasa ko!
"Aray! Dahan-dahan po, mahal na panginoon!" Sigaw nang librong hawak ko kanina!
Nanlalaki ang mata ko ngayon. Hindi ako pwedeng magkamali. Napatay ko ang TC ko bago ako pumunta dito! Anong ginagawa ni Lust dito!? Woaaaaah!
Napalingon-tingala ako sa naka-crossed-arm na binatilyo na umuusok ang galit. N-no way! P-paano niya ako nahanap dito!
"L-Lust! A-anong ginagawa mo-" Gulat niya at hinablot na lang ang hawak kong libro.
Binasa niya ang front cover ng libro. "Imperial Bloodlines. Bakit ka nagbabasa nito?" Binuklat niya ang mga papel at may nakita akong lumabas na dragon seal sa libro niya!
O my God! Bakit ako nagbabasa ng dragon sealed book! Woaaaaah! No way! Nang makita ko 'yan kanina! Human seal 'yan eh! Woaaaah!
"Sinong nagsabi sayong basahin mo'to ha!?" Sigaw niya at tumingin pa sa wrist ko kung may dragon bracelet ba ako na nagsisilbing permit. Pero ang mahal nu'n I can't never afford one even in this whole life time! "Wala kang permit!" Sigaw niya na agad kong kinagulat at napaiwas ng tingin.
"Hindi ito pwede sayo. Maghanda ka sa kaparusahan mo." Banta niya. Gusto kong itago ang kaba ko pero- narinig kong pinagpag ni Lust ang libro.
Nakita ko kung paano natanggal ang appearance spell sa libro! O-O-OMG! Sumigaw pa ang libro sa gulat dahil nawala nga ang nagtatago sa kaniyang cover na hindi siya for public reading. Bakit ka nag-disguise sa'kin!? Huhuhuhu...
Nawindang ako lalo at nawalan ng kontrol sa isip ng hatakin niya ako patayo forcefully.
"Lust, I'm doing this for G-Goddess... L-let me go..." Dahilan ko at halos maiyak na. I know how serious my crime is. Mahahatulan ako ng malupit na kaparusahan. Minimum torture. Maximum death. Noooo! Hindi pwede matapos ang kalbaryo ko dito!
TC! I have to connect-
Woah! Tinanggal ni Lust ang TC ko? Paano niya ginawa 'yun!
"Huwag mong gawing dahilan si Lienel sa mga ambisyon mong lumakas Kale! Hindi ka pwedeng lumakas, dahil sa creation rights namin! Tatandaan mo 'yan!" Gigil na sigaw niya sa mukha ko na tumatalsik pa ang laway sa galit. Nakakatunaw rin ang titig niya. Halatang matindi ang galit niya sa'kin. Kasalanan ko rin kasi...
Nanatili akong gulat at napatungo na lang.
"Hindi mo'ko naiintindihan Lust-" Huling salita ko bago niya ilipat ang lugar.
*teleport* *teleport*
Napatingala ako dahan-dahan sa kung saan ako dinala ni Lust.
J-Judicial Immortal Hall!
A-at kompleto sila!
My Goddess...
Kung ano mang mangyari sa'kin, protektahan ka nawa ng Diyos, Kaiser...
Napapikit ako.
"Anong maipaglilingkod ko, Lord Lustrous? May irereklamo ka ba?" Lord Judge, 'Jhad' said.
"Jhad! Anong kaparusahan sa mga lumabag ng creation rights!?" Tanong ni Lust at inihagis ako patulak sa gitna at nararamdaman ko ang mga titig nang mga hukom.
Napaluhod ako agad sa harapan nilang lahat sa takot.
I'm guilty.
I'm guillty...
Kompleto ang ebidensya...
May finger print. Ano nang gagawin ko!?
"Creation Rights!? It's a serious crime!? What kind!?" Napapatayong sabi ni Jhad.
Mas lalo akong kinabahan. Naririnig ko na nga halos ang tibok ng puso ko sa dibdib ko. Parang gusto ng lumabas.
"Reading of a restricted book." Sabi pa ni Lust at napatingin siya sa'kin na nanginginig na ang buong katawan.
"Nasaan ang ebidensya mo?" Masungit na tanong ni Jhad. Napatingala naman ako agad sa kaniya na gulat na gulat ang mukha.
*****
Don't Forget
-to subscribe to page by joining our GC.
-to vote in table of contents.
-to comment always inside the reply button. RBP.
-to like this page.
-to react your feelings!
-to read our Author's Note.
Click Links
#dhtoc7 - Table of Contents
#dhtocp27 - Table of Contents part 2
#dhgenre7 - Browse the page by genre
Rafael: Wala pa rin ang pamasko ko? Keep on voting for more updates! Sinisipag ako lalooo!
BINABASA MO ANG
Temptation Temple (Tagalog) (Completed)
FantasyLIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay. KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kani...