7.27
Tumayo na rin si Greed at hinawakan ang dibdib ni Tony para pigilan siya.
"Hoy, relax nga lang kayong dalawa..." Saway ni Greed.
"Eh eto eh! Binato ako ng bola!" Turo ni Tony na napatingin pa kay Greed ng galit.
"Eh kung sino ba namang-"
Ewan ko kung bakit pero bigla akong natawa.
"Hahahaha!"
Napatigil silang tatlo at biglang nasipagtinginan sa akin.
"Sige, ituloy niyo lang. Nalilibang ako. Hahahaha!" Tawa ko at napahawak pa sa kamay ko dahil sa pagpigil kong humalakhak ng tuluyan.
Napaupo na lang silang tatlo dahan-dahan sa hindi ko maintindihang dahilan.
"Oh? Bakit kayo huminto?" Tanong ko.
Napapigil rin ng tawa si Alexandria. Napatingin lang sa kaniya si Froze at Greed.
Katabi ko pala sa kanan si Tony. Sa kaliwa naman, si Lust.
Katabi ni Tony si Greed. Katabi naman ni Lust si Froze.
Katabi ni Greed si Alexandria. Dapat katabi ni Froze si Kale, kaso umalis eh.
"Gutom na ako, Lienel. Kain na tayo." Sabi ni Tony at hinipo pa ang tiyan. Hindi niya rin maiwasan ang manlisik ang mata sa kaharap na si Lust.
"Oo, dapat nga gutom ka na. Dahil nga lang sayo, ubos na ang 1 year supply na pagkain ng Frozen Throne." Sabat ni Lust.
*kalabog*
Nakita kong tumalon ng bahagya ang pagkain sa pagkalampog ni Greed ng kamay niya. "Ano ba!? Hindi kayo titigil!? Huh!? Dadalhin ko kayong dalawa sa Blank Space, ano!? D'un kayo magrambulan ng hindi kayo maka-attend mamaya!" Sigaw ni Greed na nainis na ata. Napuno na siguro.
'Blank Space?...'
Napanguso lang si Lust sa titig ni Greed.
'Cute.'
Lumipat naman ang tingin ni Greed kay Tony na napatungo tuloy dahil sa titig ni Greed.
"Isa pa... Kumain tayo ng matino ah." Banta ni Greed na kinatango nilang dalawa.
W-what's happening?
*sigh*
Napasinghal ako sa harap ng hapag-kainan.
"Okay na? Kain na tayo. Who will lead the prayer?" Tanong ko na biglang kinalingon ng tatlo sa'kin.
Ehehehehe...
I remember. Mga Lucifer's side pala 'to ng una. Hahaha!
"Si Lust daw..." Nakangusong suggestion ni Tony.
"Si President, Lienel. President 'yan kaya magaling..." Si Lust naman na tinuro pa si Greed.
"H-huh!? H-hindi ako marunong! Si Froze! Oy! Ikaw marunong ka 'di ba!?" Turo ni Greed sa kaharap niya. Napaturo naman si Froze sa sarili.
Finally, may nag-volunteer. Nagtaas ng kamay si Alexandria.
"Ako po! Goddess... M-marunong ako. Lagi kaming nagpre-pray bago kami kumain. Sa pasasalamat sa grasyang binigay ng ating Panginoon." Explain pa ni Alexandria at napatungo na medyo nahihiya.
Napatango naman ako as agreement sa kaniya. Nakakatuwa...
*ngiti*
"L-let's b-bow o-our head? G-Goddess? L-Lords a-and? Froze?" Tanong ni Alexandria na sinunod ko agad. Napatingin naman ako sa kanilang tatlo na iika-ika ng tungo.
Natatawa ako! Makikita mo ang pag-asim ng mga mukha nila. Hahahaha! Parang ayaw pa nilang gumalang sa Diyos eh.
"Let's respect our God and close our eyes." Leading voice ni Alexandria na kinangat ko ng ulo nang makarinig ako nang pag-atras ng upuan!
"Bakit kailangan pang magsara ng mata!" Si Greed lang pala. Nakatayo na siya. "We're completely defenseless. Alam mo ba 'yun? Ha!? Alexandria? Sino ka ba, para sundin namin? I can't take this. I'm leavi-" Sigaw ni Greed na naudlot.
*kalampog*
Tch! Siya naman...
Medyo sumeryoso na tayo kanina eh! Ngayon, siya naman!?
Ako naman ang kumalampog. Naiinis na ako. Hindi na ako natutuwa. "Kailan tayo kakain Greed!? Huh!? Ano bang problema niyong tatlo! Kailan kayo magkakasundo!?" Sigaw ko na kinagulat ng mata ni Greed.
Sige! Bahala ng nakakatakot ako! Matakot ka na Greed! Tch! Marami pa akong, imagination mo ang limit dito! Sige!
Naiikang napaupo si Greed pabalik at narinig ko naman nagpipigil ng tawa ang katabi niyang si Tony, na sinipa ko rin sa ilalim ng mesa.
"Ano ba!" Sigaw na pabulong ko.
"S-sorry..." Pagpaumanhin na hingi ni Tony.
"O-okay na po? G-Goddess?" Magalang at mahinhin na sagot ni Alexandria.
Tumango naman ako. Napatungo na si Greed at napapikit. Tumingin pa ako kay Lust na pilit-pilit ang pikit. Si Tony naman, natatawa na nakapikit.
"Tony... umayos ka huh?" Bulong ko na huli na kinatango niya pa. Tumungo na rin ako ulit.
"Okay, let's pray..." Panimula ulit ni Alexandria.
Sinara ko na rin ang mata ko. Sa wakas, nagsimula na rin mag-pray. Haist!
Gutom na rin ako!
*****
Rafael: Hoy, walang ganyanan! Dati naman, sunod-sunod ako mag-update. Wala kayong reklamo. Ma-delay lang ng ilang araw eh gan'yan na kayo? Busy rin ako at hindi ko kailangan mag-explain kung bakit. I have my own life kaya respeto lang. Hindi rin ako nagbaba ng update dahil wala ng boto. Busy lang talaga. Kahit na ganoon, salamat sa mga hindi nagsasawang sumubaybay. Salamat sa mga sumusunod sa rules. Salamat sa mga tagapagtanggol ko, 'pag wala ako. Salamat din sa edit Admin. I love your edits! Kulang ang salitang salamat sa lahat ng readers at sa bumubuo ng kwentong ito. Merry Christmast!
Don't Forget
-to subscribe to page by joining our GC.
-to vote in table of contents.
-to comment always inside the reply button. RBP.
-to like this page.
-to react your feelings!
-to read our Author's Note.
Click Links
#ywstoc - Table of Contents
#ywstocp2 - Table of Contents part 2
#ywsauthorsnote - Author's Note
#ywsgenre - Browse the page by genre
BINABASA MO ANG
Temptation Temple (Tagalog) (Completed)
FantasyLIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-isip kung gusto niya bang mamatay. KAISER, ang lalaki sa templo. Siya ang lalaking nag-aabang sa kani...