Chapter Seven

813 13 2
                                    

Kaiser's Point of View

Nagagalit ako! Sobrang sakit na sa dibdib ng mga nangyayari! Napaupo ako sa sobrang hina ng mga tuhod ko. Hindi siya nanghihina sa lakas. Nanghihina siya dahil parang nawawalan na siya ng pag-asa para makamtan ang mga pangarap niya. Lumalabo ng lumalabo ang pangarap ko. Lumalabas ang luha ko habang nagtatatak ako ng mga dasal. Hindi ko tuloy mabasa... I am so broken hearted. Naaalala ko pa nang ginawa si Gluttony at Nice ng sabay. Ini-imagine kong lalaki silang dalawang magkasama. Sa kabila ng mga ugali nila, I imagined them together. Co-existing to exist for each other.

"Wraaaaaaaaa!" Sigaw ko at hindi ko sinasadyang mapatalsik ang tatlo na kaka-teleport lang sa harapan ko.

Galing sila sa burial! Sumenyas rin ako na ipagbawal ang tatlo na na bumalik sa aking templo! Ayo'ko munang makita ang contradiction nila! Ayo'kong makita ang mga pagmumukha nila! Nakakainis! Napapunas ako ng luha ko sa mata gamit ang kaliwang braso ko. Lienel... pati ba naman ikaw? Kailan pa naging gan'yan ang mata mo? Hindi na siya tulad ng dati. And dati niyang mata ay malungkot pero puno ng pagmamahal mula sa mga umiwan sa kaniya. Pero ngayon... walang trace ng pagmamahal dito. Atleast, para sa akin wala. Hindi ko alam na pupunuin ang mata niya ng galit at paghihiganti. I never once imagine na mangyayari rin sa kaniya ang lahat ng 'yun. Pinagkatiwalaan ko silang lahat ng sobra... Na gagawin nilang mala prinsesa ang asawa ko. Pero ginawa nilang mas masahol pa sa hayop ang trato sa asawa ko. Ang mga ugali nila!

"Wraaaaaaaaa!" Sigaw ko at tinabig lahat ng gamit sa tabla.

Naiiyak ako! Wala akong expect na ganito ang mangyayari sa aking kapaligiran! They were right behind my nose! Bakit wala akong napapansin? Naalala ko ang pagpunas ko sa mga luha ni Lienel. Hindi ko alam na gan'yan sila ka-close ni Nice sa maiksing panahon na nagkakilala sila. Ano na lang ang gagawin ko para mawala ang galit niya sa akin? Hindi ko alam... Hindi ko alam. Umiling-iling ako at nagbuklat na ulit ng dasal.

*tatak* *buklat* *basa* *tatak* *tapon* *buklat* *basa* *tatak* *tapon* *buklat* *basa* *tatak* *tapon* *buklat* *basa* *tatak* *tapon*

Matagal ko rin itong ginawa at sa haba ng wala akong tulog, first time kong gustong magpahinga. Gusto kong magpahinga na... Mabigat na ang balikat ko. Pati ang sakit sa dibdib ko, sobrang bigat na. Para akong pinipiga. Mahal ko silang lahat. Pero bakit hindi nila ako magawang mahalin din? Naluluha na naman ako. Wala akong ginawa na hindi para sa kanila. Lahat-lahat... binigay ko. Lahat ng kapangyarihan, yaman, at pagmamahal hindi sila salat. Pero ako... paano ako? Gusto kong makita si Lienel. Gusto kong makapagpahinga sa tabi niya. Magpapahinga ako sa mahal ko. Kahit na ayaw niya pa rin sa akin. Tama, asawa ko naman siya. Teka, baka may mga urgent na prayer dito. Ayo'ko ng may magaya nanaman kay Nice. Nakarating sa akin ang dasal pero wala akong nagawa.

*buklat* *basa* *tatak* *tapon* *buklat* *basa* *tatak* *tapon* *buklat* *basa* *tatak* *tapon* *teleport*

Walang ibang puwede maka-teleport at makapunta dito sa prayer temple bukod kay Lienel at sa isa pang binigyan ko ng sikretong misyon. Dahil hindi ko muna pinapasok ang tatlo.

"I'm here to report," sabi nito at agad akong napatayo!

"B—bakit ka nandito? A—anong nangyari sa asawa ko? Kumilos ba si Lucifer ha? Agad-agad?" Atat na tanong ko. Dahil sobrang aga naman.

"Puwede ba akong lumapit?" Pamamaalam niya pero hindi ko na siya hihintayin pa! Ako na ang lumapit para matanggap ang report!

"A—anong nangyari?" Atat at kinakabahan kong sagot.

Hindi niya kaya pinatay ulit ang asawa ko? Hindi ko na siya mapapatawad kapag ginawa niya 'yun. Wala ng kapatawaraaaaan! Nag-abot siya sa akin ng papel sa scroll at agad ko itong binuksan na nanginginig pa! Hinde! Huwag lang ang iniisip ko. Nakahinga ako ng maluwag nang nalaman kong may sakit lang siya! Pero hindi ko hinintay pa ang pagkakataon!

Temptation Temple (Tagalog) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon