Lumulubog ang aking paa sa kapal ng snow na aming natatapakan. Humihina na rin ang hangin at mahina na lang ang patak nito.
Mga onting lakad pa at nakatanaw na ako ng mga tent. Sa labas nito ay mga lalaking nakahubad ang damit at naglalaban sila sa isa't-isa na may kanya-kanyang gawang yelong armas na nakakabit sa kamay nila. Ang ilan, nagyeyelo ang buong braso papunta sa kamay at tila eh naghuhugis ito ng matalim na espadang mahaba at makapal.
Ang iba, lumuluhod at nagpapalabas ng mga tila palasong yelo na sumisira ng mga armas ng mga kalaban nilang nakakabit ang mga armas sa braso't kamay.
Naglalaban sila one on one.
Napahinto sila ng makita nila si Froze.
Nandidilat ako sa mga katawan nila ah. Infairness. Hindi sila nilalamig?
Kita ko ang mga pawis nila sa kalagitnaan ng pag-eensayo.
"Captain! W-woah!" Gulat ng nauna ang takbo sa harapan namin pagkakita sa'kin. Napaluhod pa siya sa paraan ng respeto ng isang mandiriga.
"Iprepara ang Goddess ng armas na maaari niyang gamitin. Give her some normal ice staff." Utos ni Froze.
*lunok*
"M-masusunod!" Sigaw nito.
Nagtakbuhan na ang lahat sa kani-kanilang tent at sunod-sunurang lumabas ng nakadamit panlamig na.
Bumalik na rin agad ang lalaking inutusan na may dalang nagyeyelong stick na kahoy na parang yelong cotton buds lang ang tingin ko.
Ice staff na 'yan?
"This is a normal ice staff, My Queen- Goddess..." Nagkamaling banggit niya.
It's okay to call me, Queen... Small thing. Tch!
Kinuha niya na ang ice staff sa alagad at inalok na kuhain ko ito.
Kinuha ko nga ito at sobrang lamig nito sa mga gloves ko. Medyo mabigat rin. Parang isang kalahating kilo ng yelo ang hawak ko. Cold...
"Kailangan mo tanggalin ang gloves mo, Mahal kong Dyosa." Finally, nagtagalog ka. Pero, para lang utusan ako na pasuin sa lamig ang kamay ko! Hoy, are you joking? An'lamig na nga sa gloves eh.
"Part of the training." Dagdag niya pa.
Nakita kong nagbubulong-bulungan ang mga alagad na rinig ko naman.
Kinuha ko na lang muna ang nangyeyelong hawakan ng stuff.
"Huy, seryoso ba si Cap.? Masakit sigurado 'yan sa kamay."
"Oo nga eh. Reyna 'yan eh... I'm sure, hindi pa 'yan nakakahawak ng gan'yan..."
"Naaalala ko, nang una akong nag-train. Nilagnat ako buong gabi. Nagtuloy pa 'yon ng tatlong araw, trangkaso na pala."
"So, magtre-train ang Goddess, but why!?"
"Tanga? Para sa self defense. Bobo lang, Nick?"
"Wow, ang talino mo Sarge!"
"Tumigil nga kayo, naririnig nila tayo..."
Huhuhu... Paanong hindi ko kayo maririnig... Eh naglalakad na kami papasok sa loob.
Nagpapalit-palit na ang mga kamay ko. Naka-gloves na ako niyan ah?
Lumingon ako kay Alexandria at nakaisip ako ng karamay.
"G-give her a stuff too." I commanded to Froze na nagpahinto sa lakad niya sabay ikot sa aming dalawa ni Alexandria. Nagulat si Alexandria sa sinabi ko.
"Join me? Isn't it exciting?" Sabi ko pa kay Alexandria na napapatango ng pilit.
Hihihihi...
Sorry, Alexandria...
Gusto ko lang ng kasama. Pagbigyan mo na ako. Plus, kung nagkataon, kami lang ang babae dito.
"Woah, this is the best day of my life." Mga kawal.
"Kaya nga... Makikita natin ang bagong mamumuno ng Frozen Throne ng malapitan."
"Idro-drawing ko ang mukha ng Goddess. Isang pilak lang isa, oh ano? Sino bibili?"
"A-ako! Ii-drawing mo'ko kasama ng Goddess at n-nung Alexandria."
"A-ako rin! Sayo na sahod ko, Ricky. 'Pag na-drawing mo'ko kasama pa si Captain Froze, sayong-sayo na ang isang pilak!"
"Akala ko, buong sahod mo?"
"Hehe, 'di ba nag-loan ako? Kaya iyan lang sasahurin ko this month."
"Walang christmast bonus?"
"Ewan, depende kay Cap.."
May pasko dito? Woah, kailan?
"Hoy, magsitahimikan ang lahat." Sigaw ni Froze sa mga kawal. "Shall we procede, Goddess?" Napatango lang ako sa mala-seryoso nang tono ni Froze.
Walang pareyna-reyna kay Froze kapag magtuturo siya. Gan'un Froze?
BINABASA MO ANG
Temptation Temple (Tagalog) (Completed)
FantasyLIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay. KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kani...